"Mas masakit sa kanya na masaktan ka." he bounced back. "Wait for him to tell you, Cade. Malay mo naman ay sinisigurado niya pa bago sabihin sayo. You know, we can't just hurt the girl we love, without knowing if it's rain or shine."

Pumikit ako ng madiin.

I don't want to hear a man's perspective! Kasi palagi nalang nagkakampihan, parati nalang nagtatanggulan... hindi naman nila nararamdaman ang sakit na dinudulot nila sa mga babae kapag sa ganitong sitwasyon na, mabuti pang sarili ko nalang na pakiramdam ang iligtas.

"Minther's child."  Ilang salitang kay daling bigkasin at isiwalat ngunit sobrang hirap paniwalaan at tanggapin ng nakarinig. Pagkasabi palang sa mga salitaang iyon ay gusto ko na agad patayin ang sakit na dadapo sa akin, para akong nakatayo sa dulo ng isang bangin upang kumuha ng kalmadong pag-iisip na biglang tinangay ng malakas na hangin at nahulog sa pinakamadilim na parteng hindi ko sigurado kung may katapusan nga ba.

I was confused inside this unknown lightless place I couldn't find anything but pain and suffering.

But then, my love for Minther never minded my own feelings and decisions. I stayed even how much I badly want to go to my mom and cry my pain out, kahit may sarili na akong pag-iisip at desisyon ay hindi parin nawawala sa akin na kailangan ko ang Mama ko sa mga ganitong kalungkutan at pag-iisa. My mind is fucking my brain like hell and my heart in heaven fell deeper into the cliff of pain, I need my Mom's voice.

"Mom," I termed modestly in a whisper.

"Areial, how are you? I was about to check on you today, wala lang. Gusto ko lang bumisita dahil namimiss na kita. Where are you? Nasa La Verde ka ba o sa bahay ninyo?" medyo gulat pa ang kanyang boses nang sagutin ang tawag ko.

My heart crumpled. Kumurap-kurap ako at tipid na napangiti, my eyes hurt. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang masakit na kalabog ng dibdib. Kahit na wala naman siyang alam sa pakiramdam ko ay parang pampagaan na iyon sa aking nararamdaman ngayon. She would visit me out of the blue...

"Hi, Mommy. I'm fine here." I feel bad, Mom. "N-Nasa bahay lang, po. Kumusta kayo ni Dad?"

"Your dad was out for Manila." she chuckled modestly. "Nagluluto palang ako para sa inyo ni Minther, I wanna have lunch with you both. And, hah!" she scoffed gleefully. "Mama Sol told me you are getting fat, how is it, baby?"

Napangiti ako. Marahil ay si Lola Evangeline ang nagkuwento noon kay Lola kaya nasabi rin kay Mommy, hindi na talaga ako madalas magpakita sa kanila at hindi rin ako pala upload ng pictures sa social media pero nagtitext at tumatawag naman ako kay Mommy bago matulog, Dad was getting casual to me and it gave me delight.

My heart constricted rigidly, I sobbed when I could not take it anymore.

"W-Wala naman akong pag-asa, Mommy. Hindi na ako umaasa." natatawa kong sinabi sa mahinang boses.

Narito na naman ako sa hamba ng banging malalim at may tinik. Masakit paring isipin na wala akong nararamdamang kakaiba o kung may umayos ba sa aking sitwasyon bilang babae. Basta ang alam ko ay hindi ko parin mabibigyan si Minther ng kumpletong pamilya.

Ngayong may anak siya at nalaman niya iyon... anong silbi ko?

Natawa ako sa isip. Dapat ba na sumaya ako kasi may instant child? Hindi na kulang si Minther, paniguradong masaya pa siyang malaman iyon dahil matagal na niyang gustong magkaroon ng anak. So maybe, I should feel happy for him... yes, I'm happy for him. What makes him happy, will also make me happy.

She went clammed up for minutes.

"Ano ka ba? Kung anu-anong iniisip mo. Bakit mayroong Cadence at Kienzo, kung walang pag-asa? Anak... I was there, I was also hopeless but I didn't lose hope to have our complete family! Tiwala lang! Maybe we could have it checked today or the next day?" humagikgik siya pero halata ang pag-aalangan.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Donde viven las historias. Descúbrelo ahora