Chapter 111

2.6K 83 3
                                    

The short story is dedicated to Gel Saez Pabillo. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 111

The whole ballroom was filled with different affluent personalities dressed in their best gowns and suits. The music was too hypnotizing with all those uniformed musicians and golden instruments, and the smell of delicious foods and drinks was lingering under my nose, inviting me to drown myself in a place I knew I was not used to.

Even though we were all wearing a mask, I felt like everyone could easily recognize that I was not one of them.

Ano ba naman kasi ang naisipan ko at pumayag akong sumama sa party ng mga mayayaman? Kahit ipagpilitan ng kaibigan kong si Daniela na itago ako sa mga mamahaling damit, sapatos at alahas, hindi pa rin siguro nito maitatago na hindi talaga ako nararapat sa lugar na ito.

I didn't even expect in my lifetime that I'd ride a cruise ship.

Pilit ko man pinipigilan ang sarili kong hindi kumain nang marami, natatagpuan ko na lang ang sarili ko na pabalik-balik sa buffet para tikman ang mga pagkain na hindi ko pa nasusubukan.

Dahil abala na si Daniela sa pagpapansin sa kababata niya ay hindi na ako umaasa pa na babalikan niya ako agad.

Ilang plato na yata ang nadala ko sa aking lamesa, yumuyuko na nga lang ako kapag may dumadaan na waiter ba 'yon? Should I waste my opportunity to eat a lot? Itinigil ko na ang sobrang pag-iisip na papansinin ako ng mga tao rito dahil nasisiguro akong hindi nila ako pag-aaksayahan ng oras.

Nakakailang subo na ako at sisimulan ko na sana ang isa ko pang plato na punung-puno ng dessert nang matigilan ako at mapatingala sa lalaking tumigil sa harapan ng lamesa ko.

Natigil sa ere ang kutsarang hawak ko at unti-unti akong nag-angat ng tingin sa anino mula sa plato ko.

Bahagyang umawang ang bibig ko sa imahe ng lalaking naka-maskara. His well-built body covered with expensive suit, a black diamond earing, and his white mask.

He leaned closer as he placed his gloved hand on my table. "What are you doing here, Gel?"

Unti-unti ko nang ibinaba ang kutsara at tinidor na hawak ko at taas noo kong sinalubong ang mga mata niya. Kahit wala iyong maskara ay talagang makikilala ko ang mokong na 'to!

Bakit hindi ko nga ba naisip na narito ang isang ito? Of course, kung usapang mayayaman at maimpluwensiyang tao rin naman ang pag-uusapan, hindi mawawala ang pamilya nitong si George Primo Ayala.

"Nakikikain."

He chuckled. Hinila na niya ang upuan at naupo na siya. Nangalumbaba pa siya gamit ang isa niyang kamay habang hantaran akong pinagmamasdan.

"Go away. Hindi mo ba alam na kumakain ako?"

"I know."

"I am not comfortable with your face."

"Ah, that's the problem. I am quite comfortable with your annoyed face."

What's the annoying part here? George Primo confessed his love for almost every day. Basta sa tuwing nagkikita kami at simula pa iyon ng mga bata kami. And what's the worst? Suportado ang pamilya niya sa amin dahil matalik na magkaibigan ang aming mga ama.

But it's not as simple as that, right?

Sa panahon ngayon higit nang mahalaga ang estado sa buhay bago ang pag-ibig. At ayokong dumating ang araw na mahulog na nga ako sa kanya gayong naglalaro lang siya.

"Tigilan mo na ako, George."

"Why would I? Ikaw iyong gusto ko."

"But we're not compatible!"

"Who told you? Ako at ikaw lang ang makakapagsabi niyon. Wanna try?"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita iyong ngisi niyang nakakaloko.

"Shut up, Ayala."

Ngumisi lang siya sa akin. Bigla na lang siyang tumayo at inilahad niya sa akin ang isa niyang kamay. "Would you like to dance with me?"

"Ayoko."

Kumunot na ang noo niya sa akin. "Come on."

Huminga ako nang malalim at tumayo na ako para tanggapin ang kamay niya, at habang naglalakad kami patungo sa dance floor, he told something in his very serious tone.

"I've been serious about you, Gel. I love you since we were young. And I don't think I can fall in love with someone else other than you."

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now