"Masama ang pakiramdam ko, sa ibang araw nalang." Tinalikuran ko na siya at umakyat na sa itaas.

Akala ko'y doon na 'yon natatapos pero mali ako, sumunod pa siya hanggang sa kwarto ko. Sinamaan ko siya ng tingin nang lingunin niya ako.

"Get out Calix." Iyon kaagad ang sinabi ko nang subukan niyang lumapit ulit sa akin.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko! Ni hindi ko alam kung bakit napakabilis magbago ng mood ko, kanina...parang naiintindihan ko pa na may ganito kaming pinagdadaanan pero ngayon na nakita ko siya? Parang nabuhay ang kakaibang inis sa akin.

"Why? Ayaw mo ba akong makita?"

Imbes na bumigay ay mas lalo pa akong nainis sa pagmumukha niya, parang ano...gusto ko siyang paalisin at itaboy, gusto ko siyang sabunutan at kurutin hanggang sa mamula ang kanyang balat. Nanggigigil ako sa inis!

"Umalis kana nga."

"Hindi ako aalis, maguusap nga tayo,"  pagpupumilit niya.

Mariin akong pumikit saka siya tinignan. "Bakit ba ang kulit mo?"

"Makulit na ako dahil lang gusto kitang makausap?" nagsisimula na siyang mainis, nababakasan ko 'yon sa kanyang boses at pananalita.

"Wow ha? Sa pagkakatanda ko...ako ang naiinis sa 'yo pero anong nangyari at ikaw naman ngayon ang naiinis? When did the tables turn?" sarkastiko akong natawa, pinagkrus ko ang parehong braso.

Bumuntong hininga siya saka iniwas ang tingin sa akin. Sa gano'ng paraan niya pinipigilan ang inis.

"I'm sorry Kesh."

"Calix, wala ako sa mood, siguro bumalik ka nalang sa ibang araw." Pumasok na ako sa walk in closet para mamili ng isusuot, aalis nalang ako.

Kailangan kong pumunta ng hospital, may nabubuo ng ideya sa isip ko pero kailangan ko ng kumpirmasyon at kasiguruduhan. Natatakot ako at kinakabahan, pero kung tama man ako...hindi ko alam ang gagawin ko.

"Talk to me, Kesh." si Calix, na nasa gilid ko.

"I told you, wala ako sa mood."

"Just hear me out."

"No."

"Kesh—"

"Calix break na tayo." Hindi ko na naisip ang lumabas na 'yon sa bibig ko pero huli na rin para mabawi ko dahil nasabi ko na.

Natigilan siya at hindi nakapagsalita. Tumitig siya sa akin at paulit ulit na lumunok.

"You're breaking up with me?"

Hindi ako sumagot.

"Kesh, you're not breaking up with me right?" tanong niya, nasa harapan ko na siya ngayon. He even held both of my hands pero kaagad ko rin 'yong binawi sa kanya.

"Calix, just go, wala talaga ako sa mood."

"Fine, I'll go, pero hindi ako makikipaghiwalay sa 'yo."

"Bakit? Ayaw mo no'n? Para magkasama na kayo ni Issabel mo? Para wala ng manggugulo sa inyo?"

Natigilan na naman siya. "Issabel is just a friend of mine, Kesh."

"Sabihin mo 'yan sa akin kapag nasa mood na ako." Tinalikuran ko na siya, pumasok ako sa banyo dala dala 'yong damit na napili kong isuot.

Akala ko, paglabas ko, wala na siya, pero sa maraming pagkakataon, mali na naman ako.

Nang makita ako ay agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa kama ko at lumapit sa akin. "Aalis ka?" tanong niya.

Tumango ako at kinuha na ang bag ko sa ibabaw ng lamesa. "Umalis kana Calix," ulit ko.

"Where are you going?"

"Why do you want to know?"

"Kasi may pakialam ako," agap niya.

Tumaas ang isa kong kilay. "Talaga? May pake ka?"

"Oo naman."

"Kung gano'n, bakit wala kang ginawa kagabi? Bakit hinayaan mo lang ako? Hindi ka manlang nagtext o tumawag?" sunod sunod kong tanong.

"I'm sorry, I was in a bad mood last night."

"Kahit na, you should have told me," histerya ko na para bang may mangyayari pa kung gano'n nga ang ginawa niya kagabi.

"I know, I'm sorry, ayoko lang mastress ka pa, I know how busy you are with your work, ayoko ng dumagdag pa roon."

"Alam mo ba kung gaano karami ang niluha ko kagabi ha? Akala ko wala kang pakialam sa akin." Nagsisimula na akong maging emosyonal.

Shit! Ito 'yong ayoko e, 'yong umiyak sa harap niya!

"I know baby, I'm sorry," aniya saka lumapit sa akin, niyakap niya ako ng mahigpit.

Dahil lang doon, ang inis na nararamdaman ko ay biglang napawi. Napalitan 'yon ng saya.

"Stop crying, I don't wanna see you cry please." Mas lalo niya akong ikinulong gamit ang mga bisig niya. Hinaplos niya rin ang ulunan ko at paulit ulit 'yong hinalikan. I heard him whispered I'm sorry for so many times.

"Bakit muna nandoon si Issabel kagabi?" nakanguso kong tanong habang nasa ganoong posisyon pa rin.

Ngumiwi siya saka ako pinaghahalikan sa mukha. Hinampas ko siya dahil doon.

"Huwag mo 'kong daanin sa ganyan, sagutin mo ang tanong ko," masungit kong sinabi.

"It's about business, wala ka rin namang maiintindihan doon," kaswal niyang sagot.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Talaga ba?"

Mabilis siyang tumango at ngumiti. "Yes, so believe me okay?"

"Kapag talaga ikaw, nahuli ko na may ibang babae, wala ng sabi sabi, diretso break agad," banta ko.

Sunod sunod siyang napalunok. "You're scaring me," bulong niya bago ulit ako niyakap.

Lihim akong natawa dahil mukhang natakot talaga siya sa banta ko.Tiklop eh! Ano ka ngayon ha?

Inismiran ko siya. "Dapat lang na matakot ka."

"I love you Kesh..."

"I hate you," sagot ko sabay hagikgik.

Naramdaman ko siyang umiling iling. "Really?" sinilip niya ang mukha ko, binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.

"What?" kunwaring tanong ko, kahit pa alam ko na kung anong ibig sabihin no'n.

"I miss you," malambing niyang tugon.

"Talaga ba? Baka naman miss mo lang ako kasi tigang ka?"

Nanlaki ang mata niya, agad niyang tinakpan ang bibig ko. Natawa pa ako ng marinig siyang magmura ng paulit ulit.

"You and your mouth!" naiiling bagaman natatawa niyang aniya.

~to be continued~

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Where stories live. Discover now