63rd Blow

1.4K 53 5
                                    

Author's Note: My schedule is packed for the first three months of the year. (>.<) Let's see how long I can endure.

Anyways, its almost 11 PM. Gotta take a rest for a long day tomorrow.

Good night and enjoy reading!

Thrust Me Harder song of the day: Lies ( I personally prefer the Rock Version) by Bigbang

********

A soft gush of wind that touched my cheeks woke me from my deep slumber. I opened my eyes and was welcomed by the handsome figure who was sleeping beside me. I've never seen him this serene while sleeping. This isn't the first time that I saw him this close while he's asleep.

Malayong-malayo sa itsura niya ngayon ang itsura niya tuwing humaharap siya sa mga miyembro ng grupo. He looked like the same old Tanner I fell in love with.

Sinubukan kong tumayo pero nakaramdam ako ng pagkirot sa braso ko. Maayos nang nakabalot sa puting benda ang sugat ko. Hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari kanina.

Ito ang mangyayari kapag nanatili pa ako bilang Royal Jade. Kahit pa tinanggap ko na ang kapalaran ko sa posisyong iyon, iba pa rin pala kapag nararanasan mo na. Iba pa rin ang takot at kaba kapag nasa sitwasyon ka na.

Honestly, I don't think I could live like this everyday.

Yung klase ng buhay na punong-puno ng takot. Yung alam mong walang kasiguraduhan ang bawat segundo ng buhay mo. Na sa oras na babaan mo ang depensa mo, sasalisihan ka ng kalaban at baka ikaw na ang paglamayan.

I wanted to be with Jionni. God knows how much I wanted to be with this man.

Pero kakayanin ko ba? Kakayanin ko bang manatili sa piling niya at maging matapang para sa sarili ko at sa kanya?

Ignoring the pain I felt earlier, maingat akong bumangon at tahimik na lumabas ng kwarto. Nadatnan ko sa may sala si Yuji, Shing at Lei na naglalaro ng baraha.

"Gising ka na pala. Naghanda ng pagkain si Duyi bago siya umalis. Iinitin ko para makakain ka na." Hindi na ako hinintay pang sumagot ni Lei dahil ibinaba na niya ang mga barahang hawak bago naglakad papunta sa kusina.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Pangangamusta ni Yuji. "Isang buong araw ka ring nakatulog."

"Wala naman akong nararamdamang kakaiba. Medyo makirot lang 'tong sugat ko pero ayos naman ako."

"Mabuti naman kung ganun. Hindi na nakatulog si Jionni sa pagbabantay sa'yo." Singit ni Shing sa usapan namin ni Yuji. Hindi na siguro kinaya ng katawan ni Jionni ang antok kaya nagpasya na siyang matulog sa tabi ko.

These guys are genuinely concerned of Jionni. Ang pagkakaibigan nila ay kayang talunin ang relasyon ng mga magkakapatid. Jionni's really lucky to have known them.

"Dee, what's your plan?" Yuji asked out of nowhere.

"What plan?"

"You're being proclaimed as the royal jade tomorrow and Jionni doesn't even have a damn clue that you'll undergo the initiation rites." Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya nang banggitin niya ang patungkol sa initiation rites.

Bilang hindi ako miyembro ng grupo, kinailangan kong dumaan sa initiation rites ng grupo para maging opisyal na miyembro nila. Iyon ang sabi sa akin ni Shaun nang huli kaming nagkausap.

Thrust Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon