Chapter 127

2.5K 43 1
                                    

The short story posted here is dedicated to Maria Nyler Beritan. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 127

"Are you sure? Kumbinsido ka na?"

"You should have a fall-back plan, Maria."

"I have already decided. Hindi na ako mapipigilan. Ayoko na sa kanya. Ang tagal nilang ayusin ang contract ko."

Lara rolled her eyes. "Come on, Daniel, si Maria need ng fallback plan? Kahit yata ilang taon hindi magtrabaho iyan ay hindi maghihirap. Iba ang anak ng mayaman."

Sabay kaming nagtawanan tatlo habang nasa Tuesday Café kami.

"Oo nga pala. Ano nga sabi ni tita? Maria's definitely a catch, a licensed engineer, very pretty, may sariling sasakyan, may mga bahay na at maganda na ang trabaho. Saan ka pa?"

"Walang wala tayo, Daniel," dagdag ni Lara.

Nasundan ang tawa namin tatlo. "Come on, huwag na tayong maglokohan, maniwala na lang tayo sa sinabi ni tito na kaya hindi tayo maligawan ay dahil sobrang gagastos natin. Sa panahon ngayon ay hindi na gusto ng mga lalaki ang magagastos na babae."

"As if I'll care."

"Oy, hindi naman lahat, ah?" sagot ni Daniel.

"Tigilan mo nga kami, Daniel. Isa kang dakilang kuripot. Bihira mo nga kami i-libre!" sabi ni Lara.

It was my usual banter with my favorite cousins inside our favorite coffee shop. Ganoon naman kasi namin madalas abalahin ang mga sarili namin kapag walang pasok.

"Kumusta naman kayo ng manliligaw mo, Lara?" Daniel asked.

Lara shrugged her shoulders. "I don't know. Nahihiya na ako sa kanya."

"To be honest, when I saw him he was really down bad for you, Lara. Ano ba ang ginawa mo roon?"

Lara rolled her eyes. "I don't know. Minsan ay napapaisip pa ba ako if I deserve him."

"Wow, ang haba ng hair," sabi ko.

Akala ko ay maghapon pa kami roon ng pinsan ko nang makatanggap ako ng chat sa group chat ko noong highschool friends ko. They were asking for a lunch date.

"Seriously? This is so sudden," sabi ko.

Sumilip si Daniel sa phone ko. "Go. Sumama sa kanila, huwag iyong lagi na lang kami ni Lara."

Lara nodded. "Yes. Join any kind of social event. Sige ka, kapag sinagot ko na si Miguel, ikaw na lang ang single sa atin dalawa.

"Excuse me? How about Daniel?"

Daniel arched his brow. "Come on, cousin, sa tingin mo ba ay wala akong nililigawan?"

"You? I thought you're—"

"Shut up, cousin. Go and join your high school friend."

"Or chat them na magdala ng single na lalaki."

"Oh come on."

With that, itinutulak na ako ng dalawang pinsan ko palabas ng coffee shop na iyon. Since si Daniel iyong may dala ng sasakyan, wala akong ibang dahilan kundi magcommute.

It took me almost half an hour to arrive at the restaurant. Hindi ko alam kung bakit naroon na ang lahat ng high school friend ko, and I noticed that they were with their boyfriend.

Pinandidilatan ko sila ng mga mata habang umuupo na ako. "So, what's this? Taga picture ako?"

"Ano ka ba, Maria? Of course, we asked someone for you."

"Sorry, I'm late," rinig kong sabi ng boses sa likuran ko.

Unti-unti akong napalingon sa likuran ko, only to see the familiar face I hated the most. The guy who kept annoying me when we were highschool. Buhay pa pala 'to?

"J-Jose?"

Natigilan siya nang matitigan niya ako. "Maria . . . it's been a while." And then, I recognized the familiar glint of his smile. "How are you?"

Naupo na siya sa tabi ko. Pinandidilatan ko ng mga mata ang mga kaibigan ko na natatawa sa akin. "I am not Maria."

"But you recognized me, huh?"

I sighed and looked around. "So, shall we order?"

"Everyone can order everything you want. It's on me," Jose announced and winked at me. 

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now