E P I S O D E 1 - C O U S I N

2.6K 45 17
                                    

Chapter 1

AKALESHA's POV

Babae ako kapag kaharap ang mga kaibigan ko. Kaibigan ko lang, hindi bestfriend. Gusto ko naman talagang ipagkalat na ganito ako kaso kilala ang Daddy ko sa larangan ng business. Alam niyo iyon? Iyong puro bagsak na nga grades ko at puro kalokohan pa tapos malalaman pa nila na tomboy ang nag-iisang anak na babae niya? Hindi kasi sang-ayon si Daddy na ganito kaya hindi niya rin gustong pinagkakalat ko.

Hangga't kaya ko daw, itatago ko. Pili lang naman ang mga tao na nakakaalam na tomboy ako eh. Si Alesia at Shana, ang mga bestfriend ko na lokaret. Oo, babae sila at sinusuportahan nila ako sa kahit na ano. Sila pa nga nag-ayos sa akin ngayon eh.

Black dress ang suot at black stiletto rin. Nakalugay ang buhok na medyo kinulot sa ibaba. Mahaba na ang buhok ko kailangan ko nang ipagupit. Kahit naman na tomboy ako ay nagsusuot parin ako ng damit na pambabae, tinatago ko nga kasi kaya sanay na ako sa mga ganitong kaartehan. Hindi nga lang ako komportable minsan.

Pupunta kasi ako sa party ng crush ko na si Hana at napag-alaman ko na nandidiri raw sa mga tulad ko. Medyo masakit iyon para sa akin pero ayos lang. Crush ko parin siya. Ito ang unang beses na nagkagusto ako sa babae kaya naman todo support ang dalawang lokaret.

"Oh hey Akalesha! Enjoying the party?" bungad sakin ni Hana na sexyng sexy sa kaniyang suot, umupo siya sa tabi ko. Nagliliwanag siya sa ganda. Kahit hindi niya birthday ay mapapalingon talaga ang mga tao sa kaniya. Matamis pa siyang ngumiti. Ang ganda niya talaga!

"Oo naman! Happy Birthday! Sorry, ako lang yata ang walang gift sayo" nahihiyang saad ko sa kaniya. Feeling ko tuloy mas babae pa ako sa kaniya sa sobrang pagkagirly ng boses ko. Pansin ko kasi na bawat dumadating ay naglalapag ng regalo sa magarbong table malapit sa entrance.

Dito kasi ako nakaupo sa dulo malayo sa mga taong nababaliw sa tugtog at kumikislap-kislap na ilaw. Nakakarindi at mukhang nakakahilo. Kahit nandito ako sa dulo malapit sa entrada ay pansin ko rin ang paulit-ulit na pagseserve sa akin ng alak ng isang waiter. Hindi ko naman iniinom.

"It's okay! It is a gift na pumunta kana dito" sinserong saad nito na matamis na namang ngumiti. Ay kilegs!

Nakita kong may kinawayan siya sa likod ko at lalong lumapad ang ngiti niya kaya lalo pa siyang gumanda.

"May papakilala ako sayo!" natuwa naman ako nang hinawakan niya ang magkabila kong kamay na parang excited na bata. Kulang nalang ay tumalon siyan sa sobrang saya niya. Ang cute. Lalo na't matangkad ako ng kaunti sa kaniya.

Dinala niya ko sa lalaking nakangisi sa kaniya bago sakin. Matangkad ito na sabay pa kami napatingala ni Hana sa kaniya. Nakaformal black tuxedo ito. Bagay na bagay sa kaniya iyon. Inaamin ko na sobrang gwapo niya ngunit sa mata niya ay may kakaiba akong nababasa. Kamanyakan.

"Akalesha meet Kreit, cousin ko" kinikilig na pagpapakilala namin sa isa't isa. Unti-unting nawala ang ngiti, naramdaman ko ang trouble sa dibdib, pinamimigay niya ba ako? With this guy pa?

"Hi, nice to meet you" nakangiting pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa at pabalik. Kinagat niya muna ang ibabang labi niya bago inilahad ang kamay sa akin saka ngumiti ulit.

"Hi" ganti ko. Tumingin naman ako kay Hana na napapatalon-talon pa sa kilig habang hinihintay na magtagpo ang palad namin ng lalaking ito. Kinamayan ko siya, halos sakupin ng kamay ang buong kamay ko sa laki nito. Kukunin ko na sana ito nang pigain niya pa ito bago pakawalan. Nakunot ko ng bahagya ang noo ko.

"Iwan ko muna kayo ah? Enjoy!" nagpaalam na sa amin 'to na nag-iwan pa ng matamis na ngiti. Ibinuka ko pa ang bibig ko para sana magprotesta pero mabilis itong naglakad papalayo. Akmang susundan ko pa ito ngunit natigilan ko nang may kahalikan na kaagad itong lalaki. Ang bilis ah. Ay sakets!

PEARL OF A TOMBOYWhere stories live. Discover now