58th Blow

1.9K 58 4
                                    

Author's Note: Had to post this before wine and cheese makes me sleep.

Thrust Me Harder song of the day: First Snow by Sandara Park & Park Bom

--------

After that short and unexpected reunion with Papa, hindi ako magawang dalhin ng mga paa ko pabalik kay Jionni. Maling puntahan ko siya pagkatapos kong makita si Papa. It just feels so wrong.

I admit, seeing Papa after a long time is something I never envisioned in the future. Matagal ko nang kinalimutan ang patungkol kay Papa. When he left me and did no effort in seeing me, pinili ko na ring kalimutan siya. When I meant by effort, kahit man lang sana sa sulat, nagawa niyang magparamdam sa akin. Sana man lang sa simpleng pag-iiwan ng notes, naiparamdam naiisip niyang may anak pa siyang naiwan.

Pero sa kabila ng mga nagawa niya noon, nang masilayan ko siya ulit kanina pagkalipas ng mahabang panahon, biglang natunaw yung pader na binuo ko sa sarili ko. All it takes is one word.








"Pa..."

"Sorry anak. Patawarin mo ko kung iniwan kitang mag-isa noon. Hindi ko gustong iwan ka. Kinailangan kong iwan ka para masiguro kong ligtas ka. Hinahabol nila ako. Hindi sila titigil hanggat hindi ako nakakapagbayad sa mga utang ko sa kanila."

"Pa, hindi mo na kailangang magtago. Okay na lahat. Inayos na ni Tanner ang lahat."

Hinawakan ni Papa ang kamay ko at umiling. "Nak, hindi mo naiintindihan. Hindi patungkol sa pera ang utang ko sa kanila."

"Pero pa... Paano naman ako? Lalayo ka na naman ba?"

"Wala akong magagawa anak. Kailangan kong gawin para sa'yo."

"May magagawa ka pa! May magagawa ka! Ayaw mo lang talaga!" Hindi ko na napigilang umiyak sa harap niya. Binali ko na naman yung pangako ko sa sarili kong hindi ako iiyak sa harapan niya at kahit kailan, hindi ko ipapakitang mahina ako sa harap niya.

"Deeleyna..."

"I'm tired of bullsh*ts Pa! I've dealt with enough bullsh*ts my entire life! Half of my life, wala ka. Iniwan mo ko at hindi na nagparamdam pa mula noon. I even thought you're already dead since I heard nothing from you! Kung pinaliwanag mo sa akin noon, maiintindihan ko naman. Maiintindihan ko Pa!" I cried even harder when I saw guilt on his eyes. "Hindi ko pipiliting makasama ka kung pinaalam mo sa akin yung sitwasyon. Sana pinaunawa mo na lang sa akin para hindi ako mukhang tanga na nag-iisip kung nasa maayos kang kalagayan kahit na iniwan mo ko sa mga pinagkakautangan mo. Halos mabaliw ako sa kakaisip kung paano ko babayaran yung mga utang na iniwan mo. Kahit na nag-aaral ako noon, nagtatrabaho ako para unti-unting mabayaran yung mga utang mo. Iniwan mo kong nag-iisa noon."

"Patawarin mo ko anak." He begged.

What's the sense of him asking for my forgiveness? Mababawi na nun lahat ng hirap na pinagdaanan ko? Would a single apology make everything better?

"I-I don't know."

Those were only words I managed to tell him before I left him there.








Ngayong nahimasmasan na ako, naramdaman kong hindi naman talaga ako galit sa kanya. Nadala lang ako ng emosyon ko. Kahit naman anong gawin ko, kahit pagbali-baliktarin ko ang mundo, siya pa rin ang tatay ko at anak niya pa rin ako.

Thrust Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon