He glided out of the horse in grace. Inalalayan niya ito papasok sa kanilang gate. Si Aaric ay nakasakay pa rin at hindi bumababa. Bumaba lamang siya nang tuluyan na silang makapasok dalawa sa Sage. Itong mga kabayo ba ang gamit nila sa tuwing nag-aani sila ng palay? I've never seen these horses before.

"Mallory!" kumaway ulit si Aaric sa akin. Marahas na napalingon si Sage sa direksiyon ko kaya napilitan akong lumabas at magpatuloy sa paglalakad sa kanilang mansiyon. I smiled at the two of them. Bumalik si Sage sa gate upang pagbuksan ako.

"Hi." Tipid kong bati. He nodded at me. Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko pero wala naman siyang sinabi. I saw Zahra sitting on one of the metal chairs with her arms crossed against her chest. Kulang nalang ay taasan niya ako ng kilay pagkakita sa akin. "Hi baby Zahra!" magiliw kong bati pero tinitigan niya lamang ako.

Humalakhak si Aaric. "Don't bother, Mallory. Maldita ang batang iyan. Hindi ko pa nga nakikitang ngitian ako niyan kahit minsan, eh,"

"Aaric, stop bubbling and tie your horse here." Wika ni Sage sa baritonong boses. Tumawang muli si Aaric bago sinundan si Sage. Zahra is looking intently at me as if she knew all the sins I've committed in my past life. Sumimangot siya at binalingan ulit si Sage. Ngayon ko pa napansin ang kaniyang nanny na nasa bungad ng kanilang bahay at hindi inaalis ang tingin kay Zahra.

"Shage!" she demanded in a tiny yet authoritative voice. Nilingon siya ni Sage at tinaasan ng kilay. Itinaas muli ni Zahra ang kaniyang mga kamay sa ere. "Lift!" she demanded again.

"Not now, Zahra." wika ni Sage habang umiiling. "I need to take a bath. Go ask for lift from nanny..."

Hindi ko alam kung naiintindihan ba ni Zahra ang kaniyang sinabi pero mas lalong sumimangot ang mukha nito at nagtatadyak sa kaniyang upuan. I placed my books and bag on the table and smiled warmly at her.

"Can I lift you instead?" I asked softly.

Natigilan sina Sage at Aaric sa aking ginawa. Ang mga mata nila'y nakatuon sa akin at naghihintay ng sagot ni Zahra. The little girl glared at me for a while before she lifted her arms hesitantly. Kulang nalang ay ikutin nito ang mga mata at sabihan ako ng "Fine! No choice!" dahil sa nakitang des gusto sa kaniyang mukha.

She's surprisingly heavy. I hoisted her up from her seat. Napailing na lamang si Sage at pumasok sa kanilang bahay. Sumunod naman si Aaric sa kaniya.

"Horsey horsey..." Zahra said.

"Oh, you want to meet the horse?" nakangiti kong tanong sa kaniya. Nilapitan naming dalawa ang kabayo. The horse glanced at us and continued eating the hay. Zahra extended her arms and pull its ears.

"Zahra, no..." mahinahon kong wika. Ang buong atensiyon ng kabayo ay nasa amin na. Inilapit niya ang kaniyang mukha. Nagulat ako nang haplusin ni Zahra ang mukha ng kabayo pero mas lalo akong nagulat nang bigla niya itong sinampal!

The horse neighed angrily. Dali-dali akong umalis sa kanilang kinaroroonan. Isang pilyang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Zahra at parang gusto pa yatang sampalin ang kabayo sa ikalawang pagkakataon. Muntik na akong atakihin sa puso dahil akala ko'y tatadyakan kami ng kabayo.

Her nanny approached us and smiled apologetically at me. "Pagpasensiyahan niyo na si Zahra, Ma'am." Kinuha niya sa akin ang bata at binalingan ito. "Monterio talaga.." she shook her head and went inside the mansion. Naiwan ako sa labas ng kanilang bahay.

Inilabas ko ang aking mga notebook at libro saka sinimulang sagutan ang aming assignment sa Algebra 3. I am halfway through problem-solving when the door opened. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang preskong mukha ni Sage. Pinapatuyo niya ang kaniyang buhok gamit ang isang maliit at puting tuwalya. He's wearing a white shirt and black jersey right now. Nakasunod naman si Aaric sa kaniya na may kinakaing donut. Mukhang kakaligo lang din nito dahil sa kaniyang basing buhok.

I swallowed and focused on my assignments instead. Nilapitan ako ni Sage. Halos hindi ako makahinga nang maramdaman ko ang kaniyang presensiya sa aking likod.

"What are you doing?" tanong niya sa malalim na boses. I could smell his shampoo and aftershave lotion from behind. May isa pang kasambahay ang lumabas mula sa mansion. May dala-dala itong tray na may lamang pitcher ng juice, isang pinggan na puno ng cookies, donuts, at tatlong mansanas. Inilapag niya ito sa lamesa kung saan ko sinasagutan ang aking assignments.

"Assignment ko sa Algebra." Sagot ko.

Sage leaned closer and stared at my homework. Bigla tuloy akong na-conscious. "You're doing it wrong, Mal..." He said after a while of examining my papers.

"H-Huh?" nauutal kong tanong.

Inokupa ni Aaric ang upuan sa aking tapat at kumuha ng isa pang donut. Bumalik ulit ang kasambahay at naglagay ng tatlong baso bago tahimik na nagpaaalam. The two of them ignored her. I shot her a polite smile before she entered the mansion again.

"Give me your pen," utos ni Sage.

Nag-aalangan kong ibinigay ang ballpen ko sa kaniya. He crushed my entire solution and made a new one. Mabilis at accurate ang kaniyang pagkaka-solve. Dalawang beses lang niyang ginamit ang calculator sa aking tabi. In just a few minutes, he was done. Inilapag niya ang ballpen sa tabi ng aking notebook.

"That's how you do it, Mal..."

"Sage is a math wizard," Aaric was quick to supply. "Kung saan-saang quizbee lang siya pinapadala noong highschool pa lamang kami..."

"Really..." was all I could say. Bigla akong nahiya kay Sage. We went through this lesson three times already at siya pa itong mas marunong sa akin. Ginaya ko ang kaniyang ginawa kahit na halos hindi ako makahinga nang maluwag dahil sa kaniyang presensiya sa aking likod.

"Ngapala, Mallory, diba may talon dito malapit?" pagtatanong ni Aaric.

"Mmm-hmm..." I answered distractedly. Nilingon ko si Sage na ngayo'y titig na titig sa akin habang naka-krus ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib. Kaagad akong pinamulahan at itinuon ang aking atensiyon pabalik sa assignment.

"Puntahan natin ngayon!" excited na wika ni Aaric. "Pwede naman nating gamitin ang mga kabayo eh..."

I finished the last problem and glanced again at Sage. He nodded at me in approval. Biglang sumikdo ang puso ko. Saka ko pa binalingan si Aaric. "Gusto mong maligo? Parang kakaligo mo lang eh..."

Tumawa siya. "No. I just want to see what's in store for us. Tinatanong ko sa mga trabahante, hindi naman nila alam. Taga-rito ka naman so you must know the place."

Tumango ako at nilingon ulit si Sage. Kumuha siya ng isang mansanas at kinagatan iyon. Napalunok ako. How could he look so damn sexy when he's just eating an apple?

"G-Gusto mong puntahan, Sage?"

Nagkibit-balikat siya. "Yeah, why not?"

"Cool!" Aaric pulled himself up from his seat. "Let's go!" excited niyang wika.

Napatingin ulit ako kay Sage. Tinulungan niya akong magligpit ng mga gamit habang si Aaric naman ay pinapakawalan na ang kabayong sinampal ni Zahra kanina. Nag-aalangan tuloy ako kung sasabihin ko bas a kaniya ang ginawa ng nakababatang kapatid o sanay na siya dito.

"Just ride the horse with me," Sage said after I'm done with my things. "Aaric can't handle a passenger yet."

"Hey! I know how to handle them!" protesta naman ni Aaric pero hindi siya pinansin ni Sage. "Gusto mo lang sa kabayo mo sumakay si Mallory, eh..." he muttered under his breath.

Nag-aalangan kong nilapitan ang kabayo. Sage followed me. I gazed up at the strong dark horse. "Hindi pa ako nakakasakay ng kabayo..." binalingan ko si Sage.

"Don't worry. I'm here..." wika niya saka iminuwestra ang kabayo. Si Aaric ay nauna nang lumabas sa gate. "Just make sure not to hurt him while you're riding."

Tumango ako at ingat na ingat na sumakay sa kabayo. Nalula pa ako pagtingin ko sa baba dahil sobrang tangkad at laki talaga ng kabayo. Hinawakan ni Sage ang beywang ko bago siya sumakay. I could feel his body heat from my back and his hard chest pressed against me. Mas umusog pa siya kaya para na akong tinakasan ng hininga. Kinuha niya ang lubid ng kabayo at ipinatong ang kaniyang baba sa aking naninigas na balikat.

"You're so tense, Mal..." he whispered on my ears. "Relax..." pagkasabi niya'y nilatigo niya nang marahan ang kabayo upang tumakbo ito.

Kahit anong gawin kong relax, abot-abot pa rin ang tahip ng puso ko...

The Billionaire's SonWhere stories live. Discover now