CHAPTER 50:

3.7K 104 8
                                    

Sav's POV

Tapos na. Natalo ko si Valerie. Hanggang sa huli. Sa akin at sa akin pa din ang katawan na ito.

"Sav!" rinig kong tawag sa akin ng pinakamaingy sa grupo.

"Ayu! Ano ba! Pwede ka naman lumapit sa akin at tawagin ako! Hindi yung sinisigawan mo ako!" sagot ko dito na kasalukuyan nasa may pinto ng kwarto ng dorm ko

Nga pala 1 buwan na ang lumaipas magmula ng insidenteng iyon, and sad to say nasawi si mrs. Gregor. Its been also 1 month nang walang Zeon ang nangungulit. Tanging si Ayu nalang. And its been 1 month nang maging mag-on kami ni Cross.

"di ka na nasanay sa akin!" sabi nito saka lumabas ng kwarto ko

Agad ko naman kinuha ang gamit ko saka lumabas ng kwarto.

***

Paglabas ko ng building ng dorm namin ay sinalubong agad ako ni Cross at nakasunod naman sa akin si Ayu sabay sabing...

"WALANG FOREVER!" -Ayu

Sabi nito at nauna nang maglakad sa amin.

Napangiti nalang ako na may halong pait. I know how much she missed Zeon that much.

Lintek Zeon! Bumalik kana kasi! Mababaliw na tong si Ayu!

"he'll come back. Don't worry.." biglang sambit ni Cross at napatango nalang ako.

***

Papasok palang kami ng room ng salubungin kami ni Vivien na kasalukuyan may hawak na mga maleta.

Nung una akala ko itataboy ito ni Cross pero hindi nya ginawa na ikinataka ko.

"Sav.. Sa lahat ng nangyari noon. Gusto kong humingi ng tawad. Ayos na kami ni Cross. Nag-usap na kami. And don't worry. Magmula ng trahedyang isang buwan na ang nakakalipas, ay natanggap ko na, na ikaw talaga ang gusto at mahal ni Cross. So sa ngayon. Nandito ako para magpaalam at magpasalamat sa lahat." sabi nito

"magpaalam?? Bakit?? Saan ka pupunta??" takang tanong ko

"hindi ko alam kung saan. Basta gusto kong maglibot sa buong mundo. Malay mo sa paglilibot ko ay makita ko ang lalakeng magmamahal sa akin. At tatanggap sa akin." nakangiting sagot nito na ikaawang ng bunganga at ikinalungkot ko na din

"Viv. Thank you din. At sana nga mahanap mo ang lalakeng magmamahal sayo. Take of yourself. I hope magkita pa tayo ulit. Thank you for giving my life a thrill." nakangiting sagot ko

"of course! Hahaha sige! I should go! Malayo-layo pa ang lalakbayin ko!" paalam nito at saka naglakad

"TAKE CARE!!" pahabol ko

"same with you!! See you when I see you!!" sagot ni Vivien at tuluyan nang umalis

Pumasok naman agad kami at sinalubong ako nina Farrah at Louie.

Oo nga pala. Sila na din matagal na.

"Good Morning Sav!" bati ni Farrah

Nginitian ko naman sya bago sumagot.

"Good Morning din sa inyo!" bati ko din at napatingin naman silang dalawa sa katabi ko

"oh? Umagang-umaga! Anlamig ng kasama mo ah!" sabi ni Louie sa akin na tinutukoy nya si Cross

"di na kayo nasanay dito! Daig pa nga nito ang Antartica sa sobrang lamig! Hahaha" biro ko at napatingin naman ito sa akin ng masama at sakto naman ang pagdating ni Ayu.

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon