Phase 21

82.6K 2.2K 961
                                    

Phase 21




Almost a year of being married with Minther was otherworldly mirthful. After our solo outing everything turned promising and euphoric as the season traveled throughout our way of life.

It was pure blissfulness as white sand beaches, soft and very trustworthy to hold onto. Wala akong ibang naramdaman kundi kasiyahang makasama siya sa bawat araw na lumilipas sa aming pagitan.

"Ma'am Cadence, nasa telepono ho si Donya Evangeline. Gusto raw po kayong makausap." sambit ng isang bagong kasambahay sa mansyon.

Lumukot ang noo ko at ngumiti sa kanya, I nodded. Pinagpag ko ang mga palad, tumayo na ako mula sa ginagawang pagpapatag sa lupa ng aking tataniman sana. Nakatitig siya sa akin habang papalapit ako sa kanyang gawi, nang abutin ko ang telepono ay umalis na siya at pumasok muli ng mansyon.

I inhaled deeply and put the phone on my ear.

"Hello, Lola... si Cadence na po ito." sambit ko.

"Cadence, hija. Kumusta kayo ni Lyle?"

Napangiti ako.

"Ayos naman po, Lola. Umuuwi siya kada walang klase sa Laguna. Siya na rin po ang nagtuturo sa aking magluto." nangingiti kong sinabi.

Every Saturday to Monday, Minther was going home to be with me. Mukhang naiba ang kanyang iskedyul nang magbalik ang kanilang klase. Hindi ko naitanong iyon sa kanya dahil alam ko namang umuuwi lamang siya kapag walang klase sa Laguna, kaya awtomatiko na iyon tuwing narito siya.

He's helping me to learn how to do some household chores, ang mga araw na narito siya ay nagmistulang day-off ng lahat pwera sa aming dalawa. Kadalasan din siya ang gumagawa kapag hindi ko talaga makuha ang mga tinuturo niya.

Hinarap ko ang lupang pinapatag ko kanina at doon nagtuon habang naghihintay sa pagsasalita ni Lola Evangeline.

"That's good." she said quietly, sighing. "Nasabi mo na ba sa kanyang magpapatuloy ka ng pag-aaral?"

I sighed morosely.

"T-Tungkol po roon, wala pa po akong lakas ng loob na banggitin sa kanya pero plano kong sabihin bukas pag-uwi niya, Lola."

"Yes, please, hija." she was sighing tiredly. "Akala ko'y nasabi mo na sa kanya..."

Nalukot ang noo ko, I breathed in deeply.

"M-May problema po ba?"

"He's pushing himself off Brentdale University, Cadence. Kaya akala ko ay sinabi mo na ang tungkol sa pag-aaral. Nasabi sa akin ni Marla na tumawag ang kanyang propesor at inimporma ang mga gawain ni Lyle sa eskwelahan."

Napasinghap ako at nalukot lalo ang noo habang nakikinig.

"He failed some subjects last semester until now, maaring hindi siya makasabay sa martsa ng mga magtatapos sa taong ito dahil kailangan niyang kumuha ng summer classes upang makapasa."

"Hindi niya ba nasabi ito?" she sighed heavily. "Nasabi rin ni Cora na umuuwi si Lyle at nagtatagal ng tatlong araw diyan, hindi ba?"

"O-Opo," kabado kong sambit.

Narinig ko ang kanyang pagsinghap sa kabilang linya na sobrang problemado.

"He doesn't have a free day, hija. He's a graduating student this year so the schedule isn't that simple, he can't skip classes anytime just to be with you three times a week."

Hindi ako makapagsalita, puro mabibigat na paghinga lamang ang aking nagagawa dahil sa nalaman.

Wala siyang vacant times! Tatlong araw siyang nagtatagal dito at ito ang malalaman ko? Ilang klase ang kanyang nilibanan noon? Oh darn! Hindi ko maintindihan ang nalalaman dahil masyado akong nagpaniwala na ganoon lamang kasimple ang kanyang pag-aaral sa Laguna. Ni hindi ko man lang naisip na may mali na sa lahat!

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon