CHAPTER 49:

3.5K 124 1
                                    

Sav's POV

grabe.. Andilim naman dito.. Wala man lang bang liwanag dito o ilaw man lang???

*tog*tog*tog*

Nakuha naman agad ng pansin ang tunog na yun kaya naman nagmadali ako ng takbo at sinusundan ang ingay na yun. At pagkarating ko..

"SH*T!! BAKIT HINDI AKO MAKALABAS!!!" gigil na gigil na tanong ng babaeng nagwawala at sipa ng sipa sa hindi ko alam kung ano ang sinisipa.

Hanggang sa naramdaman nya siguro ang presensya ko at bigla itong napalingon at napakunot ang noo ito nang makita ako..

Nagulat nga din ako nang makita ko ang mukha nito. Dahil sya lang naman ang babaeng nasa isa sa litrato na nakita ko nun. So yung babaeng nasa picture at si Valerie ay iisa???

(A/n: kung di nyo na maalala pa yung about sa picture. Magbackread kayo sa Chapter 35.)

"IKAW?! IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT HINDI AKO MAKALABAS!!" galit na sigaw nya sabay duro sa akin at mabilis na lumapit sa akin at hinila ang buhok ko.

Alam nyo yung masakit???? Eto oh! Ansakit ng sabunot nya!!!

"Bitawan mo ako!" sabi ko sabay hablot ng kamay nya at pilit na winawaksi ito.

At dahil talagang malakas sya ay hindi ko magawang alisin ang kamay na nakahawak sa buhok ko kaya naman naisip ko nalang na sipain sya sa pagkababae nya.

At effective nga. Napaluhod sya sa sakit.

"Kahit pala bampira pwedeng masaktang kapag tinamaan dyan noh." natatawang sabi ko dito

Napaangat naman ang ulo nito at napatingin sa akin ng masama at nagsimula nang mamula ang mata at magsilabasan ang mga pangil nito na ikinaatras ko.

Napatayo naman ito ata napangising nakatingin sa akin.

"sagabal ka sa lahat ng plano ko. Kaya siguro eto na ang oras para maghiwalay tayo. I will own this body. While you bitch. Hmmm" sabi nito at nag-isip bago sumagot

"how about? You die??" sabi nito at malademonyong napangisi sa akin na ikinakaba at ikinainis ko na din

"I won't allow you. THIS. IS. MY. BODY." matigas na sabi ko at matapang syang tinitigan na ikinatawa

"Didn't you remember? We are one! So that's my body too!" nakangising sabi nito

"No. Iisa nga tayo. Pero peke ka. AKO at AKO LANG ang totoong nagmamay-ari ng katawan na ito. Dahil matagal ka nang patay!" sigaw ko dito habang mariin na nakatingin sa kanya

Ginalaw-galaw naman nya ang ulo nito at napagalaw din ang panga nito.

"basta. Kung sino man ang matira. Sya ang totoong nagmamay-ari ng katawan na ito!!" galit na sigaw nya at sa isang iglap ay nasa harapan ko na sya na ikinagulat ko.

"tsk. Your human after all. Such a weakling." bulong nito at sa sobrang bilis ng pangyayari ay naramdaman ko nalang na nakahiga na ako habang nakahawak ang kamay nya sa mukha ko at ramdam ko ang sakit ng ulo ko dahil sa ginawa nya.

Mabilis naman syang pumaibabaw sa akin at pinagsusuntok ang mukha ko at sa sobrang bilis nya ay hindi ko na nakayang takpan pa ang mukha ko.

Argh! Sav! Tao ka! Pero lumaban ka! Lumaban ka kung gusto mo pang masilayan ang mga taong mahal mo!!

Lahat naman ng pwersa ng katawan ko ay ibinuhos ko lahat sa paghablot ng buhok nya at baliktad naman kami ngayon. Sya naman ang nakahiga.

Kaya naman agad akong tumayo at pinagsisipa sya nang bigla nyang hatakin ang paa ko saka hinila. Kaya naman parehas na kaming nakahiga.

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon