CHAPTER 35:

3.7K 108 2
                                    

Sav's POV

Nagising ako dahil sa naramdaman kong mga palad na humihimas sa akin mga pisngi.

Pagmulat ko ay nagulat ako at napayakap sa taong nasa harap ko.

"MA!" sabik na sambit ko habang kayakap sya. Pinisil-pisil ko ang katawan nito kung totoo na ba to o isang panaginip na naman.

At may naramdaman nga ako sa pagpisil ko. It's really my mom!!

"talagang namiss mo ako anak ah.." sabi nito habang hinihimas ang buhok ko. Agad din akong napakalas kay mama sa pagkakayakap.

"grabe ma! Ginulat mo ako! Sobra kitang namiss ma! Alam mo ba yun?! Ma so paanong nangyari to?! Kelan ka nagising?! Alam ba to nina Tita Grace at Tito Travis?! Nandito ba sila?!" sunod-sunod na tanong ko na may pagkagalak na boses, pero ngayon ko lang napansin na wala na pala ako sa silid ni Cross. Bagkus ay nasa isa akong kwarto na medyo may kalumaan na ang kulay at medyo madumi. Kasi may mga spider web pa sa kisame nito.

Well nevermind. As long as nandito si mama.

"wala sila dito anak. Ako lang ang nandito." nakangiting sagot ni mama

"ahhh ganun po ba.." sagot ko nalang at nagpatango-tango.

Agad naman napatayo si mama at may kinuha sa cabinet malapit sa kinahihigaan ko at inilabas ang puting bestida na below the knee.

Grabe! Ilang sabon at detergent kaya ang ginamit dito?! Napakaputi kasi ng kulay! Nakaktakot dumihan!

"Anak isuot mo ito. Palitan mo na yan damit mo. Puro kusot na kasi yan damit mo." sabi ni mama sabay aboy ng bestida sa akin.

"eh ma? Wala na bang iba? Ano kasi. Baka madumihan ko lang yan.." alanganin sagot ko at napangiti naman si mama sa akin.

"ano ka ba! Okay lang yan! Sige na! Isuot mo na to!" natatawang sagot ni mama kaya naman inabot ko nalang ito.

"Oh sya anak! Lalabas na muna ako ah! May aayusin lang ako! Magpalit kana!" paalam ni mama bago lumabas at kagaya ng sinabi nya ay agad akong nagpalit ng damit.

Matapos kong magpalit ng damit ay napag-isip-isip kong lumabas na kwarto.

At paglabas ko namangha ako sa lawang ng bahay na to.

Agad akong bumaba sa hagdan.. Para akong nasa palasyo sa lawang ng hagdan, pero napakadumi naman nitong bahay na to.

"Ma!" tawag ko kay mama pero wala man lang sumagot.

"Ma! Asan ka?!" tawag ko habang palakad-lakad sa baba.

*togsh*

Haist! Sabi nang hindi ko isusuot tong damit! Ayan tuloy! Puro alikabok na!

Agad akong tumayo at pinagpag ang laylayan ng bestida.. Lagot ako neto. Pero buti nalang konting bahid lang ng alikabok ang naiwan.

Agad ko naman pinulot ang dahilan ng pagkakasalampak ko.

Isa pala itong litrato. Litrato ng isang mag-anak.

Dalawang babae at isang lalake na nakaupo sa isang sofa ng pula.

Sino kaya sila???

Agad kong itinabi ang litrato sa isang maliit na cabinet hanggang sa bigla kong naalala ang cellphone ko. Agad naman akong bumalik sa kwarto at kinapkap ang cellphone ko sa bulsa ng skirt ko pero wala ni isang bagay akong makapkap! Aish! Baka nakalimutan ko sa kwarto ni Cross!

Agad naman akong bumaba ulit at lumabas ng bahay. Paglabas ko sumalubong sa akin ang mga naglalakihan puno.

Sandali? Asan ba kasi ako?! Tsaka. Nasaan na ba kasi si Mama?!?!

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon