"Yes, Sir."

"Are you a fan of Pyotr Ilyich Tchaikovsky?"

Tumango ako.

"Good. Then perhaps you can play the Sleeping Beauty Waltz." It came as an order rather than a question. Tumango ulit ako. Ang nasa isip ko'y mga mahihirap na piece gaya ng Moonlight Sonata III of Bethooven o di kaya'y S.141 , in A minor. VI. Of Grandes Etudes de Paganini.

"I'm expecting a lot from you, Mallory."

The dinner continued with a light chat. Ibang-iba siya sa Sir Monterio sa nakita ko noong isang araw. He really looked powerful to do anything with just one lift of his finger. Now I'm getting all nervous of the idea of performing in front of him and his elite visitors.

Nang makarating ako sa bahay ay ikinuwento ko kaagad kay Mama ang nangyari. Even my stepfather is discreetly listening to our conversation, pretending to read the newspaper.

"Well... that's great." Bumuntong-hininga si Mama. "Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo. I couldn't stop worrying."

I clutched her hands and squeezed it. "I'm sorry, Mama."

She nodded at me. "You'll just need to practice and make sure that you get out of the mansion alive the next time."

I didn't answered. I can't tell if she's joking or not.

---

The next day, my mother told me to go home early para makapag-practice kami. We only have three days left until the party. Pinag-igihan ko ang pag-eensayo para naman hindi ako mapahiya sa mga Monterio.

Sa ikalawang araw ng pag-eensayo ko ay kumalat na sa buong paaralan ang welcome party ng mga Monterio at ang personal na pag-iimbita nila sa akin. My classmates keep on asking me questions about the mysterious family.

"Diba sa kanila yung rice field?"

"Pati yung grapes plantation? Sa BUDA?"

"May anak daw si Don Sebastian? Diba patay na yun?"

Ngiti lang ang isinagot ko sa kanila at iniwasan ko sila hangga't sa makakaya ko. Kung tutuusin ay dapat hindi ko nakita ang mga nakita ko. Hindi ko maaaring sabihin sa kanila ang mga nalalaman ko.

"Mallory!" biglang hinigit ni Sierra ang kamay ko habang naglalakad ako papalabas ng gate. Alanganin kong tiningnan ang kaibigan ko. "Totoo ba yun?" tanong niya kaagad sa akin. She searched for my eyes. "Imbitado ka sa handaan ng mga Monterio?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Magp-perform lang naman ako doon, Sierra eh."

"Ang sabi mo hindi mo kilala ang mga Monterio tapos biglang imbitado ka!" pinaningkitan niya ako ng mata. "May hindi ka ba sinasabi sa akin, Mallory?"

Ngumuso ako. "I can't tell you."

Tinitigan niya ako nang matagal bago siya bumuntong-hininga. "Fine. Hindi ko rin naman pipilitin, eh. Basta Mallory, mag-iingat ka ah?"

Tumango ako at tipid na ngumiti. "Salamat, Sierra."

"O, tara. Sabay na tayong umuwi?"

"Sige."

Katulad nang nakagawian, ako nalang mag-isa ang nagtungo sa gubat nang makauwi na si Sierra sa kanila. Nasa bayan kasi ang kanilang bahay samantalang sa amin ay nasa loob pa. The dried leaves crunched under my black school shoes. Malayo pa lang ay tanaw ko na kaagad ang engrandeng mansiyon ng mga Monterio.

Kahit pinagbabawalan ako ni Mama ay dito pa rin ako dumaraan papuntang eskwelahan at pabalik ng bahay. Bukod sa shortcut ang daanang ito, hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na masilayan ang mansiyon. Ang ganda ng lumang mansiyon nila. Nakaka-akit talaga.

The Billionaire's SonWhere stories live. Discover now