21 - USS Monitor 1862

36.5K 2K 89
                                    


The short story is dedicated to Patricia Lladoc. Thank you for helping me during the muting days!


21

Nagmamadali kaming sumakay ng mga kaibigan ko sa dyip dahil sa dami nang mga taong nag-uunahan.

Since I'm a bit faster, hindi ako nahirapan makaupo agad at makahanap ng pwesto. Nagkahiwa-hiwalay kami ng mga kaibigan ko sa upuan dahil sa pagmamadali.

"Patricia, ang layo mo." Ngumisi lamang ako habang nag-aabot ako ng bayad sa driver.

Tatakbo na sana ang sasakyan nang mapansin namin ng mga kaibigan ko ang kaklase namin na sasakay rin.

"Saglit lang po manong!" sabi ng isa sa mga kaibigan ko.

Agad kong nakilala ang sasakay, si Glenn ang tahimik naming kaklase. Dahil hindi pa naman sikip sa tabi ko, mabilis akong gumawa ng espasyo para may maupuan siya. But to my surprise, kahit kita na niya na maluwag sa puwesto ko nagpumilit siyang umupo sa kabila.

Nagtawanan ang mga kaibigan ko at inasar nila akong ayaw akong katabi ni Glenn. And Glenn the poker face guy just stared outside the window after paying his damn fare.

Asar. Napahiya tuloy ako.

"Suplado," kumento ko nang pababa na siya sa dyip.

Ilang beses ko pa nakakasabay sa dyip si Glenn na parang may nakakahawa akong sakit at ayaw niya talaga akong tabihan.

Naasar na talaga ako sa kanya.

Isang araw bigla na lamang may tumabi sa akin na kaklase kong lalaki. Si Neil, ang pinaka magaling naming classmate sa pagkanta.

"Alam mo may gusto sa'yo ang isa sa barkada ko." Ngumiwi ako habang panay ang pagkopya ko ng assignment.

"Meron talaga?" wala sa sariling tanong ko. Wala akong natatandaang interesante sa mga kabarkada niya.

"Paano kung ligawan ka ni Glenn?" natigil sa ere ang kamay ko at napunta na ang atensyon ko kay Neil.

"Si Glenn?" tipid akong sumulyap sa likuran ni Glenn sa unahan at tipid akong natawa.

"No way, bakit ako liligawan? Hindi niya nga ako kinakausap. He's too quiet."

"Nahihiya, syempre." Nagkibit balikat lamang ako.

Simula nang sabihin ito sa akin ni Neil, hindi maaaring hindi sasagi sa isip ko. What if it's true?

Pinagmasdan ko si Glenn sa malayo. He's cute naman, ang gaganda ng grades niya at mukha mabait. But he's torpe.

Malapit na kaming mag-graduate. Naghintay ako sa kanya, pero umabot kami nang pagpapaalam sa bawat isa, hindi man lang ito lumapit sa akin.

We had a switching chair session, kung saan makakausap mo ang mga kaklase mo at masasabi mo sa kanya ang lahat bago kayo maghiwalay.

I gave him short message, but he never looked into my eyes. Hiyang-hiya siya sa akin. Naiinis na ako, sinasayang niya ang oras.

But until I marched on the stage, I didn't receive any words from him.

"Patricia!" bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko bago ako makarating sa kotse namin.

Nakangiti na akong humarap sa tumawag sa akin. I was expecting that it's him, pero ibang kaibigan ni Neil.

"Ryan.."

"Happy graduation," nahihiya itong nag-abot sa akin ng regalo. "Before we part ways—I just want to say—that I like you for the past three years." Halos magulat ako sa sinabi niya.

"W-What?"

"Yes,"

Nang sandaling hawakan ko na ang regalo niya, nasagi sa aking mga mata si Glenn na nakatayo sa malayo.

Kumirot ang dibdib ko nang tumalikod na ito, he just walked straight without minding his friend Neil looking at my direction.

"So slow.."

Kumento ko sa papalayong lalaki bago ako muling humarap sa lalaking naglakas loob harapin ako.

I smiled at Ryan..I like Glenn more but he's an idiot.


--

VentreCanard 

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now