CHAPTER 32:

3.8K 105 9
                                    

Sav's POV

"Saviahna!"

Napalingon ako nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko.

Halos malaglag ang panga ko sa gulat at saya nang makita ko si mama, kaya naman nagtatatakbo ako papalit sa kanya at niyakap sya ng mahugpit.

"Ma!!! Namiss kita!!!" umiiyak na sabi ko kay mama habang yakap-yakap ko sya ng mahigpit.

Naramdaman ko naman ang malambot na paghimas nya sa ulo ko na talagang namiss ko ng sobra.

"Anak.. I'm sorry.." mahinang sabi ni mama hanggang sa naramdaman ko ang malambot na paghimas nya kanina ay nagiging marahas na.

"Urzia."

Agad naman akong napalayo dito dahil sa takot.

Yung babae na naman!

Nasaan na si mama?!?!

"URZIAAAAAAAA!!!!!!!"

"WAAAAAAAAAAAH!!!!"

"Uy Sav! Sav!"

Halos mapaluha ako nang makita ko si Ayu sa harap ko kaya naman agad ko syang niyakap..

"huy! Panaginip lang yun!" sabi nito sabay tap sa likod kaya naman kumalma na ako agad naman akong kumalas matapos nun.

"ano ba kasing panaginip mo?" tanong ni Ayu sa akin.

"Ah wala yun. Napanaginipan ko lang si mama sa sobrang miss ko sa kanya.." sagot ko nalang kahit hindi naman talaga yun yung saktong napanaginipan ko.

"Ahh ganun ba. Ano ka ba! Magkakasama din kayo ng mama mo!" pagchecheer up sa akin ni Ayu at tumango nalang ako sa kanya sabay ngiti.

"tsaka.... Ano ba kasing nangyari sayo? Nakita ka nalang daw na walang malay sa may hagdan. Mabuti nalang at may mabait na mga estudyante ang nagdala sayo dito." nag-aalalang tanong at paliwanag ni Ayu sa akin.

Should I tell her what happened??? Pero wala naman sigurong masama kung sabihin ko diba?? Tsaka si Ayu naman to eh!

"Ano kasi.. Doon sa hagdan kas-- ahckk"

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nung bigla nalang nanakit ang bandang puso ko..

Grabe! Ansakit!!!

"Okay ka lang ba?! Ui Sav!" nag-aalalang tanong ni Ayu hanggang sa nawala din ang sakit kalaunan..

"o-okay na ako.." litong-litong sagot ko

"sure ka?!" nag-aalalang tanong ni Ayu

"oo.. Nawala na yung sakit.." sagot ko habang nakatitig sa kawalan.

"uhm Sav.. Kaya mo na ba? Kasi ano.. Medyo busy kasi kaming mga Council ngayon.." nag-aalangan sabi ni Ayu habang pilit na nakangiti.

Halata naman na bising-bising sila eh..

"oo kaya ko na to!" sagot ko at pilit na ngumiti

"sigurado ka ba??" tanong ulit ni Ayu.

"Oo naman! Ano ka ba! Sus! Ako pa!" nakangiting sagot ko nakita ko naman na napangiti ito sa akin pabalik.

"Oh sya! Sabay na tayong lumabas! Pero hihiwalay din ako ah!" sabi nito at tumango nalang ako.

****

Habang nasa hallway kami ay nagpaalam na sa akin si Ayu at lumakad na sa ibang direksyon habang ako naman ay dumeretso sa building namin nang makasalubong ko si Vivien..

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon