CHAPTER 19:

4.3K 142 7
                                    

Sav's POV

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa...

*togsh*

Napaupo ako dahil sa impact ng pagkakabangga ko...

"Aray..." sabi ko sabay himas sa ulo ko

"Oh my! Okay ka lang?!"

Agad naman akong napatingin sa nagsalita...

"Vivien???" sambit ko sa pangalan nya

"Sav???" sambit ko din

Agad naman nyang inabot ang kamay nya para matulungan nya akong tumayo at tinanggap ko naman ito.

"bat ka ba tumatakbo???" takang tanong ni Vivien

"umiiwas lang kasi ako sa halimaw.." sagot ko habang nakangiti

"ganun ba?" sagot nya

Pero alam ko.. Hindi nya ito nagets..

Eh? Hayaan mo na kung di nya nagets.. Hindi din naman mahalaga eh.

"Bakit kaya tuwing magkikita tayo lagi tayo nagkakabanggaan?" natatawang tanong ni Vivien

Oo nga naman! Tama sya! Anong meron? Hahaha.

"Hahaha ewan.. So where were you heading???" tanong ko

"tambay lang dyan sa mini garden. Sama ka?" aya nya sa akin

Napaisip naman ako kung sasama ako, kasi nga diba pinagbawal ni Cross na sumama ako kay Vivien..

Pero ano ko ba sya para sundin diba???

"Okay sige!" nakangiting sagot ko at tinahak namin ang daan papunta sa Garden.

****
Pagkarating namin sa Garden agad naman kaming naupo sa ilalim ng puno..

Napatingin naman ako sa kanya na kasalukuyan nakasandag sa may puno at nakatingin sa taas habang nakapikit..

Grabe! Cute nyang tignan..

Agad naman syang tumingin sa akin kaya naman napaiwas ako..

"hindi naman masamang tumitig eh.. Kaya di mo na kailangan umiwas.." nakangiting sabi nya

Agad naman akong napatingin ulit sa maamo nyang mukha..

"Hahaha pasensya na ah.. Cute mo kasi eh.." nakangiting sagot ko

"ala.. Hindi naman.." sagot din nya

Matapos nun ay napatahimik nalang kami pareho..

Grabe.. Nakakarindi yung katahimikan namin..

"Uhm Sav.." tawag nya sa akin kaya naman agad akong napatingin sa kanya

At kita ko ang napakaseryoso nyang mukha.. Kung kaya naman ay nakaramdam ako ng kilabot..

"bakit?" tanong ko at pilit na ngumiti

"nagtataka lang ako.. Bakit sobra ka kung protektahan ni Cross?" seryosong sagot at tanong nya

"Dahil kaibigan nya ako?" hindi siguradong sagot ko

At napataas naman ang kilay nya sa sagot ko.

"we all know that Cross is not a kind of man that will get friend to a girl like you.." nakakunot na sagot

Nagulat naman ako sa expression at sa sagot nya..

Hindi ko inaakala na masasabi nya ang mga bagay na yan sa akin..

'Bakit? Anong klaseng babae ba ako at hindi ako karapat-dapat na maging kaibigan ni Cross...'

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon