69 - Northumberland

24.4K 762 25
                                    


The short story is dedicated to Tonette Masbate. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 69

"Captain, do you think you're already half-way there?" I asked the little girl beside me.

We're inside a busy park, filled with different families, lively children, street vendors, and even color flowers and butterflies.

The little girl beside me happily licked the melting ice cream on her hand as she gazed enjoying at the scenery in front of us. Kung sana nga ay masaya siya sa mga oras na ito.

"I never thought that there are still girls like you, Tonette. Akala ko ay nabibilang na lang sa kamay ang nakakaalala sa akin. Turned out that most of my girls have powerful memories... it's been thousands of years..."

"How will I forget you? You saved us..." inilabas ko ang panyo ko at marahan kong pinunasan ang pisngi ng batang katabi ko.

Kung titingnan, para lang kaming magkapatid na nakaupo sa isang mahabang upuan habang masayang nagbo-bonding.

But it's deeper than that. This lady beside me made a history... history beneath the ocean. Na hindi man nalalaman ng mga tao ngayon sa kasalukuyan, kami... kaming napakaraming babae na nagawa niyang ipadama ang saglit na kalayaan ay hindi lang habang buhay kundi salinlahing magpapasalamat sa kanya.

We'd lost our hope. Akala namin ay wala nang tutulong sa amin mula sa mapang-abusong islang iyon, pero siya... siya kasama ang ibang babaeng nakumbinsi niyang tumulong sa amin ang nagbigay ng pag-asa.

We fought for lives, for our freedom... at kailanman ay hinding-hindi ko iyon makakalimutan kahit ilang beses akong ipanganak.

Kaya hindi na ako magtataka kung bibigyan siyang muli ng tadhanang mabuhay, sa imaheng nararapat sa kanya.

"Hindi mo sinagot ang una kong katanungan, kapitan."

Ngumuso siya sa akin bago niya muli dinilaan iyong ice cream na hawak niya.

"I told you not to call me that. It's weird... people might laugh at you."

"How will I address you, then? You still have that eyes... nangungusap, malalim katulad ng sa dagat. Just like the first time I saw you..."

She chuckled. "Enough with the pleasantries. Have you met him?"

Biglang kumirot ang dibdib ko sa katanungang iyon. Hindi lingid sa aking kaalaman ang misyon niya sa panahong ito. But I knew that she's running out of time. Marami rin na kagaya ko nan ais siyang tulungan pero dapat daw ay siya mismo ang tumapos ng misyon.

But we're too many for her! I want her to complete all her journey and claim what she truly deserves. Dahil sa mga nakaraang buhay niya, halos punung-puno iyon ng sakripisyo. I want her to free herself from those responsibilities... gustong kong tigilan na niya ang sarili niyang sisihin ang kanyang sarili sa lahat ng pangyayari.

It wasn't her fault that the ship sinks in the middle of saving us. She did her best. At ramdam namin iyong lahat, alam kong wala ni isa sa amin ng nagtangkang isipin na kasalanan niya.

She made us feel loved and appreciated... ng mga panahong maraming tao ang nagbulag-bulagan. She's our savior... in the past and even here in the present.

"I will not make it hard for you. Ako na ang lalapit sa kanya." Pagsisinungaling ko.

Sa totoo lang ay nawawalan na ako ng pag-asa. I haven't met him. Hindi ko alam kung saan ko ba siya makikita. I don't want to slow down my captain's mission.

"Are you sure?"

Napabuntong hininga ako. Bakit kaya nagtatanong siya ng mga bagay na alam na niya?

"I haven't..."

"Do you know him?"

"Huh?"

Tuwid siyang may itinuro sa aking harapan, noong una'y dilaw na lobo hanggang bigla iyong nilipad ng hangin at tumambad sa akin ang lalaking siyang isinisigaw ng aking puso't panaginip.

"N-Neil..."

Ilang beses siyang nakurap ng makita ako sa upuan, nang sandaling lumingon ako sa katabing bata ay wala na siya. I smiled bitterly.

"Saglit nga lang talaga..."

Hindi pa man tuluyang nakalapit sa akin si Neil, nakita ko sa sulok ng aking mga mata ang batang babae na may hawak na dilaw na lobo at masayang naglalakad na tila may kinukulit at sinusundang lalaki.

Her another mission.

Humarap akong muli kay Neil. "How are you?"

"H-Hi... I think we've met before..." he said awkwardly.

Ngumiti ako. "Yes... maybe before..."

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now