CHAPTER 54:

3.8K 99 8
                                    

Sav's POV

"Sav. Gising na.."

Agad naman akong nagising dahil sa boses na iyon. Pagmulat ko nakita ko si Ayumi na nakangiti habang nakaupo sa gilid ng kama ko.

"Keaga-aga Ayu." iritang sabi ko sa kanya.

"gumising ka na dyan! May girls night out tayo mamayang gabi. But for now. Magshopping muna tayong dalawa!" sagot nya

Eh inaantok pa ako! Haist.

"oh? Hintayin na kita sa labas ah! Don't worry! Pinaalam na kita kay Tita Elviah!" sabi pa nya

Agad ko naman syang sinamaan ng tingin bago sya makalabas ng kwarto ko saka tumayo para maghilamos. At nung dumaan ako sa isang salamin na nakakabit sa kwarto ko ay bigla akong napabalik.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!" sigaw ko dahil sa gulat

Sino ba naman hindi magugulat kung makikita mo sa salamin na umumbok ang tiyan mo!!!

"OH SAV?!?! ANONG SINISIGAW-SIGAW MO DYAN?!?!" gulat na gulat at nag-aalalang tanong ni Ayu

Agad ko naman itinuro ang bandang tiyan ko. At kagaya ko. Nagulat din sya sa nakikita nya.

****
Cross POV

"Inunahan mo pa kami Cross ah!! Grabe! Anong posisyon ba ang ginamit nyong dalawa at nagkabunga agad?! Hahaha" pang-aasar sa akin ni Ivan kaya naman agad ko syang sinamaan ng tingin.

Napatingin naman agad ako kay Sav na kasalukuyan nasa tabi ko at hinihimas ang tiyan nya.

This is unbelievable. Paanong lalaki agad ng ganito? Tatlong araw palang nakalipas magmula nung dumating kami at nung may mangyari sa amin.

Sakto naman na dumating sina Mama at Papa kasama si Ezrah.

"oh! Long time no see sa walang kwentang orakulo! Hahaha" pang-aasar ni Ivan kay Ezrah

*pok*

Agad lang naman nakatanggap si Ivan ng hampas sa ulo mula kay Trinity.

"could you just shut your loud mouth! Para kang hindi lalake!" asar na sigaw ni Trinity kay Ivan at napatahimik nga ito matapos pagalitan ni Trinity.

Agad naman napalapit si Ezrah sa gawi namin ni Sav at yumuko ito para makalevel nya si Sav.

"hahawakan ko ang tiyan. Kung maaari?" paalam ni Exrah at tumango naman si Sav

Agad naman hinawakan ni Ezrah ag tiyan ni Sav. Ilang segundo lang ang nakalipas ay agad din inalis ni Exrah ang kamay nyang nakahawak sa tiyan nito.

"huwag na kayong magtaka kung bakit mabilis ang paglaki ng sinapupunan ni Saviahna. Isang Pureblood Vampire ang kanyang ama, at isang Royal Blood Vampire na may dugong tao si Saviahna. Madalang lang ang mga ganitong sitwasyon. At sila ang nanguna sa historya. Dahil wala pa ang nakakagawa ng ganito kahit nung unang panahon pa. Hindi ko masasabing isang Damphir ang kanilang anak. Dahil ang isang Damphir ay mabubuo lamang ng isang malakas na bampira at isang tao. Basta ang nasa isip ko. Kakaiba ang magiging anak nila. At magiging mahirap ang panganganak mo. Hindi ko din alam kung ano ang mangingibabaw sa magiging anak ninyo. Maaring mas mangibabaw ang pagiging pureblood na makukuha nya kay Cross, o maaring mas mangibabaw ang pagiging royal blood nya na makukuha nya kay Saviahna. Or malay nyo. Makuha nya lahat ng abilidad na meron silang dalawa. Na kung saan ay wala pa sa historya ang nakagawa ng ganun." mahabang paliwanag ni Ezrah

"sana lang kumpleto ang anak ko na lumabas. Sa dami ng sinabi mo. Parang sinabi mo nang hindi normal ang magiging anak ko." nag-aalalang sabi ni Sav at agad ko naman syang inakbayan.

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon