66 - Monmouth

21.2K 802 41
                                    


The short story is dedicated to Joana Liza Bayot. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 66

"Do you trust me, Joana?"

"Hindi ko na alam, Morris."

I saw how his face flicked with disappointment. I trust him, but I don't trust myself. Hindi ko alam kung kaya ko pang ipagpatuloy ang ginagawa naming ito.

"I love you, alam mo iyan, Morris. Pero alam mo ang responsibilidad ko sa pamilya ko."

"So, you'll marry the duke?"

Bumangon na siya sa Bermuda na siyang hinihigaan namin at pinagmasdan niya ako.

The summer breeze swayed his soft hair as the leaves from the trees around us danced with it, but what made my heart leaped with pain and longing was his familiar frame embracing by the sunlight.

Sana siya na lang ang nakikita ko araw-araw. Sana siya na lang ang piliin ko.

How I wished that my Morris was born with a good family. Hindi sana ganito kakumplekado ang sitwasyon namin.

But I was born in a world that status matters, na hindi lang pag-ibig ang siyang nakasalaylay sa sandaling nasagi ang salitang kasal.

I am the first born, at inaasahan ng lahat na hindi ko sisirain ang prinsipyong iyon sa aming pamilya.

I should marry a man with name and power... not just a man that I loved.

"Morris..."

Bumangon na ako at sinubukan kong hawakan ang pisngi niya. "I love you..."

Iniwas niya ang kanyang sarili sa akin. "Joana, alam kong darating pa rin ang araw na ito."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal, na kung bibigyan lang ako ng pagkakataon ay tatakbo akong kasama niya.

But marrying the duke isn't just for me... maraming umaasa sa akin. Makapangyarihan ang duke at sa sandaling tumanggi ako sa kanya at maging kahihiyan iyon, hindi lang ako ang babalikan kundi ang aking buong pamilya.

Hindi ako maaaring maging makasarili. Simula nang mabuhay ako, sinabi ko na sa sarili kong wala na akong karapatang bigyan ng kapanyarihan ang aking pusong pumili.

But I took a risk...

Pinili ko pa rin masaktan at umibig... na nalasap ko ang ligaya sa sandaling panahon lang.

"Ngunit hindi ako ang mag-aahon sa 'yo... sa pamilya mo. I am just the duke's knight."

Tumulo na ang luha ko. "I am sorry, Morris..."

Nang subukan ko siyang muling hawakan, akala ko ay iiwas siya ngunit hinayaan niya na ang mga kamay kong maabot siya.

Iniharap ko siya sa akin at nagtama ang aming mga mata.

"Mahal na mahal kita, Joana... sana'y ako ang piliin mo."

Mas mariin kong kinagat ang mga labi ko. Gusto ko siyang piliin at takasan ang responsibilidad at habang buhay siyang mahalin.

Ngunit alam kong saglit lang iyon. The duke will be after our heads.

Sa halip na sumagot sa kanya'y ipinikit ko ang aking mga mata at inilapat ko ang aking mga labi sa kanya.

Sa bawat tugon ng halik namin sa isa't isa'y humahalo ang patak ng luha mula sa aking mga mata.

If I could kiss him forever... If I could love him without hesitation, if the world will allow me to choose him... ako na ang magiging masayang babae sa mundong ito.

"Run away with me, Joana... I'll wait for you tonight. Here."

"Morris..."

Humiwalay na siya sa akin at tinalikuran ako. "Hihintayin kita."

Nang gabing iyon, hindi ako nakarating sa aming tagpuan, ngunit nakarating ang balitang tila kumitil na rin sa buhay ko.

Ang isa sa pinakapinagkakatiwalang tagasunod ng duke o kilala bilang Sir Morris ay natagpuang walang buhay sa kilalang burol ng emperyo. 

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon