CHAPTER 41:

3.6K 114 3
                                    

Sav's POV

It's been a week since nung araw na walang Cross at Grant na napapalapit sa akin. Napaka-over protective kasi ni Ate Trinity, pag talagang sinabi nyang hindi pwede, hindi na talaga pwede. Pumayag din si Princess Eva dito para daw magtanda sila, kasi wala nang ginawa ang dalawang yun kundi mag-away, at magsumbatan magmula nung makatapak kami sa bahay na ito.

At andito ako ngayon sa rooftop ng bahay mag-isa. Oo may rooftop tong bahay. Ayos nga eh. Kasi may garden dito na punong puno ng mga bulaklak na roses. Mukhang mahilig mag-alaga ng mga bulaklak ang dating may-ari nito ah.

"Urzia..."

Nagsitaasan naman lahat ng mga balahibo ko nang may narinig ako tumawag sa akin gamit ang pangalawang pangalan ko.

Pero baka guni-guni ko lang naman yun. Kaya naman pinagpatuloy ko ang pagtingin sa mga magagandang bulaklak ng rosas na talagang nakakahumaling ang mga kulay nito.

"Urzia.."

Shikes! Hindi na talaga guni-guni to!

Napalingon naman ako sa may bandang likod ko.

At paglingon ko nakita ko na naman ang babaeng natatakpan ang mukha gamit ang mahaba nyang buhok. At kasalukyan itong palapit sa kinaroroonan ko.

Tanging pagnga-nga at pagpatak ng pawis ko ang nararamdaman ko kasi hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Ano ba kasing kailangan mo sa akin?!" takot na takot na sigaw ko

Hanggang sa nasa harap ko na to na talagang ikinagimbal ko sa takot at kaba.

"Urzia.."

Grabe! Mas nakakakilabot at nakakatakot pala kapag sa malapitan mo maririnig ang pagtawag nito sa akin.

Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong, pero yung bunganga ko ayaw maki-cooperate. Gusto kong tumakbo palayo sa kanya, kaso yung paa ko naninigas. Ano ba! Makisama naman kayo oh! I just need HELP!!! KASI TAKOT NA TAKOT NA TAKOT NA AKO!!!

Sya ba?! Sya ba yung prinsesang tinutukoy nila?! Kung sya nga! Please lang! Tigilan nya na sana ako!

"Hey Sav! Sinong kausap mo dyan?!" rinig kong tawag at tanong ni Ate Trinity at kasabay nun ang pagbalik sa dati ng katawan ko.

Agad naman akong napatakbo palapit sa kanya at niyakap ito ng mahigpit.. Nakakahiya nga eh kasi pawis na pawis ako tapos yung mga palad ko basang-basa.

"hey. Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Ate Trinity

"Sorry Ate.. Nabasa ko na kayo ng pawis ko.." sagot ko dito

"it's okay. Com'on. Tell me." sagot nito sa akin at tumango ako bago kumalas ng yakap at naupo kami sa malapit na bench sa may Garden.

Ngayon ko lang napansin na wala na pala ang babaeng nakikita ko kanina. Umalis na pala.

"There was women who keeps on calling my name. Mali pala. Tinatawag nya ako sa pangalawang pangalan ko which is Urzia. Isang babae na mahaba ang buhok na natatakpan ang mukha nito.." kinakabahan at natatakot na sagot ko kay Ate Trinity

"maybe sya na yun. Kaya hindi ka talaga pwedeng iniiwan mag-isa eh. Dapat lagi kang may kasama." pagpapa-alala nya sa akin at tumango naman ako nang biglang may naalala ako. Maybe masasagot nya tong tanong ko.

"Uhm Ate.." tawag ko dito habang nakayuko

"Yes?" sagot nito sa akin

"may ishe-share lang sana ako. At baka masagot mo tong problemang to Ate." pagsisimula ko

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon