48th Blow

2.3K 55 1
                                    

Author's Note: Wala na akong twitter and facebook. Sinusubukan ko kasing i-access pa yun kaso 'yun nga wala na akong access. Instagram na lang ang naaccess ko.

Thrust Me Harder song of the day: A Fool's Only Tears (눈물뿐인 바보) by BIGBANG

--------

            Yuji did a great job in preparing our flight details and made the necessary preparations in such a short period of time. How did I say so? Natulog ako na nasa Hong Kong pa kami, nagising akong nasa Jeju Island na kami. Paano nangyari? Hindi ko din alam.

            But one thing for sure, Tanner did the magic. I don't think na papayagan ako ng lady dragon na umalis ng walang paalam unless kasama ko yung unggoy, meaning si Tanner.

            "Thank you for inviting me on your birthday," sabi ni Tanner. Nasa biyahe kami papunta sa pension house na tutuluyan namin habang nandito kami sa Jeju Island.

            "Sinabihan ba kitang sumama ka? Isa pa, wala lang naman akong choice kaya kailangan kasama ka." Kunwari ay inirapan ko siya na para bang ayokong nakikita siya kahit na ang totoo, presensiya niya lang naman ang kailangan ko para makumpleto ang birthday ko.

Hindi ko na rin maintindihan kung bakit hindi ko magawang aminin sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Hindi ko alam kung dala ng hiya o nasanay na lang ako na hindi nagiging totoo sa nararamdaman ko pagdating sa kanya.

Kumunot ang noo niya bago ibinaling ang tingin kay Yuji na umiwas na ng tingin sa amin matapos sigurong marinig ang naging usapan naming dalawa. "Pero ang sabi ni Yuji, siya ang pinag-ayos mo ng mga kakailanganin natin. He asked you kung tayong dalawa lang ba ang pupunta ng Jeju pero sabi mo kasama sila."

            My gaze went to Yuji who happens to be seating on the row behind us. Si Shing kasi ang nagdadrive ng van at katabi niya si Lei. Kaming dalawa ni Tanner ang nakaupo sa likod ng driver's seat. Anya and Yuji are together seating behind us at solo sa last row si Duyi na mahimbing na natutulog. Rinig na rinig ko yung hilik niya mula sa kinauupuan ko.

I think I should start working with their loyalties. Inirapan ko si Yuji who later on showed me a peace sign. Kalalakeng tao pero ang daldal.

"I'm offering you a truce. Ayoko namang mabad trip sa araw ng birthday ko."

Nagkibit-balikat lang siya pero nakita kong napangiti siya. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa tanawin sa labas ng bintana. I need to be in good terms with them if I want to know the things about the triad. Sa kanila ko lang naman makukuha ang sagot na kailangan ko. I have to endure this for a while.

When we reached the pension house, natigilan ako nang makita ang architectural facade ng bahay. I abruptly turned to Tanner whom I caught staring at me too as if he's weighing my reaction.

"Seriously?" I asked him.

Nagkibit-balikat siya at naunang maglakad paakyat sa pension house. When we reached the door, he didn't enter the passcode. Instead, he stared at me.

"Bakit?"

"Try punching the code,"

Napakunot ang noo ko, "are you kidding me? How the hell would I know what the code is?"

"Make a guess. It won't hurt," he sat down on the pavement beside the door. Napalingon ako sa mga kasama naming naglalakad na palapit sa amin. They're carrying our stuffs and looking at their faces, it must be heavy.

"Faster Dee. They're coming. You wouldn't want them to carry our luggage for long."

My mind totally went in panic. Ayokong pahirapan sila dahil mukhang mabigat ang mga dala-dala nila. I started punching numbers which I know significant to Tanner. I punched his birthday, favorite number, highest grade, former cellphone number and many more but the door still hasn't opened!

Thrust Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon