Chapter 90

5.8K 280 37
                                    

The short story is dedicated to Julienne Peronilla. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 90

Hindi ako makahinga.

Walang humpay ang buhos ng malakas na ulan, hindi mawari ng aking mga tumatakbong mga paa kung saan ang mga ito patungo, pilit kong nais imulat ang aking mga mata mula sa nakasisilaw na liwanag mula sa iba't ibang direksyon, nais kong ilagay ang aking mga kamay sa aking magkabilang tainga upang takpan ang mga iyon.

Nais kong tumakbo, tumakbo nang walang humpay sa kabila ng katawan kong nagsisimula nang bumigay. Nais ko lang ng katahimikan... mula sa walang katapusang ingay na naririnig ko.

Nang sandaling ako'y tila wala nang matakbuhan at halos lamunin ako ng matinding liwanag at ang dalang init nito, kusa nang bumugay ang aking mga paa at tuluyan na akong sumalampak sa malamig na kalsadang niyayakap ng ulan.

Doo'y hinayaan ko ang sarili kong humagulhol at sumigaw nang napakalakas.

Iisang pangalan lang ang siyang lagi kong naririnig sa sandaling iyon, ang boses kong pilit na tinatawag ang ngalang Hugo.

***

Ang panaginip na iyon ang siyang madalas gumigising sa akin sa madaling-araw. Bakit iisang panaginip? Ano ang nais iparating niyon sa akin? Sino si Hugo?

Dahil imposible na akong makatulog agad, pinili ko nang bumangon mula sa aking kama. Nagtungo ako sa kusina at doon ay kumuha ng kahon ng gatas. Saka ako bumalik sa aking silid dala ang baso, pinili kong tumanaw muna sa labas mula sa terrace ng aking silid kung saan makikita ko ang banayad na hampas ng alon sa dagat.

Maybe I should hire someone to tell me about this dream? How can I acquire someone discreetly about it?

The great Julienne Peronilla, the only heiress of Peronilla clan with her known image for being intellect, sharp, and perfect is looking for a what? A fortune teller? A shaman?

Manghuhula?

Sa panahon bang ito? Sa mundong ginagalawan ko'y may mga tao pang naniniwala sa mga ganito? Lalo na sa katulad kong nabuhay at patuloy na umiikot sa paniniwalang kayamanan at diskarte sa buhay ang higit na importante sa lahat.

The hell with this ridiculous dream!

Ngunit alam ko sa sarili ko na hindi ako makakampante kung hindi ko ito gagawin. The dream was not just an imagination, but a message that I need to understand.

Hindi kinaya ng gatas ang pagiging gising ng diwa ko kaya pinili kong uminom ng gamot na pampatulog. Ngunit ang inakala kong pagtagal ng tulog ko'y nauwi rin sa wala nang gisingin ako ng isa sa mga katulong ko.

"Ma'am Julienne!"

Iritado akong bumangon sa kama at nanliliit ang mga mata kong tumitig sa namamawis na katulong sa harapan ko.

"W-What?!"

"M-May nalunod po..."

"W-What? One of the maids? My men?"

"A-Ano po... dayo..."

"Dayo? This is a private property!"

Nasapo ko ang aking noo at nagmadali na akong bumaba sa aking kama, mabilis ko rin munang inayos ang sarili ko bago ako lumabas ng silid at harapin ang nagkakagulo sa labas ng aking rest house.

Itinatali ko pa ang aking roba nang hawiin ko ang nagkakagulong mga tao sa isang kumpulan.

Bakit kailangan ay dito pa siya malunod?! Inside my property!

Ngunit ang inaasahan kong sinabi nilang nalunod ay kasalukuyang nakaupo sa buhanginan, walang suot na pang-itaas at nakamanipis na puting pantalon na halos bumakat na sa kanyang mga binti.

Mariin ko nang ipinilig ang ulo ko upang pigilan na iyong magtungo saan man.

Prente pa niyang itinatagilid ang ulo niya na parang nagtatanggal ng tubig sa kanyang tainga, nanatili akong nasa likuran niya habang nanliliit ang mga mata ko.

Anong karapatan niyang gumawa ng gulo sa teritoryo ko?

"Who are you?"

Sa halip na humarap sa akin sa maayos na paraan ay pinili niyang itingala ang kanyang ulo at silipin ako bahagyang nakadungaw at nakapamaywang sa kanya.

Kusang napaatras ang isa kong paa sa hindi ko maintindihang paraan, lalo na nang sandaling ngumisi siya at nagtama ang aming mga mata.

"Found you..."

Ilang beses akong napakurap.

"What?"

"Hugo. Your new gardener. Magaling akong magdilig, Ma'am Julienne."

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now