CHAPTER 24:

4K 111 9
                                    

Sav's POV

Limang araw na ang nakalipas magmula nung araw na umalis ako -este kinuha ako ng walang pasabi sa Academy...

Limang araw na din ang nakalipas magmula nung makasama ko ang pamilya Collin...

At limang araw na din ang nakalipas magmula nung mamiss ko ang mga kaibigan ko sa Academy..

Hindi ko maintindihan itong sarili ko. Gusto ko nang bumalik, pero ayoko naman iwan si Mama. Gusto ko sa paggising nya ang mukha ko ang una nyang masusulyapan. Pero..

...namimiss ko na talaga sina Ayu, Zeon at Cross..

Wala din akong masyadong kausap dito, kundi sina Grant, Ate Trinity at ang mga magulang nila. Hindi kagaya sa Academy na maraming estudyante at nandun din sina Sir Dex..

"Uy Dawn! Bored kana yata dito??" tawag sa akin ni Grant

Hala..

"Hah? Hindi noh! Wala lang kasing magawa eh.." sagot ko at napangisi naman sya

"Edi bored ka nga!" natatawang sagot nito

Agad naman syang naupo sa tabi ko. Nandito nga pala kami sa ilalim ng puno at naka-indian sit kami parehas, habang kinakalikot ko ang cellphone ko..

Nang bigla akong napangiti nang makita ko yung stolen shots ni Cross na nakanganga HAHAHA!!!

"oh? Anong nginingiti-ngiti mo dyan?! Patingin nga!" natatawang sabi ni Grant at pilit na inaagaw ang cellphone ko, pero syempre hindi ko sya hinayaan makita yung mukha ni Cross na yun. Kawawa si Cross eh baka pagtawanan lang ni Grant to..

"wag na ah! Privacy please!" sagot ko naman dito at nanliit naman mata nito at napapout nalang.

Tinuloy ko ulit sa pagview ng photos nang makita ko ulit yung picture nya nung tumatawa sya nung nasa bahay kami..

All I can say is... Wow! Sarap nyang titigan pag tumatawa.. Pero kahit anong expression nya gwapo pa din sya..

Ayts! Namimiss ko na tong lalakeng to! Yung kasungitan nya namimiss ko na! Hindi kasi ganito si Grant.. Mabait kasi si Grant eh, playful pa..

"Ahhh.. So you like him?"

Namula ako sa tanong nya at syempre nagulat na din ako nung nasa likod kona sya, kaya naman agad kong tinago ang cellphone ko sa bulsa ko..

"H-hah?? Hindi kaya! Tong masungit na to?! Tong lalakeng daig pa ang babaeng dinadalawan?! Tong lalakeng walang ginawa kundi magsungit?! Hay naku!" sagot ko dito at hindi ko napansin na napapasigaw na pala ako pero may kahalong tawa

Sinamaan naman nya ako ng tingin.

"Dami mong sinabi.. Oo at hindi lang naman ang sagot.. At sa dami ng sinabi mo, wala man lang akong natanggap na sagot na oo at hindi.." umiiling na sagot nito

At napatapik naman ako sa noo ko.. Oo nga naman noh!!

Pero hindi ko naman alam kung anong isasagot ko..

Pero bakit ba hindi ko alam??? Ngeee!!

"ano sasagutin mo ba ako o tatahimik ka nalang dyan???" taas kilay nyang tanong

Napatingin naman ako sa mga mata nito..

"H-Hindi?" sagot ko

"Hindi sigurado? Yung totoo? Gusto mo ba ang lalakeng yan??" tanong ulit nito sa akin

Can someone save me in this situation? Hehe

Isip: Hindi mo sya gusto Saviahna!!!
Puso: Hindi nga ba???

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon