I can't understand him, I did everything to make him loathe me and hate me. Maybe, he's just really understanding in this kind of relationship. Sigurado ako na kaya niyang maghandle ng isang mature na relasyon gaya ng kanila ni Iya noon, o ng iba pa niyang naging girlfriend kaya tumatagal ng ilang taon.

My heart hurt. Kung hindi ko lang alam ang problema ko ay malamang nasa kanya parin ako hanggang ngayon. O baka hindi rin, dahil doon sa issue niya sa kanyang ex. Until now, I don't know how to believe him because I clearly heard he promised a marriage to someone. Hindi ko na nga iyon binanggit sa mga rason kong iwanan siya dahil hindi na talaga iyon ang problema ko sa nagdaang mga taon.

All I was thinking of, is how worthless I am for a woman. I won't be a mother, I can't be. Hindi ko mararanasan na magkaroon ng anak at mag-alaga ng pamilya. How poor...

"Cade, let me drive you home now."

Halos magising ang diwa ko nang nakayukod si Clay sa likuran ng aking upuan para bumulong. Mukhang kanina pa niya ako tinatawag at tumayo na lamang para marinig ko siya ng tuluyan. Nag-angat ako ng ulo para tinangalain siya roon, his face was a bit near. He smiled and nodded simply, para mag-aya na sa pag-uwi.

Nalukot ang noo ko.

"May pasok ka?"

He nodded again. "Yup, and I'll drive Mama to airport at three."

Ngumuso ako at napatango na lang, tiningnan ko si Lavern na nasa kanyang sarili parin pero mapungay na ang mga mata habang nakatitig kay Radjine na nagsasalita ngayon sa kanila ni Alzhera. Nakikinig lang sila.

"Ayain ko na si Lavern."

"You can use my unit, malayo pa ang apartment ninyo." tumuwid na siya at nagpamulsa.

Malapit ang unit ni Clay sa La Verde, ang apartment kasi ni Lavern ay sa kabilang bayan pa at ilang minuto ang layo. Kung doon kami magpapahatid ay abala pa kay Clay, si Lavern naman ay hindi umuuwi sa mansyon ni Kees dahil narito pa raw ako at sasamahan niya.

Tumango ulit ako at kinalabit na ang braso ni Lavern sa lamesa, nilingon niya agad ako.

"Vern, uwi na tayo. May lakad si Clay ng alas tres." sambit ko, wala si Kees sa tabi niya ngayon dahil may tumawag sa kanya kanina at nagpaalam na sasagutin iyon.

"Kay Kees ako sasabay! At anong uuwi, Cadence? We'll follow my time." aniya at tumingin sa oras ng kanyang cellphone. "Alas dose palang!"

"You're drunk, go home." malamig na sambit ni Theo.

"Ako? Lasing? Asa ka, fuckroach!" singhal ni Lavern.

Napasinghap ako dahil malamang ay sa pagtatalo na naman sila mauuwi nito.

"Go home and sober up!" si Theo.

"Why don't you? Kasi mambababae ka pa rito-"

"Tss, may girlfriend na ako. I'm a one woman man." Theo said without thinking.

Nahinto si Lavern sa pagsasalita at parang ako mismo ang nakaramdam ng pakla sa ekspresyong iyon, umiwas ng tingin si Theonoah para lumagok ng inumin. Sandaling nagparte ang labi ni Lavern bago ako ang balingan.

"Please, stay, Cade. I need you here. Magpapahatid tayo kay Kees kapag okay na ako." she whispered. "I wanna be wasted tonight."

Clay howled behind me, muli siyang yumuko para bumulong sa akin. Hinawakan niya ang ibabaw ng aking buhok sa batok at marahan akong pinisil doon. Napakislot ako sa kiliti, I chuckled softly. Nangisi rin siya.

"All right," he sighed. "I'll just tell Wycliffe to watch you here, I really need to go home for mom. I'm sorry."

Kumurap-kurap ako at nilingon siya, I smiled at him and nodded.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Where stories live. Discover now