Chapter 134

4.9K 52 1
                                    

The short story is dedicated to Rochael Tremucha. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 134

Unlike my bullied cousins, ako naman iyong may boyfriend. He has been my boyfriend since we were in high school. In our eight years of relationship, I couldn't ask for more.

Sa totoo lang ay gustong-gusto na siya ng buong family ko at maging ng mga relatives ko. He has a good sense of humor, magaling makisama at marami talagang kaibigan. Minsan ay itinatanong na rin siya ni lola kapag hindi siya napapansin na dumadalaw sa compound.

"Kapag nagloko pa sa akin si Michael, para na siyang nagtampo sa bigas." I said.

Nag-aasaran kasi kami ng mga pinsan ko kung paano daw kung maghanap ng iba si Michael.

"He's too in love with me. Sa ganda kongi to?" dagdag ko.

Mas malakas ang tawanan ng boys habang may pag-irap sa akin iyong mga walang boyfriend kong pinsan. "Wow naman. Sana all may jowa."

It was our typical banter every weekend. Eksakto naman na dumating na si Michael. We're actually going outside for a date, at hinihintay ko lang siya.

"Paano kayo? Look, si Rochael may sundo. Paano kayong tatlo?"

"Tigilan ninyo kaming tatlo," umirap na si Aliyah habang hawak ang kanyang phone.

"Bye, girls." Natatawang sabi ko.

"Pasalubong," Maria added.

"Sure."

Nang nasa sasakyan na kami, nakangiti agad sa akin si Michael. "Saan tayo pupunta?"

"Kahit saan. You can bring me anywhere, you know. Sasama naman ako sa'yo."

He laughed. "What's with your sudden words? Nagugulat ako, mahal."

"Wala lang. Hindi puwede sabihan ka nang ganoon? Gusto mo ay lagi lang tayong biruan?"

Umiling siya. "It's just that it's very unusual for you to tell those words. Lagi mo lang sinasabi na suwerte ako sa 'yo."

Nag-iwas na ako ng tingin sa kanya at tumanaw na ako sa bintana.

"To be honest, ako iyong suwerte sa 'yo. You have the patience, love, effort, and even that bright aura that never fades since we were in highschool. I am really blessed with a very kind-hearted boyfriend."

Mas lalo kong narinig ang pagtawa niya at naramdaman ko na lang ang hawak niya sa kamay ko at marahan niya iyong hinalikan. "No. When we were in high school I told myself that you're going to be my girlfriend— you're my dream girl. Smart, beautiful and very mataray. Akala ko ay mawawala na iyong attraction ko sa 'yo kapag naging girlfriend na kita, but I fell hard. Hindi na ako nakaahon, Rochael. Sa tingin mo ba ay gagawa ako ng bagay na magpapaisip sa 'yo na hiwalayan ako?"

Ngumiti ako sa kanya. "Of course. Kapag hiniwalayan mo ako, Michael, wala nang susunod."

Mas lumakas ang tawa niya. "What do you mean by time?"

"I'll kill you. Ano pa?"

Mas lalo siyang tumawa.

Nagpunta kami sa park na madalas naming pasyalan ni Michael. We ate ice cream, and street foods and sat on that bench while enjoying the view of the children running around.

Nang pansin ko na mas humarap sa akin si Michael, akala ko ay magyayaya na siya sa akin umuwi, natigilan ako nang may ilahad siya sa aking maliit na kahon. "Rochael, mahal, will you marry me?" 

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now