Chapter 119

2.6K 54 3
                                    

The short story is dedicated to Alliah Rose Tingson. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 119

Let's say that I usually spend my rest days inside a coffee shop. Since I didn't want to consume a long travel time, I always preferred to visit my go-to coffee shop. It would take about fifteen minutes to get there.

Bago ako nagtungo sa sasakyan ko ay kumuha muna ako ng chocolate sa refrigerator dahil iyon ang hindi dapat mawala sa akin dahil sa batang anak ng may-ari na lagi akong kinakausap.

I was wondering why every time I was there, naroon siya lagi. Hindi naman siya sinasaway ng mga magulang niya sa tuwing umuupo siya at kinakausap ako. And what's the odd thing, she's always dressed in yellow with that ratan hat.

Inilagay ko na ang laptop at bag ko sa upuan. Sumakay na ako sa sasakyan at nag-ayos muna ako. Nang lumabas na ako sa compound namin ay biglang may tumawag sa akin.

Si Alyssa.

"Saan ka? Kita tayo later."

"Bruha, I am driving. I'll call you later."

Mabagal lang ang pagpapatakbo ko kaya dumaan sa sulok ng aking mata ang bagong bukas na flower shop at pastries shop na malapit sa amin. Magpapatuloy pa sana ako nang tila mamalikmata ako.

Naroon iyong bata? I even saw her waving at my car.

Itinabi ko ang sasakyan ko at sumilip ako sa bintana. She was alone and smelling the flowers.

Nasaan ang mga magulang niya?

Nakita ko na lang ang sarili kong ipinaparada iyon sa tabi ng bagong bukas na tindahan.

Kababa ko pa lang ng sasakyan at bubuksan ko na sana ang payong nang napahawak ako sa aking noo. When I told Alyssa about my dream about this man and his promise to find me again, she told me that it was just because of my coffee and my addiction to fiction novels.

But everything was so vivid that I felt like I was in that time.

"Love, it's raining!"

"So, what?"

Hinawakan ni Hadeon ang dalawa kong kamay at hinila niya ako sa labas ng karwahe, kapwa kami napatingala sa itaas ng kalangitan, napakadilim habang patuloy na bumabagsak ang ulan.

I bit my lower lip. Lumingon ako sa daang tinahak namin, malayo pa man ang itinakbo ng aming karwahe kapwa namin alam na maabutan pa rin kami.

Kumirot ang dibdib ko nang ngumiti siya sa akin. "I love you, Alliah Rose. I am sorry because I born poor."

Umiling ako sa kanya at agad akong lumapit at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

"Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa ipilit nila akong ipakasal sa iba, Hadeon."

Sa kabila nang walang tigil na ulan at sa lalong lumalakas na ingay ng napakaraming kabayo, nagawa akong isayaw ni Hadeon sa ilalim ng ulan— bagay na kailanman ay hindi ko mararanasan dahil ako'y habangbuhay nakakulong bilang palamuti ng pamilya.

When his arms looped around my waist and claimed my lips, the tears and rain glided down my cheeks. Kinapa ko na ang baril na nasa baywang niya, at kasabay nang biglang pagbagsak ng katawan niya ay ang pagharap ko rumaragasang mga kabayo patungo sa amin.

I didn't even look at Hadeon's dead body. Itinapat ko sa sentido ko ang baril at kinalabit ko ang gatilyo sa harap nilang lahat.

"Ate?"

I blinked and saw the familiar kid. "Mag-isa ka lang? Where are your parents? Nakita mo talaga ako?"

Hinawakan niya bigla ang kamay ko at hinila niya na ako patungo sa bagong tindahan. Sa halip na sa mga bulaklak o kaya'y sa mga tinapay na naroon ang titig ko ay napako ang mga mata ko sa nakayukong lalaki na naglalagay ng tinapay para i-display.

"What do you want, little girl? I told you. I can't accept a girlfriend. I am still looking for someone."

Nang tuluyan nang tumuwid sa kanyang pagkakatayo ang lalaki at tuluyan niyang makitang hindi lang ang bata ang nasa harapan niya, nabitawan niya ay lumaglag ang mga balikat niya, ilang beses akong napaatras.

But what I saw was the sudden tear in his eyes. "Alliah . . ."

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon