CHAPTER 31:

4.1K 119 6
                                    

Sav's POV

"Good Morning class!" bati sa amin ni sir Dex

"Good Morning sir!" bati din namin

Pagkaupong-pagkaupo ni sir ay agad syang napatingin sa akin at napangiti.

"wow! You're back ms. Raven!" galak na sabi nito sa akin at napangiti na lamang ako sa kanya.

At magsisimula na sanang maglecture ni Sir nang biglaan dumating sina Ayu at Zeon.

Napailing nalang ako, kasi late na naman sila. Hindi ko sila nakasabayan kanina dahil wala na sa kwarto nya si Ayu, sabi ng nakakita sa kanyaaaga daw itong umalis kaya ineexpect ko na mas nauna pa silang nakapasok kesa sa akin. But as you can see, mas nauna ako sa kanila.

"kelan ba kayo magbabago? Naturingan pa naman kayong parte ng student councils. Pero eto kayo. Laging nalelate. Aba't mukhang hindi kayo maturuan ni kuya ah." nakangising sabi ni Sir Dex sa dalawa at sakto naman na nagpakita si Sir Clint na nakataas ang kilay.

"May sinasabi ka?" taas kilay na tanong ni Sir Clint at napatawa naman si Sir Dex nang biglang lumitaw si Sir Clint.

"Hahaha. Grabe! Yan mukha mo kuya! Pare-parehas na kayo ng mga mukha ng mga kasama mo dyan sa council! Para na kayong nadaanan ng maraming bagyo sa sagwa ng mga mukha nyo! Hahaha" tawang-tawang sagot ni Sir Dex kay Sir Clint

"so parang sinabi mo na din na pati kami sir!" angal ng sabi ng isa din sa Council

I think Farrah yata pangalan nito..

"malamang kasali ka Ms. Regan! Parte ka ng Council diba?" birong sagot ni Sir Dex kaya naman agad na nakatanggap ng masamang tingin si Sir Dex mula kay Farrah.

"so ano nga palang sadya nyo dito? Kasi naiistorbo nyo yung paglelecture ko." seryosong tanong ni Sir Dex sa kanila.

"pinapatawag lahat ng member ng faculty at mga Councils ni Ms. Claire for a short meeting.." seryosong sagot ni Ayumi

Parang kanina lang nagbibiruan sila tapos ngayon bigla silang seseryoso. Ito naman si Ayumi di man lang ako magawang tignan at mag-Hi man lang, isali mo na ton si Zeon na seryosong-seryoso ang expression.

"okay." sagot ni Sir Dex at bumaling naman sa amin.

"Class dismiss." pagdidismiss ni Sir Dex, sabay nun ang paglabas nya ng room.

Agad naman akong tumayo palabas para habulin sina Ayu.

"Ayumi!" tawag ko sa pangalan nya pero ni hindi man lang sya lumingon o tumigil.

Grabe! Nabingi na ba ang babaeng to? Hayyy hayaan na nga lang! Baka may importante silang gagawin at pag-uusapan, na dahilan kung bakit ganun nalang sila kung kumilos. Makapunta na nga lang sa canteen  nang magkalaman tong sikmura ko!

Agad kong tinahak papunta sa hagdan pababa hanggang sa nakaramdam ako ng malamig na hangin na sumasalubong sa akin.

Nagtingin pataas at pababa ako, at napansin kong ako lang ang nandito sa hagdan..

"siguro may ibang daanan kaya walang estudyante ngayon dito." sabi ko sa sarili ko

*shooooooh*

Bigla naman akong napayakap sa sarili ko nang nakaramdam na naman ako ng malamig na hangin na sumalubong sa akin, kaya naman napatigil ako.

Grabe! Napakacreepy naman ngayon dito! Ano bang meron? Pinaglalaruan yata ako ng kung sinong estudyante or baka sina Ayu? Pero may meeting sila eh! Haist!

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon