"See? She likes putting her life in danger!" biro pa ni Aaric. Mas lalong sumama ang tingin ni Sage sa kaniya.

"C'mon Sage!" wika ko kahit na nangangatal ang aking buong katawan sa lamig. "It's really fun here!"

Sinamaan niya kami ng tingin dalawa bago siya lumapit sa amin. Hinapit niya kaagad ang beywang ko. "Are you sure you really know how to swim?"

"Don't be stupid..." wika ko, itinutulak siya palayo sa kaniyang dibdib. Dumako ang tingin ko sa dibdib niya. A thin line marked permanently between his chest, reminding me of how I saw his surgery the first time that we met. "Dito ako lumaki, Sage..."

"Mallory, let's race to that part!" itinuro ni Aaric ang malalim na bahagi ng falls. Buti nalang at narito pa ang maliit na balsa na sinasakyan namin sa una ni Sierra. I don't know if the raft can accommodate us anymore because we've grown. Pinagtagpi-tagpi lang iyon na kawayan na ginawa namin ni Leon noong mga bata pa kami kaya naman hindi gaanong katibay.

Sinulyapan ko si Sage at nginisihan. "Gusto mong sumali?"

"No thanks," he grumbled under his breath.

Nagkibit balikat ako at sumunod kay Aaric. We swam towards the raft and tried to fit ourselves there. It still wobbles a bit kaya naman napapahawak ako sa braso ni Aaric habang tumatawa.

Sumama ulit ang tingin ni Sage. "I think you guys should stop." Suplado nitong wika.

"Hindi pa nga kami nagsisimula eh!" hiyaw ni Aaric. Binalingan niya ako. His brown-black eyes twinkled in delight. Kapag tinititigan ko ang mga mata niya nang ganoon, it reminded me of Sage's little sister. Sabagay, Aaric is Sage's cousin. He shares the same genetics with Sage. Both of them are fine-looking.

"Kita mo yun?" itinuro niya ang dulo kung saan bumabagsak ang tubig. "That's the finish line!"

"Okay!" I chirped. "Walang tulakan ah?"

Humalakhak si Aaric. "Of course, of course..." huminga siya nang malalim. I glanced at Sage. Nakasimangot siyang nakatingin sa aming dalawa. "I'll count one to three. One... two... three!"

In cue, I jumped into the water and dove downwards. Mas mabilis akong nakakalangoy kapag hindi ko inaahon ang aking ulo sa tubig. But because of Aaric's well-built body and strength, mas mabilis niya akong nauungusan. I tried my best to catch up with him but I really couldn't. Ilang minuto akong nanatili sa ilalim ng tubig at nang makaahon ako ay ang nakangising mukha kaagad ni Aaric ang tumambad sa akin.

"You lost!" he declared happily.

Pabiro ko siyang inirapan. "It's because I haven't swim for a long time..."

"Whatever you say, missy..." umahon siya sa tubig at nagsimulang maglakad papunta sa bukana ng falls. "Akyatin natin yun! I want to try jumping there!"

Excitement filled my veins. Neither Sierra nor Leon actually jumped from the top. Takot silang pareho kaya naman sobrang nakakapanibago na may nagyayaya sa aking akyatin ang falls at tumalon pababa.

"I'd love to do that!" I exclaimed happily, surfacing and following the muddy path Aaric is taking.

"Mallory!" may bahid ng galit ang boses ni Sage. "It's fucking dangerous. Tigilan niyo na nga yan, Aaric!"

Hindi siya pinansin ni Aaric. Tumawa lang ito sa kaniyang sinabi at nagsimula nang umakyat. Pagalit kaming sinundan ni Sage at hinablot ang aking braso.

"Mal-"

"I'm going to be fine, Sage..." malumanay kong wika. "You should try it too. It's really fun..."

The Billionaire's SonWhere stories live. Discover now