56 - HMS Daring

19.8K 840 41
                                    


The short story is Regina Lopez. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 56

Halos hindi ko magawang pagmasdan ang kapatid kong si Trixie dahil sa matindi niyang pagdadalamhati.

Saglit niya lamang nakilala ang binatilyong iyon, nagpakilala sa kanya at sinabing siya'y pakakasalan pero ang kanyang kalungkutan ay higit pa sa babaeng iniwan ng asawang higit sa sampung taon niyang nakasama.

Siguro sa ibang pagkakataon ay baka pagtawanan ko siya, paanong sa isang iglap ay mahuhulog ka sa isang lalaki? Ngunit nakikita ko mismo sa kanya ang matinding paghihirap.

Siguro nga ay ito ang sinasabi nilang pag-ibig, hindi masusukat sa tagal ng pinagsamahan.

Hindi ko iniwan ang kapatid ko sa bawat araw na tumitigil siya rito para bantayan ang katawan ni Silus at habang ginagawa ko iyon, nagiging pamilyar na sa mga mata ko ang mga Saavedra.

Hanggang sa tuluyan nang ilibing si Silus ay naroon kami ni Trixie. Akala ko'y magagawa na ng kapatid kung magsimula muli pero bawat araw ay mas lalong siyang nanghihina at mas tumatamlay.

Awang-awa na ako sa kapatid ko.

Isa lang ang tanging pumasok sa isip ko. Iyon ay muli siyang paibigin at isang Saavedra lang ang nakikita kong maaaring gumawa niyon. Si Spencer Saavedra na malaki ang pagkakahawig sa kanyang nakababatang kapatid.

"So, what is this dinner all about?"

"Are you single?" he choked.

"Woah! Straightforward! Hmm... depende sa kausap."

Hindi nagbago ang ekpresyon ko kahit nagbibiro siya. "You're Trixie's sister, right? My brother's wife?"

Tumaas ang kilay ko. Pati ba naman siya ay ganoon din ang paniniwala? That kid?

"Basta mo na lang tinanggap ang imbitasyon ko, hindi ka pa pala sigurado kung sino ako..." naiiling na sabi ko.

"You're pretty... so what now? Are you asking me out?"

"No."

Kumunot ang noo niya. He looked offended. He wiped a table napkin on his lips before he leaned on his chair.

"Tell me what do you want..."

"Have you seen my sister?"

"Of course, Silus got a lot of pictures of her inside his room."

Mariin akong napapikit. Hindi iyon ang gusto kong marinig sa kanya.

"Do you find her pretty?"

"W-What? Of course, katulad ko ay magaling tumingin ng maganda ang kapatid ko."

He keeps mentioning his brother!

Hinawakan ko na ang kamay ni Spencer Saavedra.

"I have a favor... please try to date my sister."

Nanlaki ang mga mata niya at tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanya.

"W-What? You are asking me to disrespect my late brother. No... did Trixie..." marahas akong umiling.

"No... nagbabakasali lang ako, Spencer. Trixie's getting worst, baka sa sandaling magmahal ulit siya baka bumalik na siya sa dati. I am worried about her..."

Sarkastikong natawa sa aking si Spencer.

"Here I am, assuming that you will ask me for you..."

Natigilan ako at napatitig sa kanya. "W-What?"

"I like you. It's not just my brother, Regina. Ako rin... pareho kami ng pakay ng kapatid ko. Silus wanted your sister...and I want you... it's just that something happened..."

"W-What how?"

Pilit kong inalala ang mga sinabi sa akin ni Trexie noon tungkol kay Silus, na nakalaro raw namin iyon ng mga bata pa kami.

Until the realization dawned on me... it wasn't just the young Silus who stole a kiss from my sister. Because the moment those two turned their back on us, the guardian that was supposed to watch on us while we were playing near the river stole his kiss too.

Iyong akala ko'y bantay noon ay sumakay rin katulad ng nakababata niyang kapatid. Wala sa sarili kong tinakpan ang labi ko na parang sariwa pa ang halik na ibinigay sa akin ng matangkad na lalaki noong bata pa ako.

"Y-You..."

"How will I ask you sister? Hinihintay na lang kitang dumating sa tamang edad."

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon