2 - Noah's Ark

114K 4.9K 546
                                    

The short story that will be posted here is dedicated to Khrizna Dyxuine Robles. 


 Noah's Ark

"Row, row, row your boat. Gently down the stream, merrily merrily, merrily, merrily. Life is but a dream."

Malakas na kanta mula sa isang batang babae ang umagaw sa aking atensyon. Katulad ko ay nakaharap rin ito sa bubog na lalagyan ng isang hindi kilalang bilihan ng mga antique na gamit.

Kanina pa akong nahihiwagaan sa lumang painbrush na nasa loob ng bubog na may nakaukit na pangalan.

Vynce Laurel

Sinabi na isa lamang itong replica, pagmamay-ari daw ito ng isa sa mga kilalang pintor nang panahong lumubog ang titanic.

Nagpasalin-salin hanggang sa mapasakamay daw isa pang mahusay na pintor, isang babaeng pintor na bigla na lamang nawala na parang bula sa mundong ito.

I love reading mysteries. Mga kwentong walang kasagutan, mga kwentong kahit anong isip ay hindi mabigyan ng magandang eksplanasyon.

"Hola ate! Ang pretty naman ng paint-brush."

"Hindi ka ba naiinitan sa suot mo bata? May pa-hat ka pa at sunflower sa tenga, ang init dito, ang dilim, may pa-summer outfit ka pa."

"Ate, don't judge me, okay? Here! Sa'yo na lang, kahit mataray ka." May inabot sa aking keychain ang batang weird.

"What is this?"

"Keychain! Anak po ako ng may-ari ng tindahan na ito, pinamimigay namin talaga 'yan. Sa'yo na lang ate."

"Oh, okay.." biglang ngumiti sa akin ang bata.

"Welcome aboard!" umawang ang bibig ko sa sinabi ng bata.

Agad itong tumakbo at nagpatuloy sa kanyang pagkanta.

"She's weird,"

Nang sandaling humakbang na ako palabas ng tindahan, bigla na lamang ako nakaramdam ng pagkahilo. Napahawak ako sa aking noo at mariin kong ipinikit ang aking mga mata.

At nang muli akong magmulat, pakiramdam ko ay mas lalo akong nahilo.

"What the fuck?!" sigaw ko.

Kasalukuyan nang nililipad ng hangin ang aking buhok habang nakatanaw ako sa malawak na karagatan.

"Rizna! Kanina pa kitang hinahanap! Tinataguan mo yata ako mahal ko." Hinapit ako ng lalaki at mariin akong siniil ng halik.

Nanlaki ang mata ko at agad ko siyang sinampal.

"What did you kiss me?!" kumunot ang noo nito sa akin.

"May tampo ka pa rin ba sa akin, mahal?

"Tampo? What? Nasaan tayo? Oh my god!" tumakbo ako sa dulo ng barko at nagsimula na akong sumuka.

Hinagod ng lalaki ang likuran ko.

"Dala pa rin ba ito ng iyong pagbubuntis?" shit? What? Buntis?

"Ako? Buntis?" ngumiti sa akin ang lalaki na parang naiintindihan niya ang nangyayari sa akin.

"Dinadala mo ang magiging anak natin mahal ko, nakaisip ka na ba ng pangalan?"

Morning sickness ba ang inaakala niya? Nang kapain ko ang tiyan ko ay halos manlaki ang mata ko. Bakit may bukol?

"Binuntis mo ako?!" sigaw ko sa kanya.

"Mukhang kailangan mo nang kumain mahal, tila nakulangan ka sa tulog." Sumang-ayon ang tiyan ko sa sinabi niya at nagpatianod ako.

Nasaan ako? Panaginip?

"Anong barko ito?"

"Noah's Ark, hindi ba at ikaw ang nagpangalan nito? Isinunod mo sa pangalan ng barko sa bibilya."

Pinaghanda ako ng lalaki ng pagkain at nang mapansin niya na parang tulala ako ay inagaw niya ang kamay ko. Hanggang matagpuan ko na lamang ang sarili ko sa kandungan niya.

"Susubuan ko kayo ng anak natin, kahit lagi ka na lang galit sa akin. Mahal na mahal kita."

"Kapitan Anton, nahabol tayo ng mga kalaban."

"Kalaban?" tanong ko. Bigla akong nakaramdam ng takot nang makarinig ako ng putok ng baril.

Napamura ang lalaki nang marinig ito.

"Mahal magtago ka muna," yumakap ako nang mahigpit sa lalaki.

"No, dito ka lang. Hindi mo ako iiwan." Parang may ibang pagkatao nang sumanib sa akin.

Ngumiti ito sa akin.

"Madali lamang ako at sasaluhan kita sa pagkain." May kinuha ito mula sa kanyang bulsa. Isang kwintas.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang kapareho ito ng disenyo ng keychain na ibinigay sa akin ng bata.

Isinuot niya ito sa akin.

"Ang kwintas na ito ay sumisimbolong pagmamay-ari ka ng isang Anton Valle, isang makisig na kapitan na umibig sa magandang anak ng alkade."

"Anton.." ngumiti siya nang tawagin ko ang pangalan niya.

Itinago niya ako sa isang maliit na silid.

"Anton, balikan mo ako. Natatakot ako." Hinalikan nito ang aking mga labi at pinahid ang aking mga luha. Binigyan niya ako ng maliit na baril para proteksyunan ang sarili ko.

Iniwan niya ako at nakarinig ako ng walang katapusang putukan ng baril at kanyon. Pero hindi rin nagtagal ay natigil ito.

"Rhiza, mahal tapos na!"

Halos tumakbo ako nang marinig ko ang boses niya. Pero nang sandaling abot kamay ko na si Anton patungo sa aking mga yakap ay nakarinig ako ng putok ng baril.

Dahilan kung bakit ilang kataga na lamang ang narinig ko mula sa kanya.

"Mahal kita.." nabitawan nito ang kanyang baril kasabay ng pagbagsak ng kanyang katawan.

"ANTON!" Dinaluhan ko siyang may kasamang walang katapusang luha.

Nangangatal kong itinutok ang baril sa lalaking papalapit sa akin at nang makilala ko siya para akong sinakluban ng langit at lupa.

He resembles my boyfriend.

"Sumama ka na sa akin, mamahalin kita Rhiza."

"Kailanman ay hindi ako magiging sa'yo, hinding-hindi isinusumpa ko." Inangat ko ang baril at kusa ko itong ipinutok sa aking sarili.

Muntik na akong matumba sa harapan nang tindahan nang matauhan ako. Nabitawan ko ang keychain na ibinigay sa akin ng bata ngunit agad ko itong hinabol.

Parang may kung anong bumulong sa akin at sinabing ipakita ang aking mga luha.

Sa likuran ng keychain, nandito ang pangalan ng lalaking saglit kong minahal.

Anton Valle


--

VentreCanard 

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon