39 - U.S.S. Dolphin

26.9K 1.3K 75
                                    


The short story is dedicated to Nornisah Umpar. Thank you for helping me during the muting days!  

Chapter 39

"Ayoko!" ulit ng kapatid ko habang sakay kami sa kotse. I told him that I had a crush to one of his officemates. Minsan kong nakita ang officemate niya na 'yun nang minsan niya ang mga itong isama sa bahay namin dahil birthday ni Mama.

I have this usual type for a guy. Matangkad, payat, moreno na nakasalamin. Hindi ko alam kung bakit ba 'ko attracted sa kanila, siguro na-set ko na rin itong standard dahil karamihan sa mga tiyuhin ko ay mga payat pero mga guwapo. Na kahit hindi sila sobrang ma-abs, malalambing naman at responsible sila sa mga tita ko.

They are good and realistic.

I grew up dreaming for a nice and believable guy to claim, 'yung kaya ko lang talaga. Isa pa, hindi naman ako kagandahan. There's no way a handsome hunk will take interest on me.

"Sige na, I'll just add him on facebook."

"No, Nornisah. Can't you see? Ang pangit niya, ayokong malahian ng pangit ang lahi natin."

"Wow! You're so guwapo naman."

"I am."

Ilang beses ko siyang kinulit kung ano ba talaga ang pangalan ng workmate niya, I tried to stalk his facebook friends, pero hindi pa man ako napangalahati sa pagtingin ng friends niya, sinabi niya na sa akin na hindi sila friends sa facebook.

What the hell? They are friends, right?

But finally, I got the name. It's Cjay.

Hindi na nito sinabi sa akin ang surname. I'm quite frustrated.

***

May bagong event sa mga ninang, we were all invited. Kami ng Kuya ko ang huling dumating dahil may inasikaso pa kami sa maliit naming negosyo. Para kaming ilang taong hindi nakakain nang magpunta na kami sa buffet.

Bundok ng ulam at kanin ang kinuha namin, bago kami umupo sa table ng mga kamag-anak namin. My uncle, one of my cousins and his friend.

Hindi na kami pumansin ng tao ng kapatid ko dahil abala na kami sa pagkain, but I've noticed near our table were girls from the elite school, mga classmate ng isa ko pang pinsan.

"Hey, brother... I saw chicks..." I whispered on him.

Dahil alam kong lilinaw ang mata nito kapag nakakakita ng maganda. But the gago, misinterpreted it. Akala nito, panibagong nakasalaming lalaki na naman ang nakita ko.

And there, the idiot and his words.

"Nornisah! Bakit ba gustong-gusto mo ng nakasalamin?" muntik ko nang mabitawan ang kutsara at tinidor ko nang sabay mapatingin sa akin si Tito at ang isa kong pinsan na nasa isang table.

Why? Because my cousin's friend is wearing an eyeglass! Matagal na siyang laging nasa amin and—damn! It's awkward now.

Gosh, it's not what you think people...

Mabuti na lang tinawag ako ng isa sa mga pinsan kong babae, hindi ko na tinapos ang pagkain ko at iritado kong inabangan ang kapatid ko sa bahay para balatan ng buhay.

But after that day... hindi ko na siya matingnan sa mata...

And yes, why didn't I notice before that he's wearing an eyeglass?

"Huy, totoo ba 'yun?" nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Birthday ng isa kong pinsan, may hawak siyang plato at kalahati na ang nakakain niya.

"Nah, don't worry. Loko 'yung kapatid ko."

Saglit siyang tumawa sa sinabi ko. "Lul, umasa ako."

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon