CHAPTER 28:

3.9K 114 7
                                    

Ayumi's POV

Lagot kami neto!

"sino kayo?!" galit na sigaw ng isang lalake na kasalukuyan nasa harap na namin.

*sheeeeh*

Nagulat ako nang makita ko ang lalake na nakahandusay na ngayon ang katawan. At nakita ko naman si Cross na syang may gawa..

Mabilis naman akong lumapit dito at tinamaan ng kaba..

"C-Cross.. What did you do?" tanong ko na may panginginig sa boses. Napatingin naman sya sa akin matapos ko syang tanonging, pero yung tingin nya... Anlamig!

"Don't worry I didn't kill him.. Pinatulog ko lang bago pa sya makatawag ng iba." cold na sagot nito at hinila ang katawan ng lalake at dinala sa madilim na parte kung saan hindi ito makikita.

Matapos nun ay napatingin naman si Cross sa amin isa-isa..

"Now. Try not to make a noise again. Or I'll kill you." banta sa amin ni Cross at napatango nalang kami habang si Prince Ivan napatawa nalang ng mahina.

Nagpatuloy naman kami sa paglalakad at kita ko na sa malayo ang isang malaking bahay na kinaroronan ng mansion ng mga Collin yata???

"Yan na ba yun?" tanong ko kay Cross sabay turo sa mansion at napatango naman ito na nangangahulugang sumasang-ayon ito.

Grabe.. Malapit na pala kami. Konti nalang talaga, makikita na namin ulit si Sav.

***
Sav's POV

Habang nasa higaan ako, bigla ko nalang naalala sina Ayu at ang iba. At andaming tanong na tumatakbo sa isip ko. Kung kumusta na kaya sila? Maayos kaya sila? Naaalala pa ba nila ako? Hindi kaya nila ako hinahanap?

At dahil hindi ako makatulog napag-isip-isip kong lumabas muna at magpahangin.. Paglabas ko ng kwarto ay agad akong dumeretso sa garden kung saan madalas akong tumambay.

Malamig ang simoy ng hangin ngayon gabi. Napakalamig. Sobrang lamig, kagaya nung una namin engkwentro ni Cross.

Palakad-lakad lang ako nang mapansin kong may nakasunod sa akin. Kaya naman agad akong lumingon at nakita ko si Grant na nakatingin ng deretso sa akin.

Kanina pa ba nya ako sinusundan?

"Grant! Ikaw pala! Bat di ka pa natutulog??" tanong ko dito

"Wala lang.. Eh sa ayaw ko pang matulog eh.. Eh ikaw? Bat di ka pa natutulog?" sagot at tanong nito sa akin

Yung boses nya ngayon gabi ibang-iba sa boses ng kinakausap ko kaninang umaga. Anong nangyari?

"ano.. Kasi... Hindi kasi ako makatulog kaya napag-isip-isip ko lang ang magpahangin baka sakaling makatulong ito para antokin ako.." sagot ko naman

Naglakad ulit ako at alam kong sumusunod sya sa bawat yapak ko nang makita ko ang nag-iisang bulaklak na rosas.. Mukhang ito palang ang unang pamumulaklak nito.

Agad kong nilapitan ito at hinawakan..

Nakakahumaling ang ganda at kulay ng bulaklak na ito.. Naalala ko nga.. May mga rosas din sa labas ng mansion nina Queen Celestine at King Evan, kagaya nito napakaganda din..

"gusto mo ba yan?" tanong ni Grant sabay tukoy sa bulaklak na kasalukuyan kong tinititigan at hinahawakan.

Nag-alangan naman akong sumagot sa kanya at nginitian ko nalang sya..

"kunin mo na.." sabi nito at umiling naman ako

"sa akin ka pa nahiya.. Kunin mo na.." nakangiting sabi ulit ni Grant kaya naman agad ko itong pinitas at wrong move ako..

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon