33 - Queen Anne's Revenge

31.1K 1.6K 111
                                    


The short story is dedicated to Mia Irish Quizon. Thank you for helping me during the muting days!  

Chapter 33

Nakailang mura na ako sa hangin, traffic na nga, tumigil pa ang dyip dahil umihi pa ang driver, tapos nasiraan pa?!

Iritado kong binuksan ang payong ko, nahirapan pa akong kuhanin ito sa magulo kong bag. Bakit naman kasi nasiraan sa lugar na wala man lang anino, sobrang init Pilipinas! My gosh! I'm dying.

Ilang beses akong napapadyak nang hindi pa ako tigilan ng dumadaang dyip, puro puno na. Mahuhuli na ako sa klase!

"Urgh!" gusto ko nang sabunutan ang sarili ko sa sobrang pagkainis.

Mabuti sana kung mabait ang teacher ko sa first period, but she's a damn terror! Siguradong kalahating oras niya akong patatayuin buong klase!

Pitong dyip na yata ang dumaan pero wala pa rin tumitigil. At sa kamalasan ko pa sa buhay ko, nakikita ko kung sinong nakabisekleta ang dadaan.

Ang kaklase ko na araw-araw na yatang pinatatayo sa klase dahil laging late. Isa lang ang ibig sabihin nito, pareho na ang magiging kapalaran ko sa kanya.

Si Jose.

Kumunot ang noo niya sa akin nang magtama ang aming mga mata. Pero hindi ako nito pinansin at nilampasan niya ako. He's a weird guy, really. Wala itong kaibigan sa section namin, sobrang tahimik, may sariling mundo, pero tama naman ang grades niya. Anti-social lang talaga.

Kung maglakad na lang kaya ako?

Sumilip muna ako sa kalsada kung may dadaan na ulit na dyip, wala pa akong makita. Kaya wala akong pinagpilian kundi, maglakad. Mag-absent na lang kaya ako?

Nagsimula na akong maglakad, siguro mga sampung minuto ang tinagal ng paglalakad ko nang mapatigil ako at makita ang bisekleta ni Jose. Nasa gilid ito ng kalsada.

Nasaan siya?

Sinubukan kong iikot ang paningin ko sa paligid at ako naman ngayon ang napakunot ang noo.

Dahil kasalukuyan lang naman itong naglalakad sa kalsada. Malayo pa ang school, ah?

Nanghaba ang leeg ko para silipin kung saan siya pupunta, hanggang sa yumuko ito sa kalsada na parang may kinukuha.

And there, I saw a kitten on his hand!

Nang mabuhat niya ito ay nagmadali na siyang tumakbo sa tabi ng kalsada, pabalik sa kanyang bisekleta. Nanatili akong nakatayo, nakapayong habang tulala sa kanya. Natigilan din siya nang makita ako bago niya bitawan ang kuting at tumakbo.

Para siyang nahuling magnanakaw, dahil nang sandaling makatakbo na ang kuting ay nagmadali siyang sumakay ng bisekleta niya.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napangisi.

"Jose, wait! Pasabay!" sigaw ko.

Buong akala ko ay hindi niya ako papansinin nang bigla itong tumigil. Wow. Nagmadali akong maglakad at sumakay ako sa likuran ng bisekleta niya. Hindi man lang siya nagsasalita.

"Kaya ka ba laging nale-late? Dahil nagliligtas ka ng pusa?" natatawang tanong ko.

Hindi siya sumagot sa akin.

"Bakit ayaw mong makipag-usap masyado? Mukha ka namang mabait. But you're weird." I giggled.

"And..." I whispered to him, kasabay ng paghawak ko sa dalawang balikat niya.

Napasigaw na lang ako nang bigla kaming bumagsak dalawa.

"Jose! Oh my gosh! Baka magkasugat ako!" reklamo ko sa kanya.

When I looked at him, he's just quietly sitting with his head buried between his knees. Parang itinatago nito ang kanyang sarili.

"Shit, nasaktan ka ba?" tanong ko. Nagmadali akong lumapit sa kanya.

His ears were burning red.

"J-Jose?" nag-aalangan ako kung hahawakan ko siya.

And I was about to tell him to stand up when I heard his first few words for me.

"Y-You're really... talking to me... Irish... I am so happy..."


Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon