57 - HMS Dauntless

19.8K 949 83
                                    


The short story is dedicated to Gleidzel Capela. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 57

What I hate about myself? My damn sense of direction! Hindi na iyon tumama. Pinipilit ko naman talagang tandaan iyong mga dinadaanan ko, pero kapag bumalik na ako, bigla ko na lang makakalimutan.

What got into me now? Bakit hinayaan ko ang sarili kong sumali sa booth na 'to!

"Now I am fucking lost!" I said in frustration.

Sadya ba na malaki ang maze na ginawa ng section na ito kaya hindi ako makarating sa dulo? At wala pa talaga akong makasalubong!

Natatandaan ko na marami kaming pumasok dito kanina. Don't tell me, nakalabas na silang lahat at hindi ko man lang napansin?

What the hell?!

Kung sinuman ang gumawa ng pasikot-sikot ng booth na ito, humahanga talaga ako sa kanya. Kung titingnan naman kasi sa labas parang madali lang, pero kapag nakapasok na?

"Mag-iisang oras na ko rito! I want out! May mga camera ba riyan?" ilang beses akong kumaway-kaway.

Ilang beses ko nang pinaypayan ang sarili ko sa sobrang init. Lalo na't makapal pa naman ang suot ko.

I am wearing a maid outfit. Maid café kasi iyong napili ng section namin, dahil breaktime ko gumala muna ako. Hindi ko naman akalain na hindi na ako makakalabas dito.

Sinasabunutan ko na ang sarili ko habang nakakailang mura nang may narinig akong boses sa likuran ko.

"Miss?"

Nagliwanag ang mukha ko nang makakita ako ng tao.

"Oh gosh! Hello! Kanina ka pa ba rito sa loob? Alam mo ang labas? I've been trapped here for almost an hour."

"Oh..." bahagya siyang kumamot sa pisngi niya. "Ako rin..."

Pinilit kong hindi umirap sa kanya. Walang kwenta si Kuya, cute pa naman siya.

"May phone ka bang dala? We could call someone outside." Umiling siya.

Namulsa siya at tumingin sa daan. "I should go... parang may nakita akong dumaan dito kanina..."

Dahil hindi ko na gustong mag-isa ay agad na akong humabol sa kanya. "Wait! Pasabay na lang."

"Are you sure?"

Hinampas ko ang braso niya. "Of course! Your name?"

"Arnold..."

"Gleidzel..." ngumiti ako sa kanya.

Nagsimula na kaming maglakad ng sabay, dahil mas malalaki ang hakbang niya ay nauuna siya sa akin kaya sumusunod na lamang ako.

"Anong booth n'yo?"

"Maze—I mean, amazing race. Amazing race..." ilang ulit niya.

Ngumuso ako. "Hindi ko pa siguro nadadaanan."

Siguro ay kalahating oras pa ang itinagal namin bago nakita ang exit. Hindi ko napigilan ang mapayakap sa kanya sa tuwa.

"Oh my gosh! Thank you, Arnold!"

"No problem. But I think you need to treat me..."

"S-Sure! Of course, after ko sa booth namin. Saan tayo magkikita?"

Sasagot na sana siya sa akin nang bigla kaming narinig dalawa. It was a phone ringtone. Inside his pocket.

Napatitig ako sa kanya. Hindi ba at sinabi niyang wala siyang dalang phone.

"Shit. May dala pala ako..."

He was about to pick up his phone when someone called him from the back.

"Arnold, kanina ka pa namin hinahanap. Marami nang bumibili ng ticket sa maze natin."

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko.

"Y-You..."

Masamang tumingin si Arnold sa lalaking dumating bago niya ako hinarap.

"Alright, before you got mad at me. I want to say that I like you... I like you so much... that's why I tricked you. Medyo torpe ako noon pa. But I needed to move, lalo na't ganyan ang suot mo. Everyone's trying to get your attention..."

Tumaas ang kilay ko.

"So, it's not my treat anymore. Ikaw manlibre sa akin mamaya."

Nagliwanag ang mukha niya. "Anything..."

Hindi ko napigilan ang sarili ko, lumapit ako sa kanya at mabilis hinalikan ang kanyang pisngi. "You're cute, by the way."

Muntik na siyang mawalan ng balanse sa ginawa ko habang nakahawak siya sa pisngi niya na hinalikan ko.

"D-Did you just kiss me?"

"Sa susunod dapat ikaw na..."

Tatalikuran ko na dapat siya nang mabilis niyang hinablot ang braso ko at nanlaki ang mga mata ko nang naglapat ang mga labi namin.

"Done..." he whispered.

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now