26th Blow

3.4K 70 13
                                    

Author's Note: This is a newly included chapter. Please do read it again to avoid confusion.

And if you've noticed, I unpublished some stories. Ibabalik ko na lang sila once sila na yung story na finofocus ko. Hindi naman siya mawawala dahil naka-draft naman na siya dito sa account na 'to.

Have a wonderful day and keep safe always!

Thrust Me Harder song of the day: Who You? by G-Dragon

--------

          After Noelle had left, I went outside. Hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko pagkatapos kong magsuka. I'm feeling really fine.

          Ang kaso, okay ang katawan ko pero ang kalooban ko naman, hindi matahimik. Nagsisimula na akong mapaisip sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid ko. It seemed like something's not right.

          Ayokong husgahan si Noelle pero hindi ko maiwasang makaramdam na ng sakit. Ang maisip pa lang na may alam siya pero pinili niyang ilihim sa akin ang lahat, pakiramdam ko trinaydor niya ako o pinagtaksilan niya ako. Kahit pa siguro marinig ko ang paliwanag niya, it would take time for me to forgive her.

          And Jionni, the one who keeps on making me confused. As much as I wanted to hope that he's Tanner, I don't want to fool myself. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong nakita si Tanner sa ibang tao. I would always end up thinking that he's one with just a mere resemblance. My condition got worst when I ended up having hallucinations and delusions of him being here. It was unimaginable.

          Sino ba sa kanilang dalawa ang nagsasabi ng totoo?

          Napakurap-kurap ako nang biglang may bulang palutang-lutang sa harap ko. I lifted my fingers to burst the bubble. Sinundan pa iyon ng isang bula kaya nawili akong putukin lahat ng bulang dumadaan sa harap ko. When I got tired of bursting the bubbles, I looked for the source of the bubbles.

          Turning to my right, I saw a familiar face pouting while blowing bubbles. Hindi ko napigilang matawa habang pinagmamasdan siyang bumuo ng mga bula.

          "For someone who's your age, I never imagined that you'll play with bubbles."

          Natigil siya sa pag-ihip at napalingon sa akin. Nakita ko kung paano unti-unting magkulay kamatis ang mukha niya.

          "Ma'am... pasensya na po kayo. Nakakahiya naman po," nakayukong bati niya sa akin. Lumapit ako sa kanya at kinuha mula sa kamay niya ang bote na may sabon.

          "Do you love bubbles?" I asked then I made one.

           Umiling siya pero tipid na napangiti, "it's my sister. My younger sister loves bubbles. Siya ang dahilan kung bakit ako bumubuo ng bubbles."

          Napalingon-lingon ako sa paligid, "nasaan na ang kapatid mo? Why am I not seeing her around?"

          He pointed on the empty space beside me, "nakatayo po siya sa tabi ninyo. She's smiling at you." Seryosong sabi niya. Napalingon ako sa gilid ko at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong walang tao doon.

          "YUI!! Huwag ka ngang manakot ng ganyan!"

          "Biro lang ma'am." Natatawa-tawang sagot niya sa akin. "Ang seryoso po kasi ng mukha ninyo kanina noong natanaw ko kayong nakaupo sa may swing. May problema po ba?"

          Natawa ako sa tanong niya, "if you found me smiling alone, would you still ask me the same question?"

          "Probably. Iisipin ko pong nababaliw na kayo para ngumiti mag-isa."

          Since Yui started working at the company, this is the only time I'm having a casual conversation with him. He seemed to be so aloof and a loner type especially at office. Kinakausap siya ng mga kapwa niya empleyado but he's not really friends with any of them.

          "Your weirdness is the reason why you don't have any friends at the company. Ayusin mo kaya ang sarili mo?" I suggested to him. I want him to adjust at our working environment para naman makapagtrabaho na siya ng maayos.

          Napalabi siya, "why do people kept on asking the same thing? Hindi ko na po mabilang kung pang-ilan kang nagsabi niyan. Don't get me wrong ma'am, but I'm already fine as I am right now. You only need to accept yourself to have that self-confidence and self-esteem. Everyone's acceptance won't give you the comfort you're looking for. It should be me, myself and I."

          "Yui, mag-isa ka na lang ba sa buhay? Grabe yung hugot mo."

          He nodded, "my sister is the only family I had but she died. Pinatay siya. Mistaken identity."

          "Sorry to hear that,"

          "No need to be sorry. Hindi naman ikaw ang pumatay sa kanya," seryosong sagot niya habang nakatanaw sa malayo. Kahit na hindi siya magsalita, nararamdaman ko ang lungkot niya. My heart is breaking for him. I know how it feels to be alone like him. "Ikaw naman ma'am, bakit nga po pala kayo mag-isa dito?"

          "Yui, naramdaman mo na ba yung pakiramdam na parang may bagay kang kailangang malaman pero ayaw ng mga tao sa paligid mo na malaman mo?"

          Napaisip siya saglit, "opo. Sa tingin ko po naramdaman ko na 'yan dati."

          "Anong ginawa mo noon?"

          "Pinabayaan ko lang po. Naniniwala naman po ako na darating ang tamang panahon na malalaman mo rin ang katotohanan patungkol sa mga bagay-bagay."

          "Hindi ka man lang ba nacurious patungkol sa bagay na iyon noon? Hindi ka gumawa ng hakbang para alamin yung bagay na 'yun?"

          "Hindi na. Kung yung mga taong nakapaligid sa'yo, pinipigilan kang malaman iyon at itinatago iyon sa'yo, tingin ko po dapat hintayin niyo na lang po yung panahon na maipagtapat nila sa iyo ang lahat."

          Yui's words somehow makes sense. "Bakit nga ba kasi kailangan pa nilang itago ang mga bagay-bagay? Bakit hindi na lang nila sabihin ng diretso sa akin?"

          Nagkibit-balikat siya, "kung sino man po yung mga taong naglilihim sa inyo, sila lang po ang nakakaalam kung bakit nila tinatago ang katotohanan sa inyo. Sila na lang po ang tanungin ninyo kapag ipinagtapat na po nila sa inyo yung totoo."

          Kailan naman kaya mangyayari iyon?

          "Ma'am, pwede po bang magtanong?" Pambabasag ni Yui sa katahimikan.

          "Ano iyon?"

          "Girlfriend po kayo ni Jionni hindi ba?"

          Napakunot ang noo ko sa tanong niya. "What?! Are you nuts? Paano ko naman naging boyfriend si Jionni? Kailan pa?"

          Punong-puno naman ng pagtataka ang mukha niya, "hindi po ba? Pagkatapos ka po kasi niyang dalhin sa clinic noong mga panahong masama ang pakiramdam ninyo, pagkabalik niya po sa office, sinabi niya po sa mga kasamahan natin sa trabaho na buntis ka daw po sa panganay ninyo at naglilihi ka po kaya ka po nagsuka."

          The nerve of that guy! Paano niya naatim na magkalat ng impormasyong hindi naman totoo?!

          "JIONNI!!!! You fvcker!!!! Huwag ka talagang magpapakita sa akin!!!"

Thrust Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon