CHAPTER 23:

4.1K 120 8
                                    

Sav's POV

Nandito ako ngayon sa harapan ng mga magulang ni Grant. Or should I say ang King at Queen ng Southern Part of Vampire World. At nandito din yung babaeng sumakal sa akin nun nung kinuha si mama sa bahay.. They have the same feature with Grant kaso ito lang kasi yung mukhang girl version ni Grant..

(A/s: Kung di nyo na maalala balik kayo sa Chapter 15.)

Eto kami ngayon at nakikipagtitigan sa kanila.

Ganito din yung presensya ng paligid nung nakaharap ko ang mga magulang ni Cross. Grabe nakaka-suffocate...

Bigla naman akong kinabahan nung tumayo ang ina ni Grant at mabilis na lumapit sa gawi ko at..

"Hi iha! I'm Gracella Collin, half sister of your mom.. Just call me Tita Grace for short.." nakangiting pagpapakilala ng ina ni Grant

Wow.. Akala ko parang sina Queen Celestine at King Evan lang na magsasalita ka pala eh grabe na kung kabahan ka..

"ako din pala ang ama nina Grant at Trinity.. Travis Leandro Collin.. Tito Travis will fit.." pagpapakilala ng ama ni Grant

Napangiti naman ako bigla nang bigyan ako ng magandang pagpapakilala.. Hindi naman sa inaano ko yung style ng pagpapakilala ng mga magulang ni Cross, pero iba lang kasi sila eh. At Trinity pala ang pangalan ng kapatid ni Grant ah..

Siguro matatawag natin Cold Family sina Cross dahil sa lamig ng pakikitungo at pagpapakilala nila sa akin. At matatawag din na Warm Family sina Grant dahil sa init ng pakikitungo at pagpapakilala nila sa akin.

Hindi ko lubos akalain na makikilala ko ang mga pinakamataas sa Vampire Wolrd.. At sila nga yun..

King Travis and Queen Gracella with their Son and Daughter, Princess Trinity and Prince Grant.

And also King Evan and Queen Celestine with their Sons and Daughter, Princess Evangeline, Prince Ivan and Prince Cross..

"Ah hello po.. Nice to meet you po.. I'm Saviahna Urzia Raven, Sav nalang po.." pagpapakilala ko habang hindi nawawala ang pagkagalak ko at ngiti ko sa kanila..

At nakita ko naman palapit ang kapatid ni Grant na ikinakaba ko.

Diba? Ampanget kasi ng first encounter namin dalawa nun sa bahay? Yung nagka-insultuhan kami sa isa't-isa? Basta yun na. Tsaka kinakabahan din ako kasi diba nga sinakal ako ng kapatid ni Grant the first time we saw each other??

Saktong nandito na sya sa harap ko matapos kong kausapin sarili ko. At eto sya ngayon nakataas ang kilay na nakatingin sa mga mata ko.

Alam nyo yung pakiramdam na gusto mong umiwas pero para kang nakakulong sa mga tingin nya at hindi makawala.

Tumagal ng limang segundo ang tinginan namin nang ilahad nya ang kamay nya at ngumiti na ikinagulat ko pero syempre hindi ko pinahalata..

"Hi! I know you're afraid of my presence here.. And I want to say sorry of what I did that time, you know what I mean.. Also let me introduce myself I'm Trinity Grace Collin, at mas matanda ako ng dalawang taon dito sa baliw kong kapatid kaya tawagin mo nalang akong Ate Trin/Trinity. So are we okay now?" nakangiting sabi sa akin ng kapatid ni Grant na dahilan para mapangiti ako.

Mukha naman syang sincere sa mga sinabi nya, so why would I refuse her apology, if she really deserve forgiveness from me, right???

Agad ko din tinanggap ang kamay nya at nakipag-shakehands.

"Of course Ate! Sorry also of what I said that time.." nakangiting sagot ko at nagthumbs up naman sya sa sinabi ko, na nangangahulugang 'okay lang'.

At dahil nagkakilalanan na kaming lahat. Maybe eto na ang tamang oras para tanungin sa kanila ang mangilan-ngilan sa mga gusto kong malaman tungkol sa akin.

"So Tita Grace.. You said your my mom's half sister. So that will make me as your half niece Tita???" nagtatakang tanong ko sa kanila

Nakita ko naman na napakagat sa labi si Tita Grace at mukhang ayaw pang sagutin ang tanong ko.

"U-Uhm.. I-I don't know Sav.. I don't know if you really are my niece.." malungkot na sagot nito

Huh? Eh anak ako ni mama? Bakit hindi nya alam??

"what do you mean Tita?" naguguluhang tanong ko

"What I mean is.. If you really are my sister's daughter, how come that Elviah is still virgin? At isa pa. Kung talagang anak ka ng kapatid ko, bakit puro kang tao? I'm sorry to say this to you Sav.. But you are far from being her daughter ang far from being my niece.." malungkot na sagot nito na ikinagulat ko.

Para akong nakarinig ng nabasag ng bintana matapos kong marinig ang sagot ni Tita Grace.

Oo nga naman.. Paano magiging anak ng isang bampira ang isang purong tao diba???

Wala na akong ginawa pa kundi umiling nalang at yumuko.

Sav napakatanga mo para isipin mo na anak ka nya! Tao ka Sav! Hindi ka kalahating bampira o purong bampira man lang!

"But don't worry Sav. Kahit na hindi ka totoong anak ni Elviah, tinuring ka parin nya as her true daughter.. At ituturing din kita as my true niece. Okay? So cheer up!" nakangiting sagot ni Tita Grace

Napangiti nalang ako ng pilit at tumango nalang..

"At kung may iba ka pang tanong, mas better kung si Elviah ang sumagot sa mga tanong mo, kasi sya naman ang nagtago ng lahat.." sabi ni Tita Grace sa akin at tumngo nalang ulit ako sa kanya.

"Oh Grant! Wag mong kakalimutan ah! PINSAN nating si Saviahna! PIN-SAN! Neyy!" sabi ni Ate Trinity na may halong pang-aasar sa boses

Sinamaan naman ng tingin ni Grant si Ate Trinity, at napatawa nalang si Ate Trinity sa tingin ni Grant..

"Iha feel at home ah. Waf kang mahihiya dito. Parte kana rin ng pamilya.." sabi ni Tito Travis sabay ngiti at tumango nalang ulit ako

Grabe.. Sobrang init talaga ng pagtanggap nila sa akin, kahit na hindi naman talaga ako parte ng pamilya. Pakiramdam ko nga kumpleto na ako.. Pero.. Bigla ko nalang naalala sina Ayumi, Zeon, at Cross..

I liked here..

...but I miss them a lot kahit na dalawang araw palang ako dito... NAMIMISS KONA SILA NG SOBRA...

Sana nandito sila...kasama ko...

*.*.*.*.*.*.*.*.*.*.*
Hi readers!

What can you say about this part???
Anong reaction nyo sa nalaman nyo???

-Mysterious
(12-05-17)
----------
Don't forget to VOTE and COMMENT..

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon