Chapter 115

3.3K 73 4
                                    

The short story is dedicated to Tazzy Velario. Thank you for helping me during muting days!

CHAPTER 115

My friend, Agnes, didn't show up. We agreed that we'd meet after months of being busy with our work.

I even tried to call her but she's unattended. Saan ba nagpunta ang babaeng iyon? Kausap ko pa siya kagabi at mukha naman siyang hindi napipilitan sa pagkikita namin ngayon.

I shook my head and looked at the menu. Mabuti na lang at sinabi ko sa kanya na sa coffee shop na lang kami magkita dahil magagawa pang malamigin ng iced coffee ang ulo ko.

"What's your order, Ma'am?"

"Iced caramel macchiato."

"Any additional orders, Ma'am? Dessert?"

Umiling na ako. "We'll serve your order na lang, Ma'am."

"Thank you."

Pumili ako ng posisyon sa dulo ng coffee shop. Dapat pala ay nagdala na lang ako ng laptop para may nabawasan sa trabaho ko. I even prepared my money because I was informed that we'd have our shopping spree.

Pero nasaan na ang bruha na iyon?

This was the first time that I visited this café. Unlike the usual café that I visited, with two floors, and a color combination of wood and black, this one was filled with green and white.

Napakaraming halaman, maging ang ceiling ay mga nakasabit din. Mabuti na lang at kaunti rin ang mga tao rito, at kung mayroon naman ay kapwa couple.

I smirked.

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang order ko. "Thank you."

Ganito lang naman ang araw ko sa tuwing wala akong trabaho. I always spent it inside one of the recommended coffee shops. I just expected na makakarinig ako ng kaunting chismis sa kaibigan ko dahil kami na lang dalawa ang natitirang single sa circle namin.

I sighed before I took a sip of my coffee.

Sasandal na sana ako sa upuan ko matapos ibaba ang tasa nang bigla na lang may lumapit at humila sa upuan na nasa harapan ko.

"Ang lalim ng buntonghininga mo."

My eyes widened when I recognized the smiling face of Colin. He's this friendly guy— or let's say flirty guy sa company namin na feeling close sa lahat ng mga babae na nakakausap niya.

Isn't he aware that he'd been the center of our company's gossip? Hindi na nga ako nagulat sa usap-usapan na fuckboy siya.

"Hey, are you waiting for your date?"

Dahil hindi ko siya gustong magtagal sa unahan ko nagsinungaling na ako. "Yes. Actually, padating na siya. He might get the wrong idea."

He grinned. "Okay."

Tumayo na siya at akala ko ay hahanap na siya ng upuan nang magtungo siya sa counter at mag-order. Akala ko ay hindi na siya babalik pa nang umupo siyang muli sa harapan ko.

Huminga ako nang malalim. "Mr. Sandoval . . ."

"Tazzy, you're friends with Agnes, right?"

Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya iyon. Paano niya nakilala si Agnes?

"W-what? How did you—" He cut me off.

"He's with my cousin. I am afraid your friend can't come right now. Kaya nakiusap ang pinsan ko na ako muna ang sumipot dito para mapanatag si Agnes."

"W-what? I don't understand."

"Hmm . . . let's say your friend is a little bit occupied with my cousin? So . . . let me be your date for today."

"W-what? No! It's okay. Baka may makakita sa atin na galing sa company natin at kung anong isipin . . ."

His eyebrow arched. "Like?"

"That we're dating, and I am one of your girls," nakangiwing sabi ko.

Tuluyan na siyang tumawa. "Well, the whole company's aware that I am into you. Ikaw lang iyong mataray at iwas nang iwas sa akin."

"Huh?"

Dumating na ang kape niya. Pinagkrus niya ang kanyang mga hita bago siya sumimsim ng kape. "Yes, I like you."

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now