DEAR, KILLER (PLOT♥)

91.8K 2.7K 338
                                    

유♥웃
Dear, Killer

Una sa lahat, gusto ko magpasalamat sa pinadala mong love letter.
Alam mo bang, tumatalon ang puso ko sa KABA, nanginginig ang mga kamay ko sa TAKOT at kinikilig ako sa NERBYOS!

Dahil sa WAKAS- sumulat kana din sa akin! kay tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito.

Salamat pala sa Patay na Daga na pinadala mo sa akin, ang sweet-sweet mo talaga. wag ka mag-aalala paglalamayan namin siya mamayang gabi.
Pero sana Red ko, pag nagpadala ka ulit ng love letter, lagyan mo naman ng heart ang YOU'RE DEAD! para kiligin naman ako. Palitan mo rin ang I HATE YOU sa I LOVE YOU ok?
Wag ka rin masyado maglambing sa akin, baka mabasa ng parents ko ang I'LL KILL YOU na sinulat mo, strict pa naman sila.
Daan ka lang sa bahay ok? dala ka na rin ng kandila, para pagkatapos mo akong patayin, ipagtirik mo na rin ako para Romantic!♥

May nakalimutan pa ba ako? Oh! at saka I love you Red ko, mag date na lang tayo sa impyerno♥

Lubos na nagmamahal
Tippy

Posible kaya magkasundo ang puso ng dalawang taong may sayad?

Mai-inlove kaya ang isang KILLER sakanyang TRYING HARD STALKER?

__________________


IMPORTANT NOTE:

BE A SENSITIVE READER.

Ang lahat ng nakapaloob sa kwentong ito ay mula sa mahiwaga kong isip. Sa madaling salita, WALA AKONG KINOPYA. Ang anumang pagkakapareho ng pangalan, lugar at pangyayari-- pati na rin ang ibang linya-- sa totoong buhay o sa ibang istorya na nasa wattpad ay nagkataon lamang.

IWASAN MAGKOMENTO NANG IBANG STORY, O KARAKTER SA COMMENT BOX NG DEAR KILLER. KAHIT WALA KAYONG MASAMANG INTENSYON, RESPETO NALANG SA AKIN AT SA IBANG WATTPAD WRITERS.

Maraming salamat sa makakaunawa, at lumayas ang makikitid na utak.

Enjoy!

P.S. RAW VERSION. (UNEDITED)

-YENGKOY.

Dear KILLER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon