#53//: Young Master

Start from the beginning
                                    

"Chill! Ito naman minsan lang ako magseryoso eh." Tumayo ito saka may inabot sa loob ng coat nito. Isang litrato. Inabot niya saken.

Tinignan ko naman agad iyong inabot nito saken. Picture ni Eoreum.Stolen picture niya na nasa harap ng RP Building at nakatingin lang doon. Pakiramdam ko may kung anong pumitik sa dibdib ko sa nakita kong lungkot sa larawan na iyon.

"Guess who send that to me?"

Tinignan ko naman ito and wait for his next word.

"Hansel. Your rival."

"Why he send you this?"

Nagkibit-balikat lang ito. "I guess you have to make your recovery much quicker. Who knows what might happen to her thinking that you're gone for good."

Naikuyom ko ang mga kamao ko.

"Anyway don't tell anyone here about that photo. You know that its troublesome to face your Grandpa."

. . . Chazii POV . . .

"Congratulation Girls!" Bati samin ni Junki Oppa matapos ang ceremony ng moving up ceremony namin. Para siyang graduation, iyon lang wala pang toga. Kasi sa college pa iyon.

"Thank you Oppa!" Matinis na boses na naman ni Sarah ang umeksena.

"Wow may flowers kami!" Sabi naman ni Ange at inabot na ang bulaklak na hawak ni Oppa.

"So whats the plan?" Si Hansel. Oo nagbalik nung kailan pa iyang unggoy na iyan. So bakit siya andito? Volunteer Photographer daw siya eh. Edi wow.

"Syempre it calls for celebration. At dahil mayaman ka sagot mo na ang celebration." Sabat naman ULIT ni Sarah.

"Huh. Hoy Sarah akala ko ba planado mo na ang gagawin natin after ng ceremony? Bakit pinapasa mo kay Hansel?" Maja.

"Oo nga bunso. Pinaglaban mo pa nung nakaraan na may plano ka na." Luisa.

"May plano naman talaga ako." Nakangusong sabi nito.

"At ano ang plano mo? Sabihin mo na nga. Ayaw pa sabihin eh." Ange.

Lumapit ito kay Hansel saka yumakap sa braso nito. Jusko ang linta talaga. "Ang plano ko talaga si Hansel ang bahala sa celebration natin. Isn't amazing? Hahahaha." Proud na proud na sabi nito.

Lahat kami napa ganito ang mukha -_-. Like seriously?? Iyon na ang great plan na pinagmamayabang niya?

Nawala ang ngiti nito ng mapansin mga itsura namin. "Bakit di ba maganda ang plano ko? Ayaw niyo ba? Ayaw niyo na hindi na tayo gagastos? Kasi si Hansel na ang gagastos. Ayaw niyo ba iyon?"

"Huh?" Hansel.

"You mean di na kami gagastos? Iyon talaga ang plano mo?" Si Maja.

"Makakakapag-celebrate tayo ng hindi tayo gumagastos?" Luisa.

"Oo." Sarah.

Hay naku. Ang pangit ng plano ni Sarah at alam ko na hindi rin naman sang-ayon iyong tatlo kasi---

"Kyahhh! Amazing plan Sarah! Ang brilliant mo talaga!" Tuwang-tuwang sabi ni Ange at Maja. Maging si Luisa natuwa rin.

Ako naman napapoker face lang as usual. Sabagay libre na. Aangal pa ba kami? Hehehe. Ako man natutuwa talaga sa plano ni Sarah.

"Wait! Wait!" Apila ni Hansel.

"Bakit?" Sina Sarah, Ange, Maja at Luisa na tumingin ng masama kay Hansel.

Napakamot nalang si Hansel ng kilay nito. "Nevermind. Hahaha." Pilit na tawa na sabi nito.

So ang ending kumain kami sa isang fine dining restaurant na ginto ang presyo ng mga pagkain. Tapos nun ay nagyaya sa KTV Bar sina Sarah para magkantahan. So andito kami ngayon sa VIP room at nagwawala sa kantahan. Syempre sila lang nagwawala. Asa naman na makikisali ako sa kabaliwan nila. So para libangin ko ang sarili ko, heto ako nagpapapak ng pagkain. Pagkain nalang nagpapasaya saken eh.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Where stories live. Discover now