46 - INS Viraat

23.7K 1.1K 44
                                    


The short story is dedicated to Nayumi Andrea Tumalac. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 46

Isa ako sa kanilang mga kasabwat, isang babaeng pikit matang gumagawa ng kasalan sa kanyang kapwa, isang babaeng tulad nila'y halang na rin ang kaluluwa at isang babaeng walang konsensiya.

Hindi na ako magugulat kung sa sandaling ako'y pumanaw ay sa impyerno ang bagsak ko, wala na akong ibang ginawa kundi kasalanan.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at marahas kong pinunasan ang aking luha. Pilit kong tinakpan ang aking mga tenga para hindi marinig ang malakas na sigaw ng babaeng kalalampas lang sa akin para humingi ng tulong.

May sarili akong pamilyang binubuhay, kapwa may sakit ang aking mga magulang, mga kapatid na nagugutom at sariling pilit pinatatatag. Kailangan ko ng pera at ito lang ang nalalaman kong magbibigay sa akin ng sapat na halaga para hindi bawiin ang buhay ng pamilya ko sa akin.

Bago isakay sa malaking barko ang mga babaeng dadalhin sa isla para maging alipin at ibenta sa mayayamang negosyante ay dumadaan ito sa akin para kunin ang kanilang pangalan at impormasyon, karamihan sa kanila ay nagmamakaawa sa akin at humihingi ng tulong, pero tiim bagang ako at pilit hindi nagpapakita ng emosyon.
Para sa pamilya...

Magkakalahating na ako sa ganitong trabaho at malaki na ang tiwala sa akin ng namumuno. Hindi ko ito pwedeng sirain... para sa pamilya...

"Pangalan." Tipid kong sabi sa babae.

Siya'y lumuluha at nagsusumama sa akin habang hawak ang magkabilang balikat niya ng lalaking magdadala sa kanya sa barko, nakikita ko na rin ang ilang pasa niya sa kanyang braso at ang dugo sa gilid ng labi niya.

"Tulungan mo 'ko..."

"Kailangan ko ng pangalan mo." Mas matigas na sabi ko.

Hinawakan niya na ang kamay ko at dinala niya ito sa kanyang noo. "Parang awa mo na... tulungan mo ako, babae ka rin... paano mo—" hindi niya natapos ang kanyang sasabihin ng isubsob siya ng lalaki sa lamesa.

Umiyak ng malakas ang babae.

"Sabihin mo ang pangalan mo! Nauubos ang oras!" marahas kinagat ng babae ang lalaking may hawak sa kanya.

Natulala ako sa panlalaban ng babae pero sa huli ay natigil ito dahil marahas siyang binuhat ng lalaki. Basta na lamang nito ibinagsak ang babae sa libreng sofa ng aking maliit na opisina at halos magimbal ako nang marinig ko ang pagkakalas nito ng kanyang sinturon.

Hindi ko alam kung anong hinahayaang gawin ng babaeng pinalitan ko sa tuwing may ganitong klase ng eksena sa paglilista ng pangalan, pero sa mismong harapan ko gawin ang pambababoy nila sa babae...

Masusuka ako.

Agad kong binuksan ang cabinet ng lamesa ko, kumuha ng maliit na kutsilyo at hindi ako nagdalawang isip saksakin ang likuran ng lalaki bago pa man niya magawan ng masama ang babae.

Tumulo ang luha ko sa ginawa kong iyon kasabay nang pagbagsak ng katawan ng lalaki. Natulala ang babae sa lalaking bumagsak, nangangatal kong inilahad ang duguan kong kamay sa kanya.

"Patawad... patawad... ngayon lang ako natauhan sa trabahong ito... t-tulungan natin sila... tulungan natin ang mga babae sa islang pinagdadalhan nila..." pumipiyok ang boses ko.

Yumakap ang babae sa akin ng mahigpit. "Salamat... Nayumi..." nagulat ako nang marinig ang pangalan ko sa kanya.

"P-paano?"

Kinalas niya ang yakap niya sa akin at sinalubong niya ang aking mga mata. "Tulungan mo kami... si Kapitan... pangungunahan niya ang ekspidisyon patungo sa isla kung saan nila dinadala ang mga kababaihan."

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon