29th Blow

2.9K 61 1
                                    

Author's Note: 2020 never failed to break so many hearts. Sunod-sunod na nawawala yung mga taong nagbibigay saya sa karamihan.

I can only hope and pray for 2021 to offer us a new beginning.

Thrust Me Harder song of the day: Too Good To Say Goodbye by Bruno Mars

--------

Matapos ang ilang araw na pahinga, bumalik na ako sa opisina since marami akong kailangang ayusin para sa araw na iyon. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa pinto ng department namin, ang mga mapanghusgang mata ng mga chismoso at chismosa sa opisina ang bumungad sa akin. Jionni's "joke" became the news of the entire floor. Everyone's thinking that I'm pregnant and that he's the culprit of the growing seed on my womb.

How I wish it was true though. Pagkatapos ng lahat ng mga narealize ko last week, mas gusto kong magkaayos na kaming dalawa ngayon din.

Since his last visit on my place, hindi na ulit siya nagparamdam. I don't know what happened to him. Hindi na rin ako nag-atubiling alamin pa kung anong nangyari sa kanya because from what I know, for sure he's slacking off somewhere in the metro.

Nang mapadaan ako sa desk ni Jionni, I noticed that it was vacant.

"Absent si Jionni?" I asked Leah who happens to be settling on her cubicle close to Jionni's.

She looked surprised seeing me in the office, "ma'am akala ko hindi kayo papasok?"

"Bakit naman hindi ako papasok? It's monday and I'm doing fine already."

"Eh kasi po nagleave si Jionni. Akala ko lang magkasama kayong dalawa ngayong araw."

"Kapag absent si Jionni, kailangan absent din ako? That's absurd."

"Eh kasi ma'am 'di ba? Birthday ni Jionni ngayong araw?"

What? Ngayong araw ang birthday niya? Pati ba birthday niya iniba na niya?

I fished out my phone from my pocket and checked the calendar. Today's December 8. Bukas pa ang birthday ni Tanner.

"Are you sure that it's his birthday today? 'Yun ang nakalagay sa data niya dito sa office?"

"Oo naman ma'am! Nakakapagtaka ka ma'am ha? Bilang girlfriend, nakakagulat na hindi mo alam ang birthday niya when in fact, halos lahat ata ng babaeng may gusto sa kanya, alam ang birthday niya." Natatawa-tawang sagot ni Leah sa tanong ko.

Hell! Contact number niya nga hindi ko alam, yung mga kalokohang sinulat niya pa kaya sa resume?

"Oh, I remember na. Nasanay kasi kaming nagcecelebrate ng weekend dahil ayaw naming masagasaan ang mga trabaho namin kaya hindi ko maalala yung eksaktong araw ng birthday niya."

It's partly true though. We never really celebrated his birthday before on the day itself. Lagi naming inaadjust yun sa weekend since nagpapart-time job ako after class at weekend lang ang bakanteng oras ko.

"Hay nako ma'am. May plano na po ba kayo mamaya pagkatapos ng trabaho?"

"Wala. Maybe we'll eat out later." Palusot ko na lang kahit pa wala naman talaga kaming plano na dalawa. Hindi pa nga siya umaamin sa akin eh.

"Eh kasi ma'am, naghanda ng party yung mga babaeng may gusto kay Jionni ang kaso, ayaw pumunta ni Jionni." Nakayukong sabi ni Leah dahil nagsusulat siya sa notebook niya.

"And your point is?"

Biglang lumingon sa akin si Leah at hinawakan ang magkabilang kamay ko bago nagsalita, "tulungan mo kaming kumbinsihin na pumunta siya sa party na hinanda namin para sa kanya!"

Thrust Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon