Chapter 11 - Nathaniel (Part II)

Magsimula sa umpisa
                                    

Pero mukhang hindi tumatalab ang sigaw ko dito at nangungulit pa rin.

"Tige na uya."



And then. I have a bright idea.. TINGGGG. May sound effect talaga

"Ayaw pumayag niyang ate mo, kaya ayoko." ayan. Iyang mabait mong ate ang kulitin mo. Tingnan ko lang kung makatanggi pa yan. Lumapit siya sa kanya.

"Ate, chige na. Sama na natin si uya wapo..." 



Binabawi ko na sinabi ko kanina. Gusto ko na itong batang to. Marunong magsabi ng totoo. Hindi ko tuloy maiwasan mapangiti habang nakikita na nahihirapan ang babaeng ito sa pagdedesisyon.

Hindi agad pumayag ang babaeng iyon. Pero hindi nagtagal ay hindi din nakatiis sa kakulitan nung bata. 

 "O, sige na. Isama na natin iyan." sa wakas ay sabi niya.

Anak ng...... Bakit parang ang saya ko at pumayag siya?

Hayyyyy, huwag na nga lang pansinin. Masaya lang ako at naisahan ko siya.

Lumapit sa akin si James. Nakakailang ah, parang sarili ko lang tinutukoy ko. Bakit kasi napakageneric na pangalan ang binigay sa akin eh. Ayan tuloy nakaharap ko pa ang isa sa kapangalan ko.

Hinawakan ni James ang kamay ko. Tapos sinenyasan niya ang babaeng iyon, hindi pa rin kasi siya lumalapit sa amin. Mukhang napipilitan talaga siyang isama ako. Hahahaha. Parang gusto kong tumawa, nakakatawa kasi siya. ang sarap niya asarin.

Hawak namin ang magkabilang kamay ng bata habang naglalakad. At talagang pinagtitinginan na kami ng mga tao sa park. 

Ang nakapagtataka lang ay hindi ako naiilang. Hindi ako naiinis. Ayaw na ayaw ko kasi talaga na tinitingnan ako, kahit sa school, naiinis ako sa mga estudyante na palagi na lang tinitingnan ang galaw ko. But now, parang natutuwa pa nga ako.

Ano ba ito? Sabihin niyo nga sa akin, nababaliw na ba ako?

Diana's POV

Medyo malayu-layo na rin ang nalalakad namin, pakiramdam ko nalibot na namin ang buong park pero hindi pa rin namin nakikita ang mama nitong si James.

Sabi niya bigla na lang daw nawala ang mama niya. Hindi naman siguro siya iniwan ng mama niya no? Hayyyy, ano ba itong iniisip ko, napakacute ng batang to para iwan na lang ng mama niya. Baliw talaga ako, para ko na ring sinabi na pag di cute ang anak mo pwede mo na lang iwan.....

Magkahawak kamay pa rin kaming tatlo hbang naglalakad. At talagang nahihiya na ako. Pero ewan ko ba dito sa kasama ko parang tuwang-tuwa pa ata. Sarap batukan, kung kelan nakakainis ang nangyayari saka pa siya natuwa. Abnormal talaga.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon