chapter 27 - revealed

Start from the beginning
                                    

Umiling lang ako at tumawa ng mahina.

"Weird mo nga talaga"

"Pero bakit nga? Sabihan mo na ako. May kinalaman ba to kina Sunny at Rain? You know I was shocked too dahil hindi ko akalaing magiging ama ng isang Sunny Meguera ang isang Rain Castillo. They really do are meant to be no? Hindi lang sa pangalan" tumango naman ako ng dahan-dahan, "So why? Naapektuhan ka ba?" Agad akong umiling.

"Hindi naman sa ganun. Parang nagiguilty lang ako. Nanghula lang kasi ako noon na baka ama ni Cloud si Thunder eh. Hindi ko inisip na masasaktan si Thunder pag sinabi ko yun" sagot ko sakanya.

"Ofcourse he is. Sa lahat kasi ng tao sa paligid nya, sayo pa nanggaling"

Mas lalo naman akong nagguilty dun. Ano pang maitutulong nya sakin ha?!

"Pero you know what? Ang cute ni Thunder no?!" Hindi ko alam kung anong irereact ko sakanya. Bigla-bigla ba naman yun sasabihin.

"Huh?"

"Hindi kasi! Akalain mo yun... Playboy sya noon, ang daming naging jowa... pero kahit isang smack lang sa lips, hindi nya pa naggawa sakanila. Hindi sya yung tipong playboy na ibibigay ang katawan sa iba... More like playboy na masakit jowain. Dahil wala pang ilang minuto, maya-maya'y magbebreak na kayo. You know kung saan nya nakuha ang first kiss nya??"

"Teka lang... Akala ko ba sa showbiz lang kayo nagkakilala?"

"I told you I'm a curious person at walang sekretong hindi masasabi sakin. He told me everything"

"Kasali ba ako?" Tanong ko, "H-Hindi naman sa nagfefeeling ako—"

"Of course. Almost tungkol sayo ang mga kinukwento nya sakin" sabi nya kaya agad akong napahawak ng pisngi.

"Yiieee kilig kilig!" Binangga nya ang balikat ko kaya inirapan ko sya.

"Ano ba!" Inis kong sabi sakanya pero hindi ko rin mapigilang ngumiti.

"Aweee flustered! Pero seryoso ako ah. Mahal ka nun" namula ulit ako at pinakalma yung utak ko.

"Hindi ko lang kasi akalaing sa lahat ng babaeng magaganda, ako pa ang naging jowa nya. Hindi kaya ginayuma ko sya noon or something?" Tanong ko kaya biglang napatawa.

"Seriously!? Ikaw pa talaga ang nagsabi nyan?! Believe me or not, sya ang palagi ang naghahabol sayo. Ikaw naman tong hard to get na literally hard. Ikaw yung tipong babae noon na napakaimposibleng mainlove sa lalaki" sagot nya habang nakatinghala pa.

Hindi ko talaga maintindihan ang ugali at characteristic ko noon eh. Kung hindi ako nagkacrush kay Thunder noon, eh bakit sa isang tingin ko lang sakanya, crush ko na agad sya? Na kahit kamukhang kamukha nya si Rafael, nasakanya parin tumitibok ng mabilis ang puso ko.

Ang weird ng mundo... Pero mas weird ang pag-ibig. Ang swerte ko kaya noon dahil naging kami ng Thunder na yun? Uwaaaah gusto ko na talagang maalala lahat!

"I have a task for you" nakangisi nyang sabi at lumapit sa tenga ko para bumulong, "When Thunder's not looking, kunin mo ang phone nya at pumunta ng gallery. I'm sure it would help" sabi nya bago tumayo at nag-unat.

Seryoso yun? Ano namang makikita ko sa phone na yun?

-

Nakahalumbaba ako habang tinitigan si Rafael na busy sa paglamon ng dalang pagkain namin galing sa resto na pinuntahan namin. Hindi rin naman kasi namin sya maisama eh dahil ayokong magkaruon ng dalawang mukha doon. Kaya ito.. Nagtatampo nanaman dahil naiwan ulit sya dito sa condo.

"Tay, sorry na kasi" sabi ko sakanya habang hinimas himas ang hita nya sa baba ng mesa.

"Kumakain ako, maya na" sabi nya at hindi ulit ako pinansin.

[✔] BOOK II : The Love CollidesWhere stories live. Discover now