55th Blow

2.6K 66 6
                                    

Author's Note: Advance Happy New Year everyone! I hope that despite the challenges we had gone through this year, may our hearts be filled with hope and look forward for good things 2021 has to offer.

Let's leave all the bad and negative things behind and start a new.

Thrust Me Harder song of the day: Eyes Don't Lie by Shane Filan (Official Theme song of Thrust Me Harder)

--------

Pagkatapos ng ilang oras nang pakikipagdebate sa mountain master, pinayagan niya rin akong umuwi ng Pilipinas. Hindi naging madali yung pangungumbinsi ko sa kanyang payagan akong umuwi dito. Sa dami ng napag-usapan namin sa loob ng kwartong 'yun, akala ko mauubos ang isang linggong hiningi ko doon sa loob.

"Ah! This is freedom!" Malakas na sigaw ko nang makalabas kami ng airport. Kahit na nakakapaso ang init dito sa Pilipinas, nakakamiss din pala yung ganitong klase ng panahon. Lagi na lang kasi akong nasa kwarto na mas malamig pa ang temperatura sa Himalayas.

"Kung tinutulungan mo kaya ako dito sa bagahe mo kaysa sa sumisigaw ka diyan sa kainitan ng tirik na araw?" Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang nakabusangot na mukha ni Jionni habang buhat-buhat yung bagahe naming dalawa. Somehow, I managed to bring him with me. I used the excuse of "eherm" him being my security even if in reality, may iba akong motibo kung bakit ko siya sinama dito.

Pero 'tong kasama ko, kanina pa pinaparamdam sa akin na ayaw niya akong kasama. Magmula noong nagkita kami sa airport hanggang sa eroplano, hindi ako kinibo ng isang 'to kahit pa ako na ang nag-iinitiate ng usapan. Kaysa naman magmukha akong tanga kakasalita habang kasama ko siya, I gave him a break and focused my attention on other things.

Napalabi ako sa sinabi niya. "Why are you being rude to me? Kanina ka pa ah! Inaano ka ba?"

"I didn't question you when you were being rude to me." He simply answered back.

Kainis! He got me there!

Imbes na sagutin siya, tinalikuran ko na lang siya. Mula sa kinatatayuan namin, natanaw ko si Noelle na papalapit sa amin.

"BAKLA!" Malakas na sigaw niya nang makita ako. Tumakbo siya palapit sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. "Namiss kitang bakla ka!"

I looked around and saw the curious faces of the people around us as Noelle hugs me. Nang kumalas sa akin si Noelle, binatukan ko siya. "Bakla ka, huwag mong ipagsigawang bakla ako. Napapagkamalan akong bakla ng mga tao dito."

"Ay sorry naman. Nakakamiss ka kasi. Wala ka rin kasi talagang paramdam kapag walang ganap. Nakakatampo ka." Nakalabing angal ni Noelle.

Hindi ko na siya sinagot. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin sa kanya na dahil sa triad kaya hindi ko siya nakakausap.

However, her gaze went to Jionni who had worn his sunglasses while eyeing us.

Kailan pa siya naging hot kapag nakashades?! Why does he looked like a fvckable model while looking at us?!

"Girl, bakit kasama mo 'yan?" Nginuso ni Noelle si Jionni.

"Nagpakasal kami sa Las Vegas," simpleng sagot ko sa kanya na ipinanlaki ng mga mata niya.

"SERYOSO KA TENG?!" Malakas na sigaw niya.

"God, no! You're unbelievable! Syempre hindi kami nagpakasal sa Las Vegas! Sa Jeju kami nagpakasal."

"DEELEYNA!!" Inis na inis na sigaw niya. Nagkibit-balikat lang ako sa kanya bago tumagos ang tingin ko sa lalakeng nasa likuran niya.

Bakit naman kaya si Miggy ang kasama nito at hindi si Jacksenn? Nagbago na ba ang ihip ng hangin dito sa Pilipinas?

Thrust Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon