Phase 9

93.6K 3.3K 614
                                    

Phase 9




Kabado ako nang makababa, sinalubong ako ni Cora sa paanan ng hangdanan. Nagtataka ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin, I guiltily smiled at her.

"Nasaan na siya? Hindi ba tutulak pa Laguna?"

Inayos ko ang aking buhok at huminga ng malalim. Hindi ako makatingin ng maayos at diretso sa kanya dahil sa kahihiyan.

Pakiramdam ko ay may kababalaghan akong nagawa ngayong araw at nahihiya akong makiharap sa kanila. Lalo na kay Minther kaya naman nagsabi na ako kay Cora.

"Sa kwarto muna ako, Cora. Paki asikaso si Minther, may kailangan pa kasi akong gawin."

Nagkunot siya ng noo pero agad ding napatango sa akin pakiusap. Mabilis akong umakyat pabalik, kabado ako nang makaakyat na. Natanaw kong naiwan pa rin nakabukas ang silid ni Minther, huminga ako ng malalim at agad pumasok sa aking kwarto.

Nasapo ko ang dibdib, I immediately walked towards the mirror. I touched my lips and exhaled heavily, hindi ko alam kung ano ang mukha kong ihaharap sa kanya.

Nahihiya ako, marahil ay naisip niyang pakawalang babae ako na mahalikan lang ay nanghihina at bumibigay na. His touch was smooth and simple but I reacted too much like I wanted him so much, I even moaned his name while he was touching me.

Iyon ang nagpapainit sa aking balat. Para akong sinisilaban ng apoy sa sobrang pagkahiya, wala na akong maipagmamalaki. Wala akong lakas sa kanya, mahina ako sa kanyang hawak.

I don't even know why I felt weak, I know it wasn't right but realization hits me... we are married, he's my husband and I'm his wife. Naisip ko lang na may pangangailangan sila pero bakit pakiramdam ko ay may mali pa?

Nanatili ako sa silid nang oras na iyon, umaasa na magpapaalam siya patulak ng Laguna pero bakit aasahan ko pa. Malamang ay napahiya siya sa nangyari, baka hindi kami ulit magkasundo sa susunod na pagsasama.

Damn it, Cadence.

Should I let him do that? Dapat ba ay pumayag ako? Iyon ba'y tama o mali? Kung iisiping kami ay mag-asawa ay walang mali dahil normal iyong gawin. But I can't, I can't just give myself this early lalo na at wala namang pagmamahal sa aming dalawa.

Maaring, oo. Gusto ko siya at nagugustuhan sa bawat araw na magkasama kami pero sapat ba iyong rason para magbigay? Naging mahina ako kanina, naging padalos-dalos siya at mapusok.

He did not take advantage of my weakness, I'll give him that. I'm thankful he isn't that kind of prick, I should still talk to him like nothing happened because it should be just normal for us.

Pero kahit ganoon ay hindi ko dapat ibigay basta ang aking iningatan ng kay tagal na panahon. Doing that thing should have love in between, partners should have love for each other before everything. Sa amin ni Minther ay naiintindihan kong hindi basta-basta, we are just married for convenience.

And until now, I ain't sure if he will fall, if we will fall in love. If someday, would love come over us? That's a question.

It's frustrating to think about love, especially when Minther's name is in. Come on, ni hindi ko nga alam kung may nararamdaman ba siya kahit pagkakagusto lang. Biglaan ko na lang naramdaman na maayos kami ngunit wala ang aking hinahanap.

Nagulat ako nang may kumatok sa pintuan. Napaayos agad ako ng upo, I quickly walked to open the door. I smelled the familiar manly scent of Minther. My heart jumped a bit as our eyes met, the smug look on his face softened.

Marahan kong nilakihan ang pagbukas ng pintuan, he's now wearing a casual dark polo shirt and a faded jeans matched with his Adidas sneakers. Handa na sa pag-alis. Nakaramdam ako ng kabigatan sa dibdib. Nanatili ang naninimbang niyang mga mata sa akin.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Where stories live. Discover now