Phase 24

79K 2.2K 810
                                    

Been busy with some important stuff. Sorry for updating late.

Phase 24





Lumunok ako nang maramdaman ang malumanay ngunit malamig na hampas ng hangin sa aking balat nang makalabas ng sasakyan.

Ngayong gabi ang kaarawan ni Bryce Guibar idadaos sa mansyon ng mga Guibar sa La Santa, hindi ako umasa na talagang sasadyain ako ng mga Legaspi sa aming mansyon upang maisama. Hindi ko na iyon binigyang pansin dahil wala akong balak magpunta kahit may approval ni Minther, hindi pa ako sanay na makasama ang pamilya niya kaya bago ito sa akin.

Noong kasal namin ay hindi ko pa sigurado ang ibinibigay na ekspresyon sa akin ng kanyang ina. I even heard them talking about the marriage, but I forgot because I did not care. Nasa isang kasunduan din naman ako na gaya nila ay inayawan ko noon, hindi ko rin ito inasahan. Na magtatagal ang aming pagsasama ng maghahalos isang taon na, ilang buwan na lamang.

"Hi! Good evening, Legaspis!" magarbong pagbati sa amin ng matanda, iyong kausap ni Minther sa cafe na siyang nag imbitang pilit sa akin.

Ginala ko ang paningin sa buong resepsyong nakaayos, marami ang nakakalat ng lamesang may kulay champagne na clothing, mga upuan at may banda sa sentro kung saan ang spotlight nakatutok. Ilang tao ang naroon at nag-aayos ng kani-kanilang instrumento.

It was a simple party, a typical one for a man. Ang mga lamesa ay okupado na ng ilang grupo ng magkakaibigan at ilan pang pamilya. Marahil ay mga kaibigan ni Bryce at family friends. Nakilala ko na si Bryce noong elementarya pa lamang. Nabalitaan kong umalis din siya ng bansa upang mag-aral sa ibang bansa, madalas siyang kasama ni Clay noon pero nang mag high school ay nawala na siya at ilang okasyon lamang ang inuuwian.

Bukas ang buong back yard ng mga Guibar, kitang-kita sa itaas ng madilim na kalangitan ang nagliliwanag na haring buwan at mga bituing anghel na nagkikinangan para sa kani-kanilang pwesto.

"We arrived on time." halakhak ni Lola Evangeline.

"Oh, yup! Nag-aayos na ang mga kaibigan ni Bryce para sa presentation nila."

"Oh, and is this a surprise party for him?" sambit ng mama ni Minther.

"Actually, yes. Kaya wala kaming imbitasyon at kami mismo ni Beatrice ang nagtiyagang tumawag o sadyain ang mga aanyayahan ngayon." tawa ni Teodora Carlos Guibar.

Nagtanguan sila.

"Where's Bryce, by the way?"

Inanyayahan na kaming maglakad patungo sa aming lamesa, habang naglalakad ay nag-uusap sila patungkol sa taong may kaarawan hanggang sa makaupo na sa lamesang para sa amin. Tumayo lamang si Teodora habang nakikipagkwentuhan sa mga Legaspi.

"He's on the way here with Clayven. Iyon lang ang kanyang plano ngayon, ang makasama ang mga kaibigan." aniya. "Hindi niya alam ay may naghihintay pa sa kanya ritong selebrasyon."

Halos mapangiwi ako sa pagkakarinig sa pangalan na iyon. Sana lang ay huwag na kaming magkasalubong pa ng landas dito at kausapin niya ako. I don't think it would seem cool with Minther's mom tonight. Tama ako na inayawan ang pagsama rito dahil alam ko namang hindi gusto ng ina ni Minther ang pagpapakasal niya sa akin at ang pagsasama namin kaya hindi rin ako nito pakikisamahan ng matiwasay.

Sumulyap siya sa akin, tipid na ngumiti lamang ako bilang pagbati na rin. Napansin iyon ni Lola Evangeline kaya ako ang tinuonan ng pagpapakilala.

"And here's Lyle's wife, Todd." she was smiling as she held on my shoulder.

"Mm. Minther already introduced her..." Todd nodded and smiled.

I smiled back, medyo nahihiya pa ako.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Where stories live. Discover now