Chapter 1

8.4K 257 10
                                    

Sky

"Sky!"

"Hmm." Napaungol ako. Hanggang sa panaginip ko ay naririnig ko ang pangalan ko.

"Sky!"

Hmm? Pamilyar ang boses na yun. Parang narinig-"Aray ko naman!" Kasabay ng pagmulat ko ay ang biglang pagbangon ko. Medyo nahilo pa ako sa ginawa ko. May tumama kasi sa mukha ko. Nakita ko naman agad si ate Heaven na may hawak na tsinelas. So sinampal nya ako ng tsinelas?!

"Kung hindi pa kita sampalin talagang di ka gigising?" Nakapameywang na sita nya. "Wala ka bang balak pumasok?"

"Ate naman! Hindi na ako elementary para maexcite sa unang araw ng pasukan." Reklamo ko na nahiga ulit. Last year ko na kaya sa senior high! Kung may isang bagay man na nagpapa excite saking pumasok, yun ay ang bestfriend kong si Randell. Unfortunately, hindi ko sya classmate ngayon. Sadlife. Papasok kaya ngayon yun?

"Your bestfriend is here."
Narinig kong sabi nya. Kaya napabangon ulit ako bigla para sumimangot ulit. Dahil imbes na si Ran ang makita ko, eh ang mukha ni Winter ang nakita ko na nakatayo sa tabi ni ate Heaven. "Sabay na daw kayo pumasok. Aba mahiya ka naman , kanina pa yan naghihintay dito."

"It's okay ate Heaven.." Malumanay na sabi nya. Akala mo anghel. Pakitang tao!

"Anong ginagawa nyan dito ate?"

"Malamang sinusundo ka! Ganon kabait si Winter! Kahit na busy sya sa student council eh nag abala pa syang daanan ka!"

"Duh. Di ko naman sinabing isabay ako eh. Hindi naman ako maliligaw noh!"

"Rainbow Sky!" Okay seryoso na si ate. "Winter ikaw ng bahala sa baliw na yan okay?"

"Sure."

Nang makaalis si ate ay saka lumabas ang tunay na anyo ni Winter. Kung kanjnang kaharap nya si ate ay parang napaka among tupa nya, ngayong kami nalang dalawa, mukha na naman syang adik.

"Ayaw mo talagang kumilos?"

"Ayokong pumasok kung ikaw ang kasabay ko." Pagsusungit ko. "Hindi tayo close."

"Eh di try natin maging close." Masyadong mabilis syang kumilos at namalayan ko nalang na nakalapit na pala sya sakin sa kama. "Ayokong nale-late pero kung ikaw dahilan ng pagkalate ko, ok lang."

"Hey!" Napasigaw ako ng bigla syang sumampa sa kama at tinulak ako pahiga. Mabilis din syang umupo sa ibabaw ko. Sa tyan ko. Naramdaman ko nalang yung mga kamay nya sa tshirt ko. "Winter ano ba!"

"Ayaw mong kumilos do ba? Puwes, ako ang magpapaligo sayo."

"Stop it! Oh my gosh!" Sa gulat ko ay nataas agad nya ang damit ko. Shit! Hindi pa naman ako nagsusuot ng bra sa pagtulog! Bago pa man nya makita ang di dapat makita ay mabilis na humawak ako sa batok nya at hinila sya palapit sakin, hanggang sa mayakap ko sya. Jusko! Damang dama ako ang init na nagmumula sa katawan nya! Medyo bumilis din yata ang tibok ng puso ko ng masubsob ako sa leeg nya at maamoy ko sya. Ang bango. Leche! Pigil ang hinga ko ng pumulupot ang mga braso nya sa katawan ko. Bukas naman ang aircon ko, pero bakit feeling ko nasa impyerno ako sa sobrang init?!

"Hmm.. So gusto mo talaga akong masolo ano? Pabebe ka talaga Sky." Bulong nya sa tenga ko.

Leche! Nagsitayuan lahat ng balahibo ko dahil dun! "M-maliligo na ako."

"Hmm?"

"Leche ka Winter umalis ka sa ibabaw ko gago ka!" Sigaw ko.

"Ayoko.." Parang bata na sabi nya. Tumingin pa sya sakin. As in titig. May kakaibang kislap ang mga mata nito. Pero yung ngiti nya, no, yung smirk nya! Leche! "Masyadong fluffy.. Ang lambot naman ng katawan mo parang-Oh my god!" Napaalis sya bigla sa ibabaw ko ng kagatin ko sya sa balikat.

Mabili na binaba ko yung tshirt ko. "Manyak!" Sigaw ko saka nagmamadali na pumasok sa banyo ng kwarto ko. Narinig ko pa yung malakas na tawa nya sa labas. "Bwisit!"

Mabilis na naligo ako. Baka kasi masigawan na ako ni ate Heaven. May topak pa naman yung maulang langit na yun. Hehe. Natawa ako sa tawag ko sa kanya. Heaven Rain kasi ang full name ni ate. Tapos ako naman, Rainbow Sky. Masyado yatang nahilig sina mama sa kalangitan. Pagtapos kong maligo ay nagmadali din akong magsuot ng uniform. Hays. Humarap ako sa salamin at napangiti sa sarili kong reflection. Ang cute ko kasi. Kahit na kinulang ako sa height. Hays. Buti pa si ate, matangkad.

"Kahit maghapon ka tumingin sa salamin, hindi na magbabago yang mukha mo."

Automatic naman na napasimangot ako. Talagang sisirain nya ang araw ko! Lagi nalang! "Look who's talking.." Sinuklay ko na yung buhok ko na lagpas balikat. I mean, umabot na yata sa waist ko. Nanatili lang syang nakatayo sa may pinto at pinapanood ako.

"Masyado akong maganda." Pagyayabang nya. "I'm tall.. Smart, Famous, Beautiful, Kind-"

"Eh di sige ikaw na. Ikaw na din ang pinaka bwisit sa lahat!" Napairap ako. Tumawa lang sya. Wala ba syang magawa sa buhay? Hindi ba sya masaya sa buhay nya at talagang dinadamay pa nya ako? Ewan ko nga kung bakit feeling close yan. Hindi ko naman talaga kaibigan yan. Nagkataon lang na magkakilala yung ate nya at ate ko.. long time ago, kaya naging magkakilaka kami. Pero simula yata ng makilala ko sya, wala na syang ibang alam gawin kundi ang bwisitin ako araw araw! Maaga akong tatanda!

"Syempre maganda ka din. I like your eyes, and your dimples.."

"Maganda talaga ako.." Matapos kong mag ayos ay kinuha ko na yung bag ko. ""Let's go.." Nauna na akong lumabas ng kwarto. At alam kong nakasunod sya.

Magsisimula na naman ang pasukan.. Balik na naman kami sa dating buhay. Last year ko na sa high school, kaya dapat wala akong pagsisihan sa taong ito. Dapat magawa ko na yung mga dapat gawin. Una sa listahan ang pagtatapat ko sa bestfriend kong si Ran...

----

Good evening.. Hi.. Hello..

TRIANGLE (GxG)Where stories live. Discover now