#51//: Choosing between Truth and Lies

Start from the beginning
                                    

Sa buong discussion ay kay Cha lang halos ang atensyon ko. Jusko. Ang kaibigan ko wala talaga sa sarili. Ilang beses siyang tinawag ng mga teacher namin pero wala siyang imik. Nakatingin lang siya sa labas ng binatana. Kaya ako nalang ang dahilan ng dahilan sa mga teachers namin. Kesyo sinasabi ko na side effect iyan ng iniinom niyang gamot ...

Lunch Break. Nilapitan ko si Cha para sana yayain na kumain kaso nag-excuse ito na mag-cr daw.

"Sige wait ka nalang namin sa cafeteria?" Tanong ko dito. Tumango lang ito bilang sagot. Napabuntong-hininga nalang ako pagbalik ko kina Ange, Maja at Karen.

"Di pa rin ba siya okay?" Tanong ni Karen na ang alam ay may sakit nga si Cha.

Wala kaming ibang sinabihan sa nangyari maliban kay Ange at Maja. Syempre hindi naman namin sinabi lahat. Ayaw rin kasi ni Luisa na pag-alalahanin pa iyong dalawa. Ang alam lang nila ay napag-utusan si Rouke na kumidnap ng mga magaganda at kami ay nadamay. Something like that lang ang kwento namin. Then dahil doon sa nangyari hindi na namin makikita si Rouke sa school.

"Hayan niyo na. Gagaling rin iyon." Nakangiti kong sabi.

"Nga pala. Nag-chat si Luisa na baka matagalan siya sa Baguio. Mukhang may balak na lumipat ang bruhang iyon. Ayaw pa sabihin agad." Nakalabing sabi ni Ange.

"Ano ka ba. Kailangan magmove on nung tao." Sabi naman ni Maja dito.

"Bakit? Ako rin naman nagmo-move on? Look? Isang buwan na rin kaming walang communication ni Baekho. See? Ako rin nagmomove on dito."

"Ako rin. Nagmomove on ako kay Pretty boy." Sabat naman ni Karen. Then tinuro pa ako nito. "Ikaw ba naka-move on ka na kay Red?"

Napakagat-labi naman ako. Speaking of that devil. Last week naka-receive ako ulit ng mail at flowers galing sa kanya. Though wala na akong balita sa kanya. Wala rin naman na kaming communication. Maliban doon sa one week na nasa ibang bansa ako due to personal matter. Pero dahil sa mga pinapadala niya na wala namang return address, naguguluhan ako sa kanya ngayon.

"Mabuti pa itong si Maja cool lang." Sabi ni Ange sabay hila sa buhok ni Maja.

"Teka san na ba si Cha? Nagugutom na ako." Biglang sabi ni Ange. Kahit kailan talaga walang patawad pagdating sa pagkain.

Nilibot ko naman ang tingin. San na ba napunta iyon? Naligaw na kaya? Tumayo ako saka nagpaalam muna kina Ange na hanapin ko si Cha. Bumalik ako sa room namin pero wala naman siya doon. Tinignan ko na rin ang mga CR sa bawat floor. Wala naman siya. Jusko pagod-paguran ang peg ko.

Nagpatuloy ako sa pag-a-I wonder sa campus hanggang sa nakita ko na rin siya sa wakas. Nakatayo siya doon sa harap ng gate ng RP Building. Nakatitig lang siya doon. Lumapit ako saka siya kinalabit.

"Cha... mmm... di ka pa ba nagugutom?"

"Akala ko kaya ko..." Sabi nito bigla.

"Huh? Ang alin? Ang hindi kumain? Nagugutom ka na ba?"

"Pero di pala..."

"Huh? Edi tara na kumain?"

"Naalala ko lang lalo siya..."

Napakunot-noo ako saka tumingin sa building na nasa harap namin. "Cha... siya na naman ba iniisip mo?"

Hindi ito sumagot. Kaya naman lumapit ako sa kanya at tinap ang likod niya. "Uwi na ba tayo? Kung nahihirapan ka rin lang dito then should we transfer school?" Seryosong tanong ko.

Huminga ito ng malalim. Nakikita ko na bahagya na namumula ang mata nito. Pati ako napabuga ng hininga. Naalala ko pa noon ng mamatay si Joshua, ganito rin si Cha nun. Sarili niya ang sinisisi niya. Mas malala nga lang ngayon kasi mahal na ni Cha iyong nawala eh. Alam at ramdam ko naman na mahal na mahal niya na si Leader. Kaya naman kahit anong mangyari todo alalay ako sa kanya. Malay niyo bigla nalang magpatiwakal ito.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Where stories live. Discover now