Chapter 125

2.4K 51 0
                                    

The short story posted here is dedicated to Julian Fuentabella. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 125

"Julian, tara sa Infinity."

Infinity is a private memorial park. Iyon ang madalas namin tambayan ng mga pinsan ko sa tuwing wala kaming pasok. Doon nakalibing si lolo at iyon na ang nagmistulang lugar kung saan gusto namin magpahangin at huminga sa mga gawain namin sa loob ng isang linggo.

Kung titingnan nga ay hindi iisiping libingan ito dahil sa ganda ng paligid. Naglalakihang mga puno, malinis na paligid at magandang daan. Bukod sa isang malaking van ang sinasakyan namin doon, nagdadala rin ng bike ang mga pinsan ko para doon na rin makapag-bike. Kahit ang mga magulang namin ay doon na rin nagjo-jogging at nagzu-zumba. Minsan ay dinadala rin namin doon ang aming mga alagang aso para doon sila magtakbuhan.

Madalas kaming nakaupo sa kubo habang hinihintay na lang namin matapos ang mga oldies sa kanilang jogging at pagzu-zumba.

"Ano ang balak natin? Tuloy ba tayo sa Manila next week?" Tanong ni Lara.

Umiling ako. "I don't think it's possible. That week na rin ang kasal ni Ron, hindi ba? Aalis pa ba tayo?"

"I thought you were going to buy a dress?"

"Eh? Mag-order na lang ako online."

"Sana all madali lang mag-order online. It's so difficult for me," sagot naman ni Maria.

Sabay kaming ngumisi ni Lara. "I told you, mag gym na lang tayo. Kaya mo naman talaga Julian, sasamahan kita."

"I don't think kaya ko pa, pagod na rin ako sa work. Zumba na nga lang," dagdag ni Maria.

Nagkatitigan kaming tatlo at nagtawanan sa isa't isa dahil alam namin sa mga sarili namin na hanggang usapan lang ito, sa huli makikita na lang namin ang mga sarili namin sa Sumo Niku o kaya ay sa mga coffee shop.

"Gosh, mag-diet na tayong tatlo. Hindi na mababago ang isip ni Ate, tayo talaga ang kukunin niya."

Napabuntonghininga kami ni Maria.

Dumating na iyong pinsan namin si Kyla at hawak na niya si Muning, pangalan ng aso nila. "Kyle, ako ang maglalakad kay Muning."

"Sige."

He gave me the rope. "Thanks, gala lang kami ni Muning. Let's go, Muning."

Dahil malaki si Muning at first time ko siyang hawakan talaga, nagulat na ako nang bigla siyang tumakbo. Nanlaki ang mga mata ko, narinig kong nagtawanan ang mga pinsan ko sa likuran.

"No, Muning!"

Wala akong ibang pinagpilian kundi halos tumakbo at makalayo na ako sa kubo. Kalahating oras yata kami paikot-ikot ni Muning at doon pa talaga kami tumigil sa tapat ng araw.

"Muning, lipat naman tayo ang init."

Pero hindi ako pinakikinggan ng malaking aso at nang subukan kong hilahin ay hindi man lang kumikibo.

"Gosh, 'di na ako uulit."

Nakasimangot na ako habang hawak ang tali, sobrang layo naman ng mga pinsan ko kaya wala akong choice kundi hintayin si Muning ma-bored sa posisyon na ito, nang maramdaman kong biglang nawala ang araw sa itaas.

Napaangat ako ng tingin at payong ang sumalubong sa akin. Napalingon ako at ilang beses akong napakurap nang makilala ang lalaking nakangisi sa likuran ko.

"Dog lover ka pala, hindi halata."

"Ano ginagawa mo rito, Aluel?"

"Naglalakad-lakad at humalanghap ng sariwang hangin."

"Nakapayong? Ang arte mo naman."

"Julian, sayang ang skincare ko."

Aluel is my ex, hiniwalayan ko siya kasi mas maarte pa siya sa akin. He's still pursuing me, sabi ko self love muna. Pumayag naman siya. Pero sa tuwing nilalandi naman niya ako feeling ko hindi naman siya seryoso. Baka wala nang pumapatol sa kanya kasi super arte niyang gago siya.

Itinulak ko ang payong niya. "Go. I am spending my time with my dog."

"Duh, may dog din ako. Playmates muna sila, while I'll play with the amo."

I rolled my eyes. "But seriously, kailan mo ako babalikan, Julian? I don't think I can date anyone but you."

Saglit nagtama ang mga mata namin at nawala ang pamilyar na ngisi sa mukha niya. Ngumuso ako. "Naka-move on na ako sa 'yo, Aluel."

"How about me? Hindi pa ako, Julian."

Ocean of Feathersحيث تعيش القصص. اكتشف الآن