E P I S O D E 1 3 - G U Y

Start from the beginning
                                    

"K, bye!" I waved my hand making myself out of the awkward situation but to my surprise, she grabbed my waving hand and my nape. That was so fast, I just felt my lips on hers. Mabilis ko siyang tinulak. "Dude, what the fuck?!" I pushed her once more, tumama ang likod niya pinto. Wala sa itsura niya ang pagsisisi sa ginawa.

Umalis na ako at pinunasan ang labi ko using the back of my hand. Who does she think she is? What was she trying to do? The fuck!

AKALESHA's POV

"Bakit hindi mo sinabi?" nahihiyang tanong sa akin ni Macy paglabas ko sa locker room, nagpalit ako nang damit. Gabi na at tapos na ang trabaho. Naunang umalis si Clyde dahil hinahanap na siya nang tatay niya.

"Ang alin?" tanong ko naman. Yumuko ako para ayusin ang damit kong bahagyang nakataas. Nang mag-angat ako nang tingin ay bigla niyang kinuha ang magkabilang kamay ko. Malambot ang kamay niya. Nagugulat na tumingin ako roon pagkatapos ay sa kaniya.

"Sana patawarin mo ako sa mga salitang binitawan ko, kahit ano gagawin ko mapatawad mo lang ako. Tama ka, ginawa ko lang iyon dahil nagseselos ako sayo. Alam mo kasi, simula nang magtrabaho ako rito ay si Clyde na ang palaging kong kasama at napakabuti niyang tao. Pinakikinggan niya lahat ng mga hinaing ko tuwing napapagalitan ako no'ng boss namin dati, noong hindi pa si sir Kris ang may-ari ng Sunshine's. Dinadamayan niya ako, kaya naman ng dumating ka at nagpakita siya nang interes sayo nagsimula na kitang sungitan. Patawarin mo sana ako, Akalesha" sinserong kuwento naman niya. Sana kasi sinabi niya kaagad. Edi sana mas maaga kaming nagkaayos, crush ko pa naman siya no'ng una. Bahagyang humigpit ang paghawak niya sa kamay ko.

"Ano kaba! Ayos lang iyon, hindi mo naman alam eh" ngiti ko sa kaniya. Ngumiti rin siya ngunit emosyonal ang isang iyon. Ganoon niya kamahal si Clyde? Sa bagay, mabuting tao naman talaga si Clyde. Kaya madali ko siyang naging kaibigan.

"Mabuti ka talaga gaya nang sabi ni Clyde, puwede ba kitang tawaging Aki?" nakangiting tanong naman nito, tumango naman ako nangingiti at nagugustuhan ang ginagawa niya sa kamay ko. Ay kilegs! Ang swerte naman ni Clyde. Mas gwapo pa nga ako sa kaniya. "Alam mo ba hindi ako makapaniwala nang sabihin mong tomboy ka, kasi sobrang ganda mo! Pero halatang-halata naman sa galaw mo, pasensya na talaga Aki ah? Sobra-sobra ang mga pinagsasasabi ko sayo. Nagugustuhan na tuloy kita, puwede ba kitang maging-"

"YOW WHAT THE FUCK!" OA na sigaw ng isang pamilyar na boses saka ko naramdaman ang brasong kumabig sa leeg ko paatras. Napabitaw sa kamay ko si Macy sa gulat. Mukha tuloy akong hostage ng abnormal na 'to. Sino pa ba? Edi si Kreit. "What is this?! I heard what you're talking about, this guy right here..." tinuro niya ako, hindi pa nakuntento at pinindot pa ang pisngi ko. "This guy is my guy, she's off limits" mukha siyang tanga na galit na galit sa mundo at halos lumabas ang eyeball niya sa panlalaki nito. Hindi ko alam kung pilit ang galit na ipinapakita niya o talagang abnormal din siya kung magalit.

"Ah sino po kayo?" nahihiyang tanong ni Macy na tumingin muna sa akin bago kay Kreit. Naiinis na pilit ko namang kinukuha ang braso niya, tinatanggal sa pagkakayakap sa leeg ko.

"Ano bang ginagawa mo?! Alisin mo nga! Nababaliw kana naman" reklamo ko, hindi parin sumusuko sa pagtatanggal sa braso niya. Masyado siyang malakas kaya naman binigla ko ngunit lalo niyang hinigpitan ang pagkakakapit sa leeg ko kaya naman napaatras ako sa kaniya. Dumikit ang likod ko sa dibdib niya at muntik niya pa akong masakal.

"Ah alis na po ako. S-sige, Aki!" nauutal na paalam ni Macy na hindi makatingin sa amin ni abno. Nagmadali pa siyang naglakad paalis. Napabuntong hininga ako, sinusundan siya nang tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Kainis naman eh! Bitin, ang lambot pa nang kamay niya.

Naiinis na tiningnan ko sa gilid ng mata ko ang abnu. Nakakunot ang noo niyang sinundan rin ng tingin ang umalis na si Macy. "What the fuck was that? Are seriously doing that with her? Akala ko titigil kana? Hindi ba last na si Hana?"

"Ano bang sinasabi mo?" napaisip tuloy ako sa mga sinabi niya. "Tsaka wala naman akong sinabing last na iyon? May pagka-imbentor ka rin nuh?" pang-aasar ko na sinamahan ko nang sarkasmo.

"Okay, you didn't say that" mabilis na pagsang-ayon niya. "But that was fast, masyadong mabilis ang nangyari kanina! You should've take it seriously, consider it wisely! Think thrice!" nagtransform kaagad siya sa pagkagalit. Ganito ba talaga ang taong 'to kapag may pinapatawad? Kailangan patagalin muna? Mas magiging mahirap kapag pinatagal. Anong klaseng pag-iisip meron ang isang 'to? Oo nga pala, abonormal siya.

"Hindi ako katulad mo, okay? Tanggalin mo na 'yong kamay mo!" utos ko, sinampal sampal ko pa ang braso niya ngunit naramdaman kong lumingon siya sa akin at hindi man lang ininda ang ginawa ko. Nilakasan ko naman ng kaunti ah?

"I know we're different but that was fast of you. Nag-aalala lang ako, what if it's not worth it? Think about it for a month!" pilit niya pa, hindi nagpapatalo. Hinampas ko ulit ang braso niya, malakas na malakas. "Ouch! Stop hitting me!"

"Salamat sa pag-aalala, ah? Kahit hindi ko kailangan, alisin mo na braso mo!" nawawalan na talaga ako nang pasenya.

"You need it! Kanina mo pa ako ginagalit! Nakakainis kana" siya naman ngayon ang biglang nainis. Dapat ako ang naiinis at nagagalit sa kaniya dahil sa pinaggagagawa niya. Hindi na ako nagsalita, hindi matatapos ang argumento kung ganito ang kaaway mo. Ang daming satsat at dahilan. Binigla ko ang pagtatanggal sa braso niya ngunit hindi man lang siya natinag.

"Alam mo bang dalawang beses mo kong ginalit ngayong araw? Just do what I want and I won't be mad. I promise! Don't answer her!" pakiusap niya. Ano bang klaseng utak meron ang isang 'to? Siya nga ang may trabaho tapos siya ang ganto kung mag-isip. Vice president pa siya sa lagay na 'to ah.

"Nag-abala ka pang magalit" wala na akong masabi.

Ano bang ikinagagalit ng isang ito? Binigla ko ulit ang pag-alis sa braso niya ngunit masyado siyang malakas, dalawang kamay na ang gamit ko. "Ano ba?!" nawawalan na ako sa nang pasensya, nilingon ko na siya.

Doble ang kaba ang naramdaman ko nang magtama ang paningin namin. Ang nakakunot niyang noo at matalim niyang tingin ay dahan-dahang napawi. Napahigpit ang kapit ko sa braso niya habang patagilid na nakatingala sa kaniya. Kumurap-kurap, biglang hindi mapakali kung saan titingin ang mata niya. Lumunok pa siya hanggang sa pumirmi ang nalilitong mata sa mata ko pababa sa labi ko. Tripleng higpit ang ginawa ko sa braso niya nang unti-unti siyang yumuko papalapit at doon ko hinaklit ang braso niya. "Fuck!" daing niya.

Nagtagumpay naman ako. "Bye!" nagtatakbong umalis ako hanggang sa makalabas ako nang Sunshine's.

to be continued...

PEARL OF A TOMBOYWhere stories live. Discover now